Ginawa ba ng Diyos ang Diyablo?
Ang sagot ng Bibliya
Ipinakikita ng Bibliya na hindi nilalang ng Diyos ang Diyablo. Sa halip, nilalang niya ang persona na naging ang Diyablo. Sinasabi ng Bibliya tungkol sa Diyos: “Sakdal ang kaniyang gawa, sapagkat ang lahat ng kaniyang mga daan ay katarungan. Isang Diyos ng katapatan, na sa kaniya ay walang masusumpungang kawalang-katarungan; matuwid at matapat siya.” (Deuteronomio 32:3-5) Batay dito, masasabi natin na si Satanas na Diyablo ay isang dating perpekto at matuwid na anghel ng Diyos.
Sinabi ni Jesus sa Juan 8:44 na ang Diyablo ay “hindi . . . nanindigan sa katotohanan.” Ipinahihiwatig nito na si Satanas ay dating tapat at walang kasalanan.
Gayunman, gaya ng iba pang matatalinong nilalang ni Jehova, ang anghel na naging si Satanas ay may kalayaang pumili ng tama o mali. Nang piliin niyang kalabanin ang Diyos at udyukan ang unang mag-asawa na sumama sa kaniya, ginawa niyang Satanas, o “Mananalansang,” ang kaniyang sarili.—Genesis 3:1-5; Apocalipsis 12:9.