Makakatulong ba ang Bibliya Para Maging Maligaya ang Aking Pamilya?
Ang sagot ng Bibliya
Oo. Narito ang ilang matalinong payo mula sa Bibliya na nakatulong sa milyun-milyong babae at lalaki para maging maligaya ang pamilya nila.
Gawing legal ang inyong pag-aasawa. Ang pagpapakasal at pangakong magsasama kayo habambuhay ang pundasyon ng maligayang pamilya.—Mateo 19:4-6.
Magpakita ng pag-ibig at paggalang. Kasali rito ang pakikitungo sa iyong asawa sa paraan na gusto mong pakitunguhan ka.—Mateo 7:12; Efeso 5:25, 33.
Iwasang magsalita nang nakasasakit. Magsalita nang may kabaitan kahit nasasaktan ka sa sinasabi o ginagawa ng asawa mo. (Efeso 4:31, 32) Ganito ang sabi ng Bibliya sa Kawikaan 15:1: “Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit, ngunit ang salitang nakasasakit ay pumupukaw ng galit.”
Maging tapat sa isa’t isa. Huwag magkaroon ng romantiko o seksuwal na kaugnayan sa hindi mo asawa. (Mateo 5:28) Ang sabi ng Bibliya: “Maging marangal nawa ang pag-aasawa sa gitna ng lahat, at maging walang dungis ang higaang pangmag-asawa.”—Hebreo 13:4.
Sanayin sa maibiging paraan ang inyong mga anak. Huwag maging kunsintidor pero huwag ding maging mabagsik.—Kawikaan 29:15; Colosas 3:21.