Bakit Namamatay ang mga Tao?
Ang sagot ng Bibliya
Natural lang na itanong kung bakit namamatay ang tao, lalo na kung nawalan tayo ng mahal sa buhay. Sinasabi ng Bibliya: “Ang tibo na nagbubunga ng kamatayan ay kasalanan.”—1 Corinto 15:56.
Bakit nagkakasala at namamatay ang lahat ng tao?
Namatay ang unang mga tao, sina Adan at Eva, dahil nagkasala sila sa Diyos. (Genesis 3:17-19) Kamatayan ang ibinunga ng kanilang paghihimagsik sa Diyos dahil nasa kaniya “ang bukal ng buhay.”—Awit 36:9; Genesis 2:17.
Ipinasa ni Adan sa lahat ng kaniyang inapo ang depektong dulot ng kasalanan. Sinasabi ng Bibliya: “Sa pamamagitan ng isang tao ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala.” (Roma 5:12) Lahat ng tao ay namamatay dahil lahat ay nagkasala.—Roma 3:23.
Kung paano aalisin ang kamatayan
Ipinangako ng Diyos na sa hinaharap, “lalamunin niya ang kamatayan magpakailanman.” (Isaias 25:8) Para maalis ang kamatayan, kailangan niyang alisin ang ugat nito, ang kasalanan. Gagawin ito ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, na “nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.”—Juan 1:29; 1 Juan 1:7.