Ano ang Puwede Kong Ipanalangin?
Ang sagot ng Bibliya
Kahit ano, basta kaayon ito ng mga kahilingan ng Diyos na nasa Bibliya. “Anumang bagay ang hingin natin ayon sa . . . kalooban [ng Diyos], tayo ay pinakikinggan niya.” (1 Juan 5:14) Puwede mo rin kayang ipanalangin ang mga álalahanín mo? Siyempre. Sinasabi ng Bibliya: “Sa harap [ng Diyos] ay ibuhos ninyo ang inyong puso.”—Awit 62:8.
Ang mga puwede mong hilingin sa panalangin
Pananampalataya sa Diyos.—Lucas 17:5.
Banal na espiritu, o aktibong puwersa ng Diyos, para matulungan kang gawin ang tama.—Lucas 11:13.
Lakas para maharap ang problema at mapaglabanan ang tukso.—Filipos 4:13.
Panloob na kapayapaan.—Filipos 4:6, 7.
Karunungan para makagawa ng tamang desisyon.—Santiago 1:5.
Pang-araw-araw na pangangailangan.—Mateo 6:11.
Kapatawaran sa kasalanan.—Mateo 6:12.