Naniniwala ba ang mga Saksi ni Jehova na Sila ang Tunay na Relihiyon?
Ang mga taong seryoso sa relihiyon ay kumbinsido na ang napili nila ay sinasang-ayunan ng Diyos at ni Jesus. Kung hindi, bakit pa sila aanib doon?
Hindi sinang-ayunan ni Jesu-Kristo ang paniniwala na maraming relihiyon, o daan, ang umaakay sa kaligtasan. Sa halip, sinabi niya: “Makipot ang pintuang-daan at masikip ang daan na umaakay patungo sa buhay, at kakaunti ang mga nakasusumpong nito.” (Mateo 7:14) Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na nasumpungan na nila ang daang iyon. Kung hindi, hahanap sila ng ibang relihiyon.