Pumunta sa nilalaman

Isang Portable Library

Isang Portable Library

Noong Oktubre 7, 2013, naglabas ang mga Saksi ni Jehova ng isang mobile device app para sa pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya na tinawag na JW Library. Ang libreng Bible app na ito ay may anim na English translation ng Bibliya, kabilang na ang King James Version at ang 2013 revision ng New World Translation of the Holy Scriptures. *

Bakit Ito Ginawa?

Milyon-milyon ang gumagamit ng smartphone, tablet, o mga gadget na tulad nito para sa trabaho at komunikasyon. Kung ang mga indibiduwal na ito ay may maa-access nang mga pantulong sa pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya sa jw.org, bakit gumawa pa ng JW Library?

Una, kapag na-install na ang app na ito, puwede na itong magamit kahit walang Internet connection. Ikalawa, dinisenyo ito para mabilis na mahanap ng mambabasa ang mga teksto sa Bibliya at mapag-aralang mabuti ang Bibliya. Paano?

Nakakatulong ang JW Library sa Pag-aaral ng Bibliya

Kapag binuksan ang JW Library, ang unang makikita ay ang pangalan ng mga aklat ng Bibliya. Pagkatapos i-tap ang isang aklat ng Bibliya, lilitaw naman ang listahan ng mga kabanata ng aklat na iyon. Kaya ilang segundo lang, makikita na ang isang partikular na talata. May iba pang mga feature para sa pag-aaral ng Bibliya ang app na ito:

  • Mga footnote na nagbibigay ng alternatibong salin at iba pang karagdagang impormasyon

  • Mga cross reference ng mga talata sa Bibliya

  • Search feature para makita ang lahat ng paglitaw ng isang salita o parirala

  • Outline ng mga nilalaman sa pasimula ng bawat aklat ng Bibliya

  • Isang chart na nagpapakita kung sino ang manunulat ng bawat aklat ng Bibliya, kung saan at kailan ito isinulat, pati na ang panahong saklaw ng aklat

  • Isang may-kulay na seksiyon ng mga mapa, chart, time line, at diagram

Gaya ng lahat ng publikasyon ng mga Saksi ni Jehova, walang bayad ang JW Library. Mahigit isang milyong beses nang nai-download ang libreng Bible app na ito na sinusuportahan ng boluntaryong kontribusyon. (2 Corinto 9:7) Bakit hindi mo ito subukan at makinabang sa natatanging portable library na ito?

^ par. 2 Noong Enero 2014, ini-update ang app na ito. Mayroon na itong pang-araw-araw na teksto sa Kasulatan at songbook na ginagamit ng mga Saksi ni Jehova.