Pumunta sa nilalaman

Inaanyayahan Ka Naming Bumisita sa mga Pasilidad ng Bethel sa United States

Inaanyayahan Ka Naming Bumisita sa mga Pasilidad ng Bethel sa United States

“Mayroon na kami ngayong magagandang alaala ng pagbisita namin sa Bethel, na pakaiingatan namin sa aming puso magpakailanman.” Iyan ang sinabi ng isang mag-asawa mula sa Vanuatu matapos nilang bisitahin ang mga pasilidad ng mga Saksi ni Jehova sa United States. Ganiyan din ang nadarama ng libo-libong bumibisita sa bawat taon.

Nakapunta ka na ba sa mga pasilidad ng Bethel sa United States? Kung hindi pa, inaanyayahan ka naming bumisita.

Ano ang makikita mo sa tatlong malalaking pasilidad?

World Headquarters, Warwick, New York. Mag-tour sa tatlong self-guided exhibit. Ang isa, na may temang “The Bible and the Divine Name,” ay may display na di-karaniwang mga Bibliya at nagtatampok kung paano napanatili sa Kasulatan ang pangalan ng Diyos. Ang exhibit na “A People for Jehovah’s Name” ay naglalahad ng kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova gamit ang mga visual aid. Ipinaliliwanag naman ng “World Headquarters​—Faith in Action” kung paano inoorganisa ang mga Saksi ni Jehova na magtipong sama-sama, mag-aral ng Bibliya, mangaral tungkol sa mensahe ng Bibliya, at magpakita ng pag-ibig sa isa’t isa. Puwede ka ring sumama sa isang 20-minutong guided tour para makita mo ang ilang bahagi ng Offices/Services Building at ang paligid ng Warwick.

Watchtower Educational Center, Patterson, New York. Alamin ang tungkol sa mga paaralang idinaraos doon, gaya ng Watchtower Bible School of Gilead at School for Branch Committee Members and Their Wives. Mayroon din doong mga display at video tungkol sa gawain ng mga office department doon, kasama na ang Art and Audio/Video Services.

Literature Printing and Shipping, Wallkill, New York. Sumama sa guided tour at tingnan kung paanong ang mga Bibliya at salig-Bibliyang mga literatura ay iniimprenta, bina-bind, at ipinadadala sa mga kongregasyon sa United States, Caribbean, at iba pang bahagi ng daigdig.

Paano ako magpapa-reserve ng tour?

Bago gumawa ng mga kaayusan sa pagbibiyahe, pakisuyong mag-submit ng tour reservation mula sa aming Office and Tour Information page. Makikita sa page na ito ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga pasilidad ng Bethel sa United States, pati na ang lokasyon ng mga ito at kung gaano katagal ang bawat tour.

Sino ang mga tour guide?

Ang mga nagtatrabaho sa iba’t ibang department sa Bethel ang nagsisilbing tour guide. Para sa kanila, bahagi ito ng kanilang gawain bilang pagsuporta sa aming pambuong-daigdig na pagtuturo. Puwedeng gawin ang tour sa ibang mga wika.

May bayad ba ang pagtu-tour?

Wala itong bayad.

Kailangan ba na isa kang Saksi ni Jehova para makapag-tour?

Hindi naman. Marami sa mga bumibisita ay hindi Saksi. Kapuwa mga Saksi at di-Saksi ay may matututuhan tungkol sa organisadong pagsisikap na sumusuporta sa pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova.

Isang babaeng Muslim mula sa India ang bumisita sa Patterson. Pagkatapos ng tour, sinabi niya: “Gusto kong mapabilang dito. Maraming salamat sa malaking respeto na ipinakita ninyo sa akin.”

Puwede bang magsama ng mga bata?

Puwede! Ang kanilang pagdalaw ay maaaring magkaroon ng magandang epekto sa kanila. Si John, taga-United States, ay sumulat: “Pag-uwi namin, ang mga bata sa grupo namin ay hindi maubusan ng kuwento tungkol sa tour. Noong hindi pa sila nakakapag-tour, malabo sa kanila kung ano ang paglilingkod sa Bethel. Pero ngayon, tunguhin na nilang maglingkod doon.”

Oo. Maaari itong gawin sa maraming bansa. Para mahanap ang isang lokasyon, magpunta sa Office and Tour Information page. Malugod ka naming inaanyayahang bumisita at mag-tour sa isa sa mga tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova.