JW.ORG WEBSITE
I-navigate ang JW.ORG sa Mobile Device
Lahat ng web page at mga feature na available sa isang full-size computer screen ay available din sa smartphone o tablet. Pero iba ang pagkakaayos ng menu at screen pagdating sa mobile device para mas magamit mo ang mga feature. Makakatulong ang mga tip sa artikulong ito para makita mo ang mga kailangan mo sa jw.org.
Gamitin ang mga mobile navigation menu
Sa isang full-size screen, ang mga pangunahing seksiyon ay nakadispley nang pahalang sa itaas. Ang second-level menu naman ay nakadispley sa itaas ng screen kapag ita-tap mo ang pangunahing seksiyon.
Pero sa screen ng isang mobile device, lahat ng navigation menu ay nakadispley nang patayo. Naka-hide din ang menu kapag hindi ginagamit para mas malaking espasyo ng screen ang magamit sa pag-navigate ng web.
I-tap ang Menu para itago o ipakita ang mga navigation menu. Piliin ang pangalan ng isang seksiyon para makapunta sa seksiyong iyon.
I-tap ang Expand o ang icon na arrow down para makita ang second-level menu option ng isang seksiyon. Piliin ang pangalan ng menu option para makapunta sa landing page ng opsiyong iyon.
I-tap ang Collapse o ang icon na arrow up para itago ang second-level menu option ng isang seksiyon.
I-tap ang JW.ORG para makabalik sa home page.
I-tap ang Wika para makita ang listahan ng available na mga wika.
I-tap ang Maghanap para makita ang nilalaman gamit ang feature na Maghanap.
I-navigate ang mga artikulo o kabanata ng isang publikasyon
Sa full-size screen, ang talaan ng mga nilalaman ay laging nakalabas habang binabasa mo ang isang artikulo o kabanata ng publikasyon. Pero sa screen ng mobile device, naka-hide ang talaan ng mga nilalaman.
I-tap ang Show Panel o icon na arrow left para makita ang talaan ng mga nilalaman. Piliin ang pamagat para makita ang nilalaman ng artikulo o kabanatang iyon.
I-tap ang Nauna para idispley ang naunang artikulo o kabanata.
I-tap ang Susunod para idispley ang kasunod na artikulo o kabanata.
I-tap ang Hide Panel o icon na arrow right para itago ang talaan ng mga nilalaman at ipagpatuloy ang pagbabasa sa kasalukuyang artikulo o kabanata.
I-navigate ang Bibliya online
Magpunta sa LIBRARY > BIBLIYA ONLINE at pumili ng Bibliya. O kaya ay i-click sa home page ang link na Basahin ang Bibliya Online. Note: Tingnan ang artikulong “Gamitin ang Bibliya Para sa Pag-aaral” kung gagamit ka ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral).
Sa drop-down list ng Ipakita ang, pumili ng aklat at kabanata ng Bibliya, at i-click ang Hanapin.
I-tap ang Show Panel o icon na arrow left para makita ang talaan ng mga nilalaman ng Bibliya, pati na ang introduksiyon at mga apendise.
I-tap ang Nauna para idispley ang naunang kabanata.
I-tap ang Susunod para idispley ang kasunod na kabanata.
I-tap ang Hide Panel o icon na arrow right para itago ang talaan ng mga nilalaman ng Bibliya.
Makinig sa audio track ng isang artikulo
Kung may available na audio track para sa artikulong binabasa mo, ididispley iyon sa Audio Bar.
I-tap ang Play para patugtugin ang audio track.
I-tap ang Pause para pahintuin ang audio. I-tap ang Play para patugtugin uli ang audio track.
I-drag ang Playhead paabante o paatras para makapunta sa ibang bahagi ng audio track.
Habang tumutugtog ang audio track, puwede mong i-scroll pababa ang artikulo. Mananatiling naka-pin sa Menu Bar ang Audio Bar para mai-pause o mapatugtog mo uli ang audio nang hindi ka nawawala sa binabasa mong artikulo.