JW BROADCASTING
Karaniwang mga Tanong—JW Broadcasting (Roku)
Maaaring hindi tamang termino ang hinahanap mo. Tingnan ang Installing JW Broadcasting tutorial. Ang isa pang dahilan ay baka hindi pa supported ang iyong device. Ang JW Broadcasting ay hindi supported sa unang mga model ng Roku.
Tingnan ang listahan ng mga wika na available sa Roku. Para magpalit ng wika, pumunta sa Settings sa home screen at piliin ang opsyon na Select a Language.
Libre ang pagda-download at paggamit ng JW Broadcasting app.
Hihilingan ka ng Roku ng isang valid credit card para makagawa ng account dahil hindi lahat ng nilalaman sa Roku Channel Store ay libre. Sisingilin ka lang sa credit card kung bibili ka. Para sa iba pang impormasyon, magpunta sa Roku support section.
Puwede kang magpatulong sa isang kaibigan na pamilyar sa Roku o JW Broadcasting. Kung tungkol sa iyong Roku device o account ang tanong mo, magpunta sa Roku online support. Kung nagkakaproblema ka sa JW Broadcasting app, punan at i-submit ang aming online help form.