Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Marek M. Berezowski/Anadolu Agency via Getty Images

PATULOY NA MAGBANTAY!

Isang Taon Na ang Digmaan sa Ukraine—Anong Pag-asa ang Ibinibigay ng Bibliya?

Isang Taon Na ang Digmaan sa Ukraine—Anong Pag-asa ang Ibinibigay ng Bibliya?

 Nitong Biyernes, Pebrero 24, 2023, isang taon na mula nang magsimula ang digmaan sa Ukraine. Ayon sa ilang report, nasa 300,000 sundalo ng Ukraine at Russia ang namatay o nasugatan at mga 30,000 sibilyan ang pinaniniwalaang namatay sa digmaan. Pero posibleng mas mataas pa ang bilang na ito.

 Nakakalungkot, lumilitaw na hindi pa matatapos ang digmaang ito.

  •   “Halos isang taon na mula nang lumusob ang mga sundalo ng Russia sa Ukraine, at walang anumang indikasyon na malapit na nilang itigil ang digmaan. Wala ring linaw kung sino talaga ang mananalo, at parang walang mapagkakasunduan ang magkabilang panig.”—NPR (National Public Radio), Pebrero 19, 2023.

 Maraming tao ang nalulungkot sa nakikita nilang paghihirap at pagdurusa ng mga inosenteng tao dahil sa mga digmaan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. May pag-asa bang ibinibigay ang Bibliya? Matatapos pa kaya ang digmaan?

Isang digmaan na tatapos sa lahat ng digmaan

 Sinasabi ng Bibliya na may isang digmaan na magliligtas sa mga tao, hindi pupuksa sa kanila. Ito ang Armagedon, ang “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.” (Apocalipsis 16:14, 16) Sa digmaang ito, aalisin ng Diyos ang pamamahala ng tao—na nagiging dahilan ng maraming digmaan. Para malaman kung paano magkakaroon ng tunay na kapayapaan dahil sa Armagedon, basahin ang sumusunod na mga artikulo: