Pangangalaga sa Kalusugan—Ano ang Gagawin ng Kaharian ng Diyos Dito?
“Kahit hindi na matinding banta sa kalusugan ang COVID-19 sa buong mundo, dapat nating isipin na problema pa rin ito sa kalusugan ng mga tao.. . . Kapag may dumating ulit na pandemic—at siguradong mangyayari ito—dapat handa tayo.”—Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, director-general ng World Health Organization, Mayo 22, 2023.
Marami pa rin ang may problema sa pisikal at mental na kalusugan dahil sa COVID-19 pandemic. Handa na kaya ang mga gobyerno at health-care institution sa susunod na pandemic? Masosolusyunan kaya nila ang mga problema natin ngayon sa kalusugan?
Sinasabi ng Bibliya na may isang kaharian, o gobyerno, na kayang solusyunan ang lahat ng problema sa kalusugan. Mababasa natin dito na “ang Diyos ng langit ay magtatatag ng isang kaharian na hindi mawawasak kailanman.” (Daniel 2:44) Sa ilalim ng gobyernong ito, walang tao “ang magsasabi: ‘May sakit ako.’” (Isaias 33:24) Gaganda na ang kalusugan ng lahat, at magiging malakas na ulit ang lahat ng tao.—Job 33:25.