Makakatulong sa Iyo ang Sakripisyo ni Jesus
Minsan sa isang taon, sa buong mundo, magkakasamang inaalala ng mga Saksi ni Jehova at ng milyon-milyong bisita nila ang Memoryal ng kamatayan ni Jesus, gaya ng utos niya. (Lucas 22:19) Makakatulong ang okasyong ito para makita natin kung gaano kahalaga ang ginawa ni Jesus nang ibigay niya ang buhay niya para sa mga tao. Maiintindihan din natin kung ano ang puwedeng maging epekto sa atin, ngayon at sa hinaharap, ng sakripisyo niya.—Juan 3:16.
Makakapunta ka man o hindi sa Memoryal, paano makakatulong sa iyo ang kamatayan ni Jesus? May dalawang mahalagang bagay na itinuro si Jesus na dapat nating gawin:
1. Kilalanin ang Diyos at si Jesus. Nang manalangin si Jesus sa Ama niya, sinabi niya: “Para magkaroon sila ng buhay na walang hanggan, kailangan nilang makilala ka, ang tanging tunay na Diyos, at ang isinugo mo, si Jesu-Kristo.”—Juan 17:3.
2. Isabuhay ang mga natututuhan mo. Sinabi ni Jesus na dapat nating sundin ang mga turo niya. Halimbawa, sa kilaláng Sermon sa Bundok, pinuri niya ang lahat ng “nakikinig sa mga sinasabi [niya] at sumusunod sa mga iyon.” (Lucas 6:46-48) Minsan, sinabi rin niya: “Dahil alam na ninyo ito, magiging maligaya kayo kung gagawin ninyo ito.”—Juan 13:17.
Gusto mo bang mas makilala pa ang Diyos at si Jesus? Kailangan mo ba ng tulong para maisabuhay ang mga natututuhan mo? Ito ang ilang puwedeng makatulong sa iyo.
Pag-aaral sa Bibliya
Marami nang natulungan ang aming libreng pag-aaral sa Bibliya. Nalaman nila ang itinuturo ng Bibliya at naisabuhay ito.
Puntahan ang page na Pag-aaral sa Bibliya na may Kasamang Tagapagturo para malaman ang tungkol dito.
Panoorin ang video na Mag-enjoy sa Pag-aaral ng Bibliya para makita kung paano ginagawa ang Bible study kasama ng mga Saksi ni Jehova.
Pulong ng mga Saksi ni Jehova
Dalawang beses sa isang linggo nagsasama-sama o nagpupulong ang mga Saksi ni Jehova sa lugar ng pagsamba nila, na tinatawag na Kingdom Hall. Sa mga pulong na iyon, pinag-uusapan namin ang Bibliya at kung paano namin susundin ang mga turo nito.
Kahit sino puwedeng dumalo sa mga pulong na ito; kahit hindi mga Saksi. Depende sa sitwasyon sa lugar ninyo, puwede kang dumalo nang face-to-face o via videoconference.
Panoorin ang video na Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall? para magka-idea ka sa makikita mo sa mga pulong na ito.
Humanap ng pulong na malapit sa inyo sa page na Pulong ng Kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova.
Mga artikulo at video online
Makakatulong ang maraming artikulo at video sa website na ito para malaman mo pa ang tungkol sa mga turo ni Jesus at kung bakit mahalaga ang kamatayan niya.
Halimbawa, para malaman kung bakit milyon-milyon ang puwedeng makinabang sa kamatayan ng isang tao, basahin ang mga artikulong “Paano Nakapagliligtas si Jesus?” at “Bakit Nagdusa at Namatay si Jesus?” o panoorin ang video na Bakit Namatay si Jesus?