Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

BalanceFormcreative/iStock via Getty Images Plus

Labanan ang Lungkot: Tulungan ang Iba—Ang Sinasabi ng Bibliya

Labanan ang Lungkot: Tulungan ang Iba—Ang Sinasabi ng Bibliya

 Maraming tao ngayon ang nalulungkot at pakiramdam nila nag-iisa sila. Para malabanan ito, inirerekomenda ng ilang eksperto sa kalusugan ang pagtulong sa iba.

  •   “Kapag tumutulong tayo sa iba, nararamdaman nating may halaga tayo at nakakatulong iyon para huwag tayong makadama ng lungkot o pag-iisa.”—U.S. National Institutes of Health.

 May mga payo ang Bibliya kung paano natin tutulungan ang iba. Kung susundin natin ang mga iyon, malalabanan natin ang lungkot.

Ang puwede mong gawin

 Maging mapagbigay. Humanap ng mga pagkakataon para maka-bonding o makasama ang iba. Kapag nagse-share ka sa iba ng anumang mayroon ka, malamang na matuwa sila. Dito puwedeng magsimula ang pagkakaibigan ninyo.

  •   Prinsipyo sa Bibliya: “Maging mapagbigay, at magbibigay ang mga tao sa inyo.”—Lucas 6:38.

 Maging mapagmalasakit. Humanap ng mga paraan para makatulong sa mga may pinagdadaanan. Makinig habang sinasabi nila ang nararamdaman nila. Puwede ka ring magprisinta na gawin ang ilang bagay para sa kanila.

  •   Prinsipyo sa Bibliya: “Ang isang kaibigan ay nandiyan para tumulong, anuman ang sitwasyon.”—Kawikaan 17:17, Contemporary English Version.

 Para sa higit pang impormasyon kung paano patuloy na magiging maganda ang kaugnayan mo sa iba, basahin ang artikulong “Pamilya at Pakikipagkaibigan.”