Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Justin Paget/​Stone via Getty Images

Epidemya ng Kalungkutan—Ano ang Puwede Mong Gawin?

Epidemya ng Kalungkutan—Ano ang Puwede Mong Gawin?
  •   “Mga 50 porsiyento ng mga adulto sa U.S. ang nakakaranas ng kalungkutan, at ang pinakaapektado ay nasa 18 hanggang 25 taóng gulang.”—Our Epidemic of Loneliness and Isolation: The U.S. Surgeon General’s Advisory on the Healing Effects of Social Connection and Community, 2023.

  •   “Bumuo [ang World Health Organization] ng Commission on Social Connection. Inatasan silang magpokus sa lumalaking problema ng kalungkutan, tulungan ang mga tao na maging malapit sa iba, at maghanap ng mas magagandang solusyon na puwedeng gamitin kahit ng mahihirap na bansa.”—World Health Organization, Nobyembre 15, 2023.

 May sinasabi ang Bibliya na makakatulong para magkaroon tayo ng magandang kaugnayan sa iba at maiwasang malungkot.

Mga prinsipyo sa Bibliya na makakatulong

 Bawasan ang mga bagay na ginagawa nang mag-isa. Kasama rito ang sobrang paggamit ng social media. Maghanap ng mga pagkakataong makasama nang personal ang iba at makipagkaibigan.

  •   Prinsipyo sa Bibliya: “Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon at isang kapatid na maaasahan kapag may problema.”—Kawikaan 17:17.

 Maghanap ng mga pagkakataong tumulong sa iba. Kapag nagpakita ka ng kabutihan sa iba, magiging mas malapit ka sa kanila at magiging mas masaya ka.

  •   Prinsipyo sa Bibliya: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.”—Gawa 20:35.

 Tingnan ang website namin para makita kung paano ka pa matutulungan ng Bibliya na magkaroon ng mabubuting kaibigan.