Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

YURI LASHOV/AFP via Getty Images

PATULOY NA MAGBANTAY!

Digmaan at ang mga Kristiyano—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Digmaan at ang mga Kristiyano—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

 Habang tumitindi ang digmaan sa Ukraine, maraming Kristiyanong lider ang patuloy na sumusuporta sa digmaan. Pansinin na sa magkabilang panig, may klerong sumusuporta sa kanila:

  •   “Pinaparangalan at pinapasalamatan natin ang lahat ng sundalong nakikipagdigma para sa bansa nating Ukraine . . . Mahal namin kayo, kasama kayo sa panalangin namin, at nandito lang kami para sa inyo.”—Metropolitan Epiphanius I ng Kyiv, ayon sa report ng The Jerusalem Post, Marso 16, 2022.

  •   “Nitong Linggo, nagdaos ang lider ng Russian Orthodox Church ng isang espesyal na programa para sa mga sundalo ng Russia. Pinatibay niya sila na ipagtanggol ang bansa habang patuloy na nakikipagdigma ang Moscow laban sa Ukraine, kasi ‘tanging mga Russian lang ang makakagawa nito.’”—Reuters, Abril 3, 2022.

 Dapat bang makisali ang mga Kristiyano sa digmaan? Ano ang sinasabi ng Bibliya?

Kung ano talaga ang sinasabi ng Bibliya

 Ipinapakita ng Bibliya na ang mga totoong sumusunod kay Jesu-Kristo ay hindi nakikisali sa mga digmaan.

  •   “Ibalik mo ang espada mo sa lalagyan nito, dahil ang lahat ng gumagamit ng espada ay mamamatay sa espada.”—Mateo 26:52.

     Nasusunod ba talaga ng isang tao ang sinabing ito ni Jesus kung naniniwala siya na walang mali sa mga digmaan o nakikisali siya sa digmaan?

  •   “Binibigyan ko kayo ng isang bagong utos, na ibigin ninyo ang isa’t isa; ibigin ninyo ang isa’t isa kung paanong inibig ko kayo. Kung mahal ninyo ang isa’t isa, malalaman ng lahat na kayo ay mga alagad ko.”—Juan 13:34, 35.

     Kung sinusuportahan ng isang tao ang digmaan, naipapakita ba niya ang pag-ibig na sinabi ni Jesus na pagkakakilanlan ng mga alagad niya o mga tagasunod niya?

 Para sa higit pang impormasyon, basahin ang artikulong “Dapat Bang Sumali sa Digmaan ang mga Kristiyano?

Mga Kristiyano at mga digmaan sa ngayon

 Posible ba talaga sa mga Kristiyano na hindi makisali sa mga digmaan ngayon? Oo. Inihula ng Bibliya na sa panahon natin, na tinatawag na “mga huling araw,” may mga tao mula sa lahat ng bansa na ‘hindi na mag-aaral ng pakikipagdigma,’ bilang pagsunod sa itinuro ni Jesus.—Isaias 2:2, 4, talababa.

 Bilang “ang Diyos ng kapayapaan,” malapit nang iligtas ni Jehova a ang mga tao mula sa “pang-aapi at karahasan” sa pamamagitan ng gobyerno niya sa langit.—Filipos 4:9; Awit 72:14.

a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.—Awit 83:18.