AWIT 32
Pumanig kay Jehova!
-
1. No’ng una tayo’y naguguluhan
Sa turong may kasinungalingan.
Nang matuto tungkol sa Kaharian,
Puso’y naliwanagan.
(KORO)
Panig kay Jehova; Siya’ng kagalakan.
Hindi ka iiwan; Tanglaw niya’y sundan.
Ating ibalitang ang Kaharian
ay magdudulot ng kapayapaan.
-
2. Naglilingkuran nang balikatan
Sa pangangaral ng Kaharian.
Panahon na para pagpasiyahan,
Sa Diyos ay manindigan.
(KORO)
Panig kay Jehova; Siya’ng kagalakan.
Hindi ka iiwan; Tanglaw niya’y sundan.
Ating ibalitang ang Kaharian
ay magdudulot ng kapayapaan.
-
3. Ang Diyablo’y ’di dapat katakutan,
Dahil si Jehova ang kanlungan.
Marami man ang ating kalaban,
Diyos ang siyang kalakasan.
(KORO)
Panig kay Jehova; Siya’ng kagalakan.
Hindi ka iiwan; Tanglaw niya’y sundan.
Ating ibalitang ang Kaharian
ay magdudulot ng kapayapaan.
(Tingnan din ang Awit 94:14; Kaw. 3:5, 6; Heb. 13:5.)