AWIT 156
Nananampalataya Ako
1. Kung may mga kalaban
Na magbanta sa akin,
Lagi kong tatandaan
Na lagi kang nariyan—
Kaibigan ko kahit kailan.
(KORO)
O aking Diyos,
sa ’yo nagtitiwala.
Sa pagsubok
ay ’di mangangamba.
Nananampalataya
Sa ’yo, aking Ama.
’Di mo ’ko iiwan
kailanman,
O Jehova!
2. Ang nais ko’y tularan
Ang mga tapat sa iyo.
Kahit na may hadlang,
Nanampalataya—
Nanindigan sa panig mo.
(KORO)
O aking Diyos,
sa ’yo nagtitiwala.
Sa pagsubok
ay ’di mangangamba.
Nananampalataya
Sa ’yo, aking Ama.
’Di mo ’ko iiwan
kailanman,
O Jehova!
(BRIDGE)
Sa tulong mo
ay magagawa kong
Malagpasan
ang pagsubok.
Ang taglay ko
Ay pananampalataya,
Walang hanggang
iingatan.
3. O kay ganda ng buhay,
Sa ’ki’y naghihintay.
Hindi susuko
At ’di manghihina;
Gantimpala ay malapit na!
(KORO)
O aking Diyos,
sa ’yo nagtitiwala.
Sa pagsubok
ay ’di mangangamba.
Nananampalataya
Sa ’yo, aking Ama.
’Di mo ’ko iiwan
kailanman,
O Jehova!
O Jehova!
(Tingnan din ang Heb. 11:1-40.)