AWIT 139
Kapag Naging Bago ang Lahat ng Bagay
-
1. Isipin mo, lahat tayo
ay naro’n na sa mundong binago.
Ano ang ’yong madarama?
Payapa na ang mga tao.
Ang masama ay lilipas;
Gabay ng Diyos ’di magwawakas.
Malapit na ang pagbabagong ito.
Papuri’y aawitin
ng ating puso:
(KORO)
“Salamat, O Diyos, lahat nagbago
Dahil sa paghahari ni Kristo.
Kagalaka’y umaapaw sa ’ming puso.
Karangalan at papuri ay sa iyo.”
-
2. Pagmasdan mo, lahat tayo,
Nabubuhay na sa Paraiso.
Walang ingay, walang gulo
Ang tatakot sa mga tao.
Pangako niya, nangyari na;
Nasa atin na ang tolda niya.
Gigisingin niya ang mga namatay;
Ang tinig nila sa atin
ay sasabay:
(KORO)
“Salamat, O Diyos, lahat nagbago
Dahil sa paghahari ni Kristo.
Kagalaka’y umaapaw sa ’ming puso.
Karangalan at papuri ay sa iyo.”
(Tingnan din ang Awit 37:10, 11; Isa. 65:17; Juan 5:28; 2 Ped. 3:13.)