AWIT 12
Dakilang Diyos, Jehova
-
1. Diyos na Jehova, makatarungan,
Makapangyarihan ka,
At tunay kang dakila.
Diyos ng pag-ibig at karunungan.
Dapat na purihin ka.
-
2. Nadarama ang ’yong malasakit;
Kahit alabok kami,
Mahal mo pa rin kami.
Sa ’yong daan ay tinuturuan,
Tulong mo’y nandiyan lagi.
-
3. Langit at lupa ay umaawit
Sa ’yong kal’walhatian,
Taglay ang kagalakan.
Diyos na Jehova, karapat-dapat
Purihing walang hanggan.
(Tingnan din ang Deut. 32:4; Kaw. 16:12; Mat. 6:10; Apoc. 4:11.)