AWIT 115
Salamat sa Pagtitiis ng Diyos
-
1. Dakila ka, Diyos na Jehova;
Kat’wiran mo ay sagana.
Naghahari ang masama
at kami ay nagdurusa.
Ang araw mo’y dumarating na;
Pagtitiis matatapos na.
(KORO)
Inaasam ang pag-asa,
Taglay ang pagpapahalaga.
-
2. Libong taon, sa ’yong pananaw
ay gaya lang ng ’sang araw.
Paghatol mo’y malapit na;
Hindi ’to maaantala.
Ika’y galít sa kasalanan;
’Pag nagsisi’y kapatawaran.
(KORO)
Inaasam ang pag-asa,
Taglay ang pagpapahalaga.
(Tingnan din ang Neh. 9:30; Luc. 15:7; 2 Ped. 3:8, 9.)