AWIT 103
Mga Pastol—Regalo ng Diyos
-
1. Naglaan ang Diyos ng patnubay,
Pastol na aakay.
Halimbawa nila ay gabay
Sa landas ng buhay.
(KORO)
Sila’y pinagkatiwalaan
Sa kongregasyon natin.
Tupa ay inaalagaan;
Atin silang mahalin.
-
2. Inuunawa ang damdamin;
Sa ’ti’y maibigin.
’Pag nasaktan ay gagamutin,
Malumanay sa ’tin.
(KORO)
Sila’y pinagkatiwalaan
Sa kongregasyon natin.
Tupa ay inaalagaan;
Atin silang mahalin.
-
3. Payo nila’y tulong sa atin
Upang ’di maligaw;
At sa Diyos maging masunurin
Sa lahat ng araw.
(KORO)
Sila’y pinagkatiwalaan
Sa kongregasyon natin.
Tupa ay inaalagaan;
Atin silang mahalin.
(Tingnan din ang Isa. 32:1, 2; Jer. 3:15; Juan 21:15-17; Gawa 20:28.)