Awit 146
Ginawa Ninyo Iyon sa Akin
I-download:
-
Mga ibang tupa, kamanggagawa ng
pinahiran na kapatid ni Kristo.
Kaaliwa’t tulong
para sa kanila
para kay Jesus dapat lang gantihan.
(KORO)
“Pag-aliw at tulong n’yo sa kanila,
parang ginawa n’yo na rin sa akin.
Pagpapagal n’yo para sa kanila,
pagpapagal n’yo na rin sa akin.
Parang ginawa n’yo na rin sa akin.”
-
“Sa gutom at uhaw, inaliw n’yo ako,
nangailangan ako at nandiyan kayo.”
Sila’y magtatanong,
“Kailan ’yon ginawa?”
Hari’y tutugon, sagot sa kanila:
(KORO)
“Pag-aliw at tulong n’yo sa kanila,
parang ginawa n’yo na rin sa akin.
Pagpapagal n’yo para sa kanila,
pagpapagal n’yo na rin sa akin.
Parang ginawa n’yo na rin sa akin.”
-
“Matapat sa akin, nangangaral kayo,
mga kapatid ko, kasama ninyo.”
Hari’y magsasabi
sa mga tupa niya:
“Lupa’y manahin, sakdal-buhay kamtin.”
(KORO)
“Pag-aliw at tulong n’yo sa kanila,
parang ginawa n’yo na rin sa akin.
Pagpapagal n’yo para sa kanila,
pagpapagal n’yo na rin sa akin.
Parang ginawa n’yo na rin sa akin.”
(Tingnan din ang Kaw. 19:17; Mat. 10:40-42; 2 Tim. 1:16, 17.)