Awit 140
Ang Buhay ng Isang Payunir
I-download:
-
Bago pa sumikat maningning na araw,
Kami’y gumigising,
bumabango’t nananalangin.
May ngiti na kami sa lahat ng tao.
Sa lansangan kami,
nangangaral araw at gabi.
(KORO)
Ito’ng buhay namin;
Para kay Jehova.
Anumang nais niya’y gagawin.
Kami’y nagbabata,
Umula’t umaraw.
Sinasabi kay Jah na: “Mahal ka namin.”
-
Sa kinahapunan, paglubog ng araw,
Maligaya’t pagod,
puso’y nag-aalab sa tuwa.
Aming ’binibigay pinakamabuti.
Salamat, Jehova,
kami ay ’yong pinagpapala.
(KORO)
Ito’ng buhay namin;
Para kay Jehova.
Anumang nais niya’y gagawin.
Kami’y nagbabata,
Umula’t umaraw.
Sinasabi kay Jah na: “Mahal ka namin.”
(Tingnan din ang Jos. 24:15; Awit 92:2; Roma 14:8.)