Awit 137
Bigyan Mo Kami ng Katapangan
I-download:
-
Habang ipinangangaral
Kaharian at ’yong ngalan,
Kami ay pinag-uusig
At pinagtatawanan.
Huwag matakot sa tao,
At si Jehova ang sundin.
Ang espiritu’y sasaatin;
O Jehova, sana’y dinggin.
(KORO)
Bigyan mo kami ng tapang;
Takot aming madaig.
At lakas-loob mangaral
Nang lahat makarinig.
Armagedon malapit na;
Hanggang sa ito’y dumating,
Bigyan mo kami ng tapang,
Ang dalangin.
-
Kami man ay natatakot,
At kami’y mahina lang,
Ang pagtulong mo sa amin,
Laging maaasahan.
At bigyang-pansin banta
Ng mga mananalansang.
Tulungan mo kaming patuloy
Na mangaral sa ’yong ngalan.
(KORO)
Bigyan mo kami ng tapang;
Takot aming madaig.
At lakas-loob mangaral
Nang lahat makarinig.
Armagedon malapit na;
Hanggang sa ito’y dumating,
Bigyan mo kami ng tapang,
Ang dalangin.
(Tingnan din ang 1 Tes. 2:2; Heb. 10:35.)