Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Maging Mapagpayapa

Maging Mapagpayapa

I-download:

  1. 1. O kay rami ng mga bagay na sumusubok sa iyo.

    Mahalagang maingatan ang kapayapaan mo.

    Ang kailangan mo ay magtiis at huwag magpadala.

    Manalangin ka‘t hilingin sa Diyos na maging kalmado ka.

    (KORO)

    Ipakita mo sa buong mundo ang kapayapaan mo.

    Dahil kung ngayon pa lang ay gagawin mo ’yan, sulit ang pagsisikap mo!

  2. 2. Minsan ay kay hirap makitungo sa nakakasama mo.

    Ang galit mo, pigilan mo, at iwasan ang gulo.

    Si Jehova ay nagpapayo na huwag kang magdaramdam.

    Unawain mo ang iyong kapuwa at mapapabuti ka.

    (KORO)

    Ipakita mo sa buong mundo ang kapayapaan mo.

    Dahil kung ngayon pa lang ay gagawin mo ’yan, sulit ang pagsisikap mo!

    (BRIDGE)

    Mahirap itong gawin

    Pero sulit namang sundin.

    May naghihintay na buhay na

    Payapa at walang hanggan.

  3. 3. ’Pag nangangaral ay may hamon din na mararanasan mo.

    Huwag kang magugulat kung hindi lahat ay tumatanggap sa ’yo.

    ‘Maligaya ang mapagpayapa,’ huwag mo ’tong kalimutan.

    ’Pagpatuloy mo ang sigasig mo at pagpapalain ka.