Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 64

Dibdibin Mo ang Katotohanan

Dibdibin Mo ang Katotohanan

(Kawikaan 3:1, 2)

1. Katotohana’y daan ng pamumuhay,

Ikaw lang magpapasiya rito.

Kaya’t ’yong sundin, payo nga ni Jehova;

Manalig ito’y totoo.

(KORO)

Gawing dibdiban,

Ating katotohanan.

At madarama

Kaligayahan

Kung ito ay dibdiban.

2. Pagsisikap mo, panahong ginugugol,

Paglilingkod sa Kaharian,

Magbubunga ng buhay na walang hanggan,

Sapat na pangangailangan.

(KORO)

Gawing dibdiban,

Ating katotohanan.

At madarama

Kaligayahan

Kung ito ay dibdiban.

3. Para sa ’ting Diyos tayo’y batang paslit lang,

Patnubay ay kailangan natin.

Kaya’t tayo ay paakay kay Jehova

Upang pagpapala’y kamtin.

(KORO)

Gawing dibdiban,

Ating katotohanan.

At madarama

Kaligayahan

Kung ito ay dibdiban.