Awit 50
Ang Banal na Huwaran ng Pag-ibig
1. Si Jehovang Diyos may katalinuhang
Naglaan,
Parisan,
Huwarang banal upang pumatnubay,
Nang ’di mabuwal,
Nang ’di mabuwal.
Sundan ang daan, gumaganyak sa ’tin;
Sa wastong daan, at tamang gawain,
Payapang daan, nagbubuklod sa ’tin.
Ang pag-ibig,
Diyos ay pag-ibig.
2. Pag-ibig natin sa ’ting kapatiran
Ay tunay,
Dalisay;
Handang tumulong sa nangangailangan
Kahit saan,
Kahit kailan;
Tutulong sa ’tin na magpatawaran,
Tutulong sa ’tin tayo’y mag-ibigan,
Tutulong sa ’tin Diyos ay matularan,
Sa pag-ibig,
Sa ’ting kapatid.
3. Pag-ibig sa Diyos, nag-uudyok sa ’tin
Palagi,
Palagi.
Na siya ay sundin nang ating b’ong puso,
At purihin,
At purihin.
Kaya’t ihayag ang kanyang pangalan;
Upang makita ang katotohanan.
Nang lumago pa ang paglilingkuran,
Siyang pag-ibig,
’Yan nga’y pag-ibig.
(Tingnan din ang Roma 12:10; Efe. 4:3; 2 Ped. 1:7.)