Tanong sa Bibliya
Paano matututo ang mga anak na ibigin ang Diyos?
Matututuhan lamang ng iyong mga anak na ibigin ang Diyos kung malinaw sa kanila na umiiral siya at na mahal sila ng Diyos. Para ibigin nila ang Diyos, kailangan nila siyang makilala. (1 Juan 4:8) Halimbawa, kailangan nilang malaman: Bakit nilalang ng Diyos ang tao? Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa? Ano ang gagawin ng Diyos sa hinaharap para sa mga tao?—Basahin ang Filipos 1:9.
Para matulungan ang iyong mga anak na ibigin ang Diyos, dapat nilang makita na ikaw mismo ay umiibig sa Diyos. Kapag nakita nila iyon, malamang na sundin nila ang iyong halimbawa.—Basahin ang Deuteronomio 6:5-7; Kawikaan 22:6.
Paano mo maaabot ang puso ng iyong mga anak?
Makapangyarihan ang Salita ng Diyos. (Hebreo 4:12) Kaya tulungan ang iyong mga anak na matutuhan ang pangunahing mga turo ng Bibliya. Para maabot ang puso ng mga tao, si Jesus ay nagtanong at nakinig, at ipinaliwanag niya ang Kasulatan. Upang maabot ang puso ng iyong mga anak, maaari mong tularan ang pagtuturo ni Jesus.—Basahin ang Lucas 24:15-19, 27, 32.
Makatutulong din ang mga ulat ng Bibliya kung paano nakitungo ang Diyos sa mga tao para makilala at ibigin ng iyong mga anak ang Diyos. Available sa www.isa4310.com ang mga publikasyong dinisenyo para sa layuning ito.—Basahin ang 2 Timoteo 3:16.