Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Sino ang mapupunta sa langit, at bakit?
Milyun-milyong tao ang umaasang mapupunta sa langit pagkamatay nila. Sinabi ni Jesus na maninirahan doon ang kaniyang tapat na mga apostol. Bago siya mamatay, nangako siyang ipaghahanda niya sila ng isang dako kasama ng kaniyang Ama sa langit.—Basahin ang Juan 14:2.
Bakit bubuhaying muli tungo sa langit ang mga taong mula sa lupa? Ano ang gagawin nila roon? Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga apostol na sila ay magiging mga hari. Mamamahala sila sa lupa.—Basahin ang Lucas 22:28-30; Apocalipsis 5:10.
Lahat ba ng mabubuting tao ay mapupunta sa langit?
Sa maraming bansa, iilang tao lang ang namamahala. Yamang bubuhaying muli ni Jesus ang mga tao tungo sa langit para mamahala sa lupa, maaasahan nating iilan lang ang pipiliin niya. (Lucas 12:32) Sinasabi ng Bibliya ang eksaktong bilang ng mamamahalang kasama ni Jesus.—Basahin ang Apocalipsis 14:1.
Ipinaghanda ni Jesus ng dako sa langit ang ilan sa kaniyang tagasunod. Alam mo ba kung ano ang gagawin nila roon?
Hindi lang ang mga mapupunta sa langit ang gagantimpalaan. Ang tapat na mga sakop ng Kaharian ni Jesus ay magtatamasa ng buhay na walang hanggan sa isang isinauling paraiso sa lupa. (Juan 3:16) Ang ilan ay papasok sa Paraiso pagkatapos makaligtas sa pagkawasak ng kasalukuyang napakasamang sistema ng mga bagay. Ang iba naman ay sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli.—Basahin ang Awit 37:29; Juan 5:28, 29.