Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
May pag-asa ba ang mga patay?
Ang kamatayan ay parang pagtulog, sa diwa na walang nalalaman at walang nagagawa ang mga patay. Gayunman, maibabalik ng Maylalang ng buhay ang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. Para patunayan ito, binigyan ng Diyos si Jesus ng kapangyarihang bumuhay-muli ng ilang namatay.
Sa anong diwa ang kamatayan ay parang pagtulog?
Nangako ang Diyos na ang mga patay na nasa kaniyang alaala ay bubuhaying muli tungo sa buhay sa isang matuwid na bagong sanlibutan. Ang mga bubuhaying muli ay kailangang manatili sa kamatayan hanggang sa bigyan silang muli ng Diyos ng buhay. Nasasabik ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat na gamitin ang kaniyang kapangyarihan upang ibalik ang buhay ng mga namatay.
Ano ang mangyayari sa pagkabuhay-muli?
Kapag binuhay-muli ng Diyos ang mga tao, makikilala nila ang kanilang sarili, ang kanilang mga kaibigan, at ang kanilang pamilya. Kahit mabulok ang katawan ng isa, kayang buhaying muli ng Diyos ang taong iyon taglay ang isang bagong katawan.
Kaunti lang ang bubuhaying muli upang mabuhay sa langit. (Apocalipsis 20:6) Ang karamihan ay bubuhaying muli sa isang isinauling paraiso sa lupa. Sila ay bibigyan ng bagong pasimula, na may pag-asang mabuhay magpakailanman.