May Malasakit ba ang Diyos sa mga Babae?
“Sa babae nagsimula ang kasalanan, at salamat sa kaniya dahil lahat tayo ay namamatay.”—ECCLESIASTICUS, IKALAWANG SIGLO B.C.E.
“Kayo ang pintuang-daan ng diyablo: kayo ang unang kumain mula sa ipinagbabawal na puno: kayo ang unang lumabag sa utos ng Diyos . . . Kayo ang umakay sa unang lalaki na magkasala.”—TERTULLIAN, ON THE APPAREL OF WOMEN, IKALAWANG SIGLO C.E.
ANG sinaunang mga pananalitang iyan ay hindi mula sa Bibliya. Pero sa loob ng daan-daang taon, ginamit ang mga iyan para ipagmatuwid ang diskriminasyon sa mga babae. Kahit sa ngayon, may gumagamit pa rin ng mga pananalita mula sa relihiyosong mga aklat para ipagmatuwid ang pagmamaltrato sa mga babae, anupat sinasabing ang mga babae ang dapat sisihin sa mga problema ng sangkatauhan. Talaga bang nilayon ng Diyos na hamakin at abusuhin ng mga lalaki ang mga babae? Ano ang sinasabi ng Bibliya? Tingnan natin.
Isinumpa ba ng Diyos ang mga babae?
Hindi. Ang “orihinal na serpiyente, ang tinatawag na Diyablo,” ang “isinumpa” ng Diyos. (Apocalipsis 12:9; Genesis 3:14) Nang sabihin ng Diyos na “pamumunuan” ni Adan ang kaniyang asawa, hindi ipinahihiwatig ng Diyos na sinasang-ayunan niya ang paniniil ng lalaki sa babae. (Genesis 3:16) Inihuhula lang niya ang mapapait na ibubunga ng kasalanan sa unang mag-asawa.
Kaya ang pang-aabuso sa mga babae ay direktang resulta ng pagiging makasalanan ng mga tao, at hindi ito kalooban ng Diyos. Hindi sinusuportahan ng Bibliya ang ideya na dapat siilin ng mga lalaki ang mga babae bilang kabayaran sa orihinal na kasalanan.—Roma 5:12.
Nilalang ba ng Diyos ang babae na nakabababa sa lalaki?
Hindi. Sinasabi ng Genesis 1:27: “Pinasimulang lalangin ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang larawan, nilalang niya siya ayon sa larawan ng Diyos; nilalang niya sila na lalaki at babae.” Kaya sa pasimula pa lang, ang lalaki at babae ay parehong nilalang na may kakayahang magpakita ng mga katangian ng Diyos. Bagaman magkaiba ang emosyonal at pisikal na kayarian nina Adan at Eva, pareho ang mga tagubiling tinanggap nila at pareho rin ang mga karapatang tinamasa nila sa harap ng kanilang Maylikha.—Genesis 1:28-31.
Bago lalangin si Eva, sinabi ng Diyos: “Gagawa ako ng isang katulong para sa kaniya [kay Adan], bilang kapupunan niya.” (Genesis 2:18) Ipinahihiwatig ba ng salitang “kapupunan” na nakabababa ang babae sa lalaki? Hindi, dahil ang salitang iyan sa orihinal na Hebreo ay maaari ding isaling “katumbas” o “katuwang” ng lalaki. Pag-isipan ang papel na ginagampanan ng surgeon at anesthesiologist sa isang operasyon. Magagawa ba ng isa ang kaniyang trabaho kung wala ang isa? Hinding-hindi! Dahil ba ang surgeon ang aktuwal na nag-oopera, mas mahalaga na siya kaysa sa anesthesiologist? Sa katulad na paraan, nilalang ng Diyos ang lalaki at babae para magtulungan, hindi para magpaligsahan.—Genesis 2:24.
Bakit masasabing may malasakit ang Diyos sa mga babae?
Dahil alam ng Diyos ang gagawin ng makasalanang mga lalaki, patiuna nang ipinahayag ng Diyos ang kagustuhan niyang proteksiyunan ang mga babae. Tungkol sa Kautusang Mosaiko, na itinatag noong ika-16 na siglo B.C.E., sinabi ng awtor na si Laure Aynard sa kaniyang aklat na La Bible au féminin (The Bible in the Feminine Gender): “Sa kalakhang bahagi, kapag binabanggit ng tipang Kautusan ang babae, iyon ay para ipagtanggol siya.”
Halimbawa, sinabi ng Kautusan na dapat parangalan at igalang ang ama at ang ina. (Exodo 20:12; 21:15, 17) Hiniling din nito na bigyan ng kaukulang konsiderasyon ang mga nagdadalang-tao. (Exodo 21:22) Ang mga kautusang iyan ng Diyos ay naglalaan ng higit na proteksiyon sa mga babae kaysa sa mga kautusang umiiral ngayon sa maraming lugar sa daigdig. Pero hindi lang iyan ang nagpapakitang may malasakit ang Diyos sa mga babae.
Kautusang Nagpapakita ng Pangmalas ng Diyos sa mga Babae
Ang Kautusang ibinigay ng Diyos na Jehova sa bansang Israel ay naglaan sa mga tao—lalaki at babae—ng napakalaking pakinabang sa pisikal, moral, at espirituwal. Hangga’t nakikinig sila at sumusunod, sila ay magiging ‘mataas sa lahat ng iba pang bansa sa lupa.’ (Deuteronomio 28:1, 2) Ano ang katayuan ng babae sa Kautusan? Pansinin ang mga sumusunod.
1. Indibiduwal na kalayaan. Di-tulad ng mga babae sa maraming bansa noon, mas malaya ang babaing Israelita. Bagaman ang asawang lalaki ang inatasang maging ulo ng pamilya, ang Kawikaan 31:11, 16-19) Sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, ang mga babae ay itinuturing na mga indibiduwal na may sariling mga karapatan at hindi lang basta nakadepende sa lalaki.
asawang babae, taglay ang lubos na pagtitiwala ng kaniyang asawa, ay maaaring ‘magsaalang-alang ng isang bukid at kunin iyon’ at ‘magtanim ng ubasan.’ Kung marunong siyang mag-ikid at maghabi, puwede pa nga siyang magnegosyo. (Sa sinaunang Israel, ang mga babae ay may kalayaan ding magkaroon ng personal na kaugnayan sa Diyos. Binabanggit sa Bibliya si Hana, na nanalangin sa Diyos tungkol sa isang personal na bagay at nanata sa Kaniya. (1 Samuel 1:11, 24-28) Isang babae sa lunsod ng Sunem ang kumokonsulta kay propeta Eliseo kapag araw ng Sabbath. (2 Hari 4:22-25) Ang mga babaing gaya nina Debora at Hulda ay ginamit ng Diyos bilang kaniyang mga kinatawan. Kapansin-pansin, ang mga prominenteng lalaki at saserdote ay humihingi ng payo sa kanila.—Hukom 4:4-8; 2 Hari 22:14-16, 20.
2. Karapatan sa edukasyon. Yamang ang mga babae ay bahagi ng tipang Kautusan, inaanyayahan silang makinig sa pagbabasa ng Kautusan, kaya may oportunidad silang matuto. (Deuteronomio 31:12; Nehemias 8:2, 8) Puwede rin silang tumanggap ng pagsasanay para makibahagi sa ilang aspekto ng pangmadlang pagsamba. Halimbawa, malamang na may mga babaing nagsasagawa ng “organisadong paglilingkod” sa tabernakulo at ang iba naman ay umaawit kasama ng mga lalaki bilang isang koro.—Exodo 38:8; 1 Cronica 25:5, 6.
Maraming babae ang may kaalaman at kakayahan para magpatakbo ng negosyo. (Kawikaan 31:24) Di-tulad ng kultura ng ibang mga bansa noon—kung saan ang ama lang ang nagtuturo sa mga anak na lalaki—ang isang inang Israelita ay nagtuturo din sa kaniyang anak na lalaki kahit adulto na ito. (Kawikaan 31:1) Maliwanag, hindi masasabing mangmang ang mga babae sa sinaunang Israel.
3. Pinarangalan at iginalang. Malinaw na sinasabi sa Sampung Utos: “Parangalan mo ang Exodo 20:12) Ganito naman ang isinulat ng matalinong hari na si Solomon: “Makinig ka, anak ko, sa disiplina ng iyong ama, at huwag mong iiwan ang kautusan ng iyong ina.”—Kawikaan 1:8.
iyong ama at ang iyong ina.” (Kasama sa Kautusan ang detalyadong mga tuntunin hinggil sa dapat igawi sa isa’t isa ng mga di-magkasekso, anupat iginagalang ng mga lalaki ang mga babae. (Levitico 18:6, 9; Deuteronomio 22:25, 26) Dapat isaalang-alang ng isang mabuting asawang lalaki ang pisikal at biyolohikal na mga limitasyon ng kaniyang asawa.—Levitico 18:19.
4. Ipinagsanggalang ang mga karapatan. Sa kaniyang Salita, ipinakilala ni Jehova ang kaniyang sarili bilang “ama ng mga batang lalaking walang ama at hukom ng mga babaing balo.” Sa ibang pananalita, siya ang Tagapagsanggalang ng mga walang ama o asawang magtatanggol sa kanilang mga karapatan. (Awit 68:5; Deuteronomio 10:17, 18) Kaya naman nang ang isang balo ng propeta ay pakitunguhan nang di-patas ng pinagkakautangan nito, gumawa si Jehova ng himala para makaahon sa kahirapan ang balo at mapanatili ang kaniyang dignidad.—2 Hari 4:1-7.
Bago pumasok sa Lupang Pangako ang mga Israelita, si Zelopehad na isang ulo ng pamilya ay namatay nang walang anak na lalaki. Kaya ang kaniyang limang anak na babae ay nakiusap kay Moises na bigyan sila ng “pag-aari” sa Lupang Pangako. Higit pa sa hiningi nila ang ibinigay ni Jehova. Sinabi Niya kay Moises: ‘Bigyan mo sila ng pag-aari na pinakamana sa gitna ng mga kapatid ng kanilang ama, at isalin mo sa kanila ang mana ng kanilang ama.’ Mula noon, ang mga babae sa Israel ay puwede nang tumanggap ng mana mula sa kanilang ama at magpamana sa kanilang mga anak.—Bilang 27:1-8.
Binaluktot na Pangmalas ng Diyos sa mga Babae
Sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, ang mga babae ay may marangal na katayuan, at iginagalang ang kanilang mga karapatan. Pero mula noong ikaapat na siglo B.C.E., ang Judaismo ay naimpluwensiyahan ng kulturang Griego, kung saan itinuturing na nakabababa ang mga babae.—Tingnan ang kahong “Diskriminasyon sa mga Babae sa Sinaunang mga Akda.”
Halimbawa, sinasabi ng makatang Griego na si Hesiod (ikawalong siglo B.C.E.) na ang mga babae ang dahilan ng lahat ng pagdurusa ng tao. Naging popular ang ideyang ito sa Judaismo noong pasimula ng ikalawang siglo B.C.E. Ang Talmud, na tinipon mula noong ikalawang siglo C.E., ay nagbabala sa mga lalaki: “Huwag masyadong makipag-usap sa mga babae, dahil aakayin kayo nito sa imoralidad.”
Sa loob ng daan-daang taon, malaki ang naging epekto nito sa papel ng mga babae sa lipunan ng mga Judio. Noong panahon ni Jesus, kapag pumupunta sa templo ang mga babae, hanggang sa Looban ng mga Babae lang sila puwedeng pumasok. Mga lalaki lang ang
tinuturuan sa relihiyon, at malamang na ang mga babae ay nakahiwalay sa mga lalaki sa mga sinagoga. Sinipi sa Talmud ang sinabi ng isang Rabbi: “Sinumang nagtuturo sa kaniyang anak na babae ng Torah [ang Kautusan] ay nagtuturo sa kaniya ng kahalayan.” Dahil binaluktot ng mga Judiong lider ng relihiyon ang pangmalas ng Diyos sa mga babae, tinuruan nila ang mga lalaki na alipustain ang mga babae.Noong nasa lupa si Jesus, napansin niya ang ganiyang diskriminasyon, na nakaugat sa mga tradisyon. (Mateo 15:6, 9; 26:7-11) Naimpluwensiyahan ba ng gayong mga turo ang pakikitungo ni Jesus sa mga babae? Ano ang matututuhan natin sa kaniyang pakikitungo at saloobin sa mga babae? Nagdulot ba ng kaaliwan sa mga babae ang tunay na Kristiyanismo? Sasagutin ang mga iyan sa susunod na artikulo.