Dapat Bang Makisali sa Pulitika ang mga Kristiyano?
HINDI nakikisali sa pulitika ang mga tunay na Kristiyano sa ngayon. Bakit? Dahil tinutularan nila si Jesus. Sinabi ni Jesus tungkol sa kaniyang sarili: “Ako ay hindi bahagi ng sanlibutan.” Hinggil sa kaniyang mga tagasunod, sinabi niya: “Hindi kayo bahagi ng sanlibutan.” (Juan 15:19; 17:14) Isaalang-alang ang ilang dahilan kung bakit hindi dapat makisali sa pulitika ang mga Kristiyano.
1. Limitado ang kakayahan ng tao. Sinasabi ng Bibliya na walang kakayahan o karapatan ang mga tao na pamahalaan ang kanilang sarili. “Hindi sa taong lumalakad,” ang sabi ni propeta Jeremias, “ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.”—Jeremias 10:23.
Kung paanong ang mga tao ay hindi nilalang para lumipad, hindi rin sila nilalang para matagumpay na mapamunuan ang kanilang sarili. Hinggil sa mga limitasyon ng pamahalaan, ganito ang sinabi ng istoryador na si David Fromkin: “Ang mga gobyerno ay binubuo ng mga tao; kaya sila ay nagkakamali at ang kanilang kinabukasan ay walang katiyakan. Mayroon silang kapangyarihan, pero limitado lang.” (The Question of Government) Hindi nga kataka-taka na binababalaan tayo ng Bibliya na huwag ilagak sa tao ang ating tiwala!—Awit 146:3.
2. Impluwensiya ng masasamang espiritu. Nang alukin ni Satanas si Jesus na mamahala sa daigdig, hindi itinanggi ni Jesus na may awtoridad ang Diyablo na ialok sa kaniya ang lahat ng kaharian sa daigdig. Sa katunayan, nang maglaon ay tinawag ni Jesus si Satanas bilang “tagapamahala ng sanlibutan.” Makalipas ang ilang taon, inilarawan ni apostol Pablo si Satanas bilang “diyos ng sistemang ito ng mga bagay.” (Juan 14:30; 2 Corinto 4:4) Isinulat ni Pablo sa kaniyang mga kapuwa Kristiyano: “Tayo ay may pakikipagbuno . . . laban sa mga tagapamahala ng sanlibutan ng kadilimang ito, laban sa balakyot na mga puwersang espiritu sa makalangit na mga dako.” (Efeso 6:12) Lingid sa kaalaman ng mga tao, ang masasamang espiritu ang talagang namamahala sa daigdig. Paano ito dapat makaapekto sa pangmalas natin sa pulitika?
Pag-isipan ito: Kung paanong ang maliliit na bangka ay tinatangay ng malalakas na agos ng tubig sa dagat, ang pulitikal na sistema ng mga tao ay minamaniobra ng mga makapangyarihan at masasamang espiritu. At kung paanong halos walang Apocalipsis 12:12) Kung gayon, ang makadaraig lang kay Satanas at sa kaniyang mga demonyo ay isang persona na higit na makapangyarihan kaysa sa kanila—walang iba kundi ang Diyos na Jehova.—Awit 83:18; Jeremias 10:7, 10.
magawa ang mga maglalayag para salungatin ang malalakas na agos ng dagat, halos wala ring magawa ang mga pulitiko para makalaya sa impluwensiya ng masasamang espiritu. Determinado ang mga espiritung ito na pasamain nang husto ang mga tao at magdulot ng ‘kaabahan sa lupa.’ (3. Ang katapatan ng mga tunay na Kristiyano ay para lang sa Kaharian ng Diyos. Alam ni Jesus at ng kaniyang mga alagad na sa takdang panahon, magtatatag ang Diyos ng isang pamahalaan sa langit na mamamahala sa buong lupa. Tinatawag ito ng Bibliya na Kaharian ng Diyos at isinisiwalat na si Jesu-Kristo ang inatasang Hari nito. (Apocalipsis 11:15) Yamang ang Kahariang iyan ay makaaapekto sa lahat ng tao, ginawang pangunahing paksa ni Jesus sa kaniyang pagtuturo “ang mabuting balita ng kaharian ng Diyos.” (Lucas 4:43) Tinuruan din niya ang kaniyang mga alagad na manalangin: “Dumating nawa ang iyong kaharian.” Bakit? Dahil sa ilalim ng Kaharian, tiyak na magaganap ang kalooban ng Diyos sa langit at sa lupa.—Mateo 6:9, 10.
Kung gayon, ano ang mangyayari sa mga gobyerno ng tao? Sinasabi ng Bibliya na ang mga gobyerno “ng buong tinatahanang lupa” ay lilipulin. (Apocalipsis 16:14; 19:19-21) Kung talagang naniniwala ang isang tao na aalisin ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng pulitikal na sistema ng mga tao, iiwasan niyang suportahan ang mga iyon. Dahil kung sinusuportahan niya ang mga gobyerno ng tao, para na rin niyang kinakalaban ang Diyos.
Yamang hindi nakikisali sa pulitika ang mga tunay na Kristiyano, ibig bang sabihin nito ay wala na silang interes na mapaganda ang kalagayan ng kanilang komunidad? Alamin ang sagot sa susunod na artikulo.
[Blurb sa pahina 7]
Abala ang mga Saksi ni Jehova sa pagsuporta sa Kaharian ng Diyos, hindi sa reporma sa pulitika