Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Para sa mga Kabataan

Isang Aral Tungkol sa Awa ng Diyos

Isang Aral Tungkol sa Awa ng Diyos

JONAS​—BAHAGI 2

Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.

1 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.​BASAHIN ANG JONAS 3:1–4:11.

Ano kaya ang nadarama ni Jonas habang pumapasok siya sa lunsod ng Nineve?

․․․․․

Anong damdamin ang mahahalata mo sa tinig ni Jonas habang inihahayag niya ang hatol ni Jehova?

․․․․․

Ano ang nadarama ni Jonas habang nakaupo siya sa labas ng lunsod? (Tingnan ang Jonas 4:5-8.)

․․․․․

2 PAG-ARALANG MABUTI.

Bakit kaya gusto pa rin ni Jonas na ituloy ni Jehova ang inihulang pagwasak sa Nineve?

․․․․․

Magsaliksik at alamin (1) ang hitsura ng halamang upo, at (2) ang ibig sabihin ng pagsusuot ng telang sako ng hari ng Nineve at ng pag-upo niya sa abo.

․․․․․

Sa kabila ng pag-aatubili niya sa simula na manghula sa Nineve, bakit masasabing isang tapat at matapang na propeta si Jonas? (Mateo 21:28-31)

․․․․․

3 GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa posibilidad na baguhin ng mga tao ang kanilang masamang pamumuhay.

․․․․․

Sa awa ni Jehova.

․․․․․

Sa pangangailangang maging mapagpatawad.

․․․․․

4 ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?

․․․․․

Para sa higit pang pagsasaliksik, tingnan Ang Bantayan, Abril 1, 2009, pahina 14-18.

KUNG WALA KANG BIBLIYA, BASAHIN ITO SA WEB SITE NA www.watchtower.org