Dapat Ka Bang Mangilin ng Sabbath Linggu-linggo?
Dapat Ka Bang Mangilin ng Sabbath Linggu-linggo?
NOONG mga huling taon ng dekada ’80, sumugod ang maliliit na grupo ng Metodista sa Suva, ang kabisera ng Fiji. Pitumpung lansangan ang hinarangan ng mga lalaki, babae, at bata—lahat ay nakadamit pansimba. Pinahinto nila ang lahat ng biyahe ng pampasaherong sasakyan pati na ang mga eroplanong bumibiyahe sa loob at labas ng bansa. Bakit? Gusto nilang ibalik ang mahigpit na pangingilin ng Sabbath sa kanilang bansa.
Dapat mayroong kahit isang elebeytor na hihinto sa bawat palapag ng lahat ng matataas na gusaling itinatayo sa Israel mula noong 2001. Bakit? Upang ang debotong mga Judio na nangingilin ng Sabbath, mula Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng gabi, ay hindi na kailangang pumindot sa mga buton ng elebeytor na itinuturing na isang trabaho.
Bawal ang anumang trabaho kung Linggo sa Tonga, isang kaharian sa Timog Pasipiko. Kinakansela ang mga biyahe ng eroplano at barko. Anumang kontratang nilagdaan sa araw na iyon ay walang bisa. Nakasaad sa konstitusyon ng Tonga na ang Linggo ay dapat “ituring na banal,” anuman ang relihiyosong paniniwala ng isa. Bakit? Upang matiyak na nangingilin ng Sabbath ang buong bansa.
Gaya ng mga nabanggit na halimbawa, inaakala ng maraming tao na kahilingan ng Diyos ang pangingilin ng Sabbath linggu-linggo. Sa katunayan, sinasabi pa ng ilan na napakahalaga ng
pangingilin ng Sabbath para sa ating walang-hanggang kaligtasan. Inaakala naman ng iba na ang pangingilin ng Sabbath ang pinakamahalagang utos ng Diyos. Ano ba ang Sabbath? Hinihimok ba ng Bibliya ang mga Kristiyano na mangilin ng Sabbath linggu-linggo?Ano ang Sabbath?
Ang salitang Ingles na “Sabbath” ay mula sa salitang Hebreo na nangangahulugang “magpahinga, tumigil, huminto.” Bagaman sinasabi ng ulat ng Genesis na ang Diyos na Jehova ay nagpahinga sa kaniyang paglalang noong ikapitong araw, noon lamang panahon ni Moises iniutos ng Diyos ang pamamahinga sa isang araw na 24 oras, o Sabbath. (Genesis 2:2) Pag-alis ng mga Israelita sa Ehipto noong 1513 B.C.E., makahimala silang pinaglaanan ni Jehova ng manna sa ilang. Ganito ang tagubilin sa kanila: “Anim na araw kayong mamumulot niyaon, ngunit sa ikapitong araw ay sabbath. Sa araw na iyon ay hindi magkakaroon.” (Exodo 16:26) Sinabi pa sa atin na “ipinangilin ng bayan ang sabbath nang ikapitong araw,” mula sa paglubog ng araw ng Biyernes hanggang sa paglubog ng araw ng Sabado.—Exodo 16:30.
Di-nagtagal, pagkatapos ibigay ang mga tagubiling iyon, ibinigay ni Jehova kay Moises ang batas tungkol sa pangingilin ng Sabbath na isa sa Sampung Utos. (Exodo 19:1) Ganito ang unang bahagi ng ikaapat na utos: “Bilang pag-alaala sa araw ng sabbath upang ituring itong sagrado, ikaw ay maglilingkod at gagawin mo ang lahat ng iyong gawain sa anim na araw. Ngunit ang ikapitong araw ay sabbath kay Jehova na iyong Diyos.” (Exodo 20:8-10) Kaya naging mahalagang bahagi ng buhay ng mga Israelita ang pangingilin ng Sabbath.—Deuteronomio 5:12.
Nangilin ba si Jesus ng Sabbath Linggu-linggo?
Oo, nangilin ng Sabbath si Jesus. Tungkol sa kaniya, ganito ang sinabi sa atin: “Nang dumating na ang hustong hangganan ng panahon, isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak, na isinilang ng isang babae at napasailalim ng kautusan.” (Galacia 4:4) Si Jesus ay isinilang na isang Israelita kaya siya ay nasa ilalim ng Kautusan, at kasama rito ang Sabbath. Pagkamatay ni Jesus saka lamang inalis ang tipang Kautusan. (Colosas 2:13, 14) Ang pagkaalam kung kailan nangyari ang mga ito ay tutulong sa atin na maunawaan kung ano ang pangmalas ng Diyos sa bagay na ito.—Tingnan ang tsart sa pahina 15.
Mateo 5:17) Ano ang ibig sabihin ng pananalitang “upang tumupad”? Halimbawa: Isang tao ang may kontrata na magtayo ng gusali. Matutupad niya ang isinasaad sa kontrata hindi sa pamamagitan ng pagpunit sa kontrata kundi sa pamamagitan ng pagtapos sa itinatayong gusali. Pero kapag natapos na ang trabaho at nasiyahan ang kliyente, natupad na niya ang kontrata at tapos na ang obligasyon niya rito. Sa katulad na paraan, hindi sinira o pinunit, wika nga, ni Jesus ang Kautusan; sa halip, tinupad niya ito sa pamamagitan ng lubusang pagsunod dito. Minsang matupad na ito, wala nang bisa ang “kontrata” ng Kautusan sa bayan ng Diyos.
Totoo, sinabi ni Jesus: “Huwag ninyong isipin na ako ay pumarito upang sirain ang Kautusan o ang mga Propeta. Ako ay pumarito, hindi upang sumira, kundi upang tumupad.” (Isang Kahilingan sa mga Kristiyano?
Yamang natupad na ni Kristo ang Kautusan, obligado pa ba ang mga Kristiyano na mangilin ng Sabbath linggu-linggo? Sa tulong ng banal na espiritu, sumulat si apostol Pablo: “Kung gayon ay huwag kayong hatulan ng sinumang tao sa pagkain at pag-inom o may kinalaman sa kapistahan o sa pangingilin ng bagong buwan o ng isang sabbath; sapagkat ang mga bagay na iyon ay isang anino ng mga bagay na darating, ngunit ang katunayan ay sa Kristo.”—Colosas 2:16, 17.
Ipinahihiwatig ng mga salitang iyon na nagbago na ang mga kahilingan ng Diyos para sa kaniyang mga lingkod. Bakit? Sapagkat ang mga Kristiyano ay nasa ilalim na ng isang bagong kautusan, “ang kautusan ng Kristo.” (Galacia 6:2) Nagwakas ang dating tipang Kautusang ibinigay sa Israel sa pamamagitan ni Moises nang matupad ito ni Jesus sa kaniyang kamatayan. (Roma 10:4; Efeso 2:15) Nagwakas na rin ba noon ang utos tungkol sa pangingilin ng Sabbath? Oo. Pagkatapos sabihin na “pinalaya na tayo mula sa Kautusan,” binanggit din ni Pablo ang isa sa Sampung Utos. (Roma 7:6, 7) Kaya nagwakas na ang Sampung Utos—kasama na ang kautusan tungkol sa Sabbath. Kung gayon, hindi na hinihilingan ang mga mananamba ng Diyos na mangilin ng Sabbath linggu-linggo.
Ang pagbabagong ito sa pagsamba ng mga Kristiyano ay maaaring ilarawan sa ganitong paraan: Maaaring baguhin ng isang bansa ang konstitusyon nito. Kapag may bago nang konstitusyon, hindi na kailangang sundin ng mga tao ang dating konstitusyon. Bagaman ang ilan sa mga batas sa bagong konstitusyon ay katulad ng sa dati, maaari namang naiiba ang ilan. Kaya kailangang pag-aralang mabuti ng isang tao ang bagong konstitusyon para malaman niya kung ano nang mga batas ang ipinatutupad. Bukod diyan, tiyak na aalamin ng isang tapat na mamamayan kung kailan nagkabisa ang bagong konstitusyon.
Sa katulad na paraan, nagbigay ang Diyos na Jehova sa bansang Israel ng mahigit 600 kautusan, kasama na ang 10 pangunahing utos. Kasali rito ang mga kautusan tungkol sa moral, paghahain, kalusugan, at pangingilin ng Sabbath. Pero sinabi ni Jesus na ang kaniyang mga tagasunod na pinahiran ng banal na espiritu ay bubuo ng isang bagong ‘bansa.’ (Mateo 21:43) Mula noong 33 C.E., ang bansang ito ay may bago nang “konstitusyon” na nakasalig sa dalawang pangunahing kautusan—ang pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapuwa. (Mateo 22:36-40) Bagaman ang mga tagubilin sa “kautusan ng Kristo” ay kahawig ng ibinigay na Kautusan sa Israel, hindi tayo dapat magtaka na ibang-iba ang ilan sa mga kautusan. Samantala, ang ilan naman ay hindi na hinihiling na sundin gaya ng pangingilin ng Sabbath linggu-linggo.
Binago ba ng Diyos ang Kaniyang mga Pamantayan?
Ang pagbabago ba mula sa Kautusan ni Moises tungo sa kautusan ng Kristo ay nangangahulugan na binago ng Diyos ang kaniyang mga pamantayan? Hindi. Gaya ng isang magulang na nagbibigay ng mga alituntunin sa kaniyang mga anak ayon sa kanilang mga edad at kalagayan, iniaayon din ni Jehova sa kaniyang bayan ang ibinibigay niyang mga kautusan dito. Ganito ang paliwanag ni apostol Pablo: “Bago dumating ang pananampalataya, tayo ay nababantayan sa ilalim ng kautusan, na sama-samang dinadala sa pagkabihag, na nakatingin sa pananampalatayang nakatalagang isiwalat. Dahil dito, ang Kautusan ay naging tagapagturo natin na umaakay tungo kay Kristo, upang tayo ay maipahayag na matuwid dahil sa pananampalataya. Ngunit ngayong dumating na ang pananampalataya, wala na tayo sa ilalim ng isang tagapagturo.”—Galacia 3:23-25.
Ano ang kaugnayan ng paliwanag ni Pablo sa Sabbath? Isaalang-alang ang ilustrasyong ito: Habang nasa paaralan, ang isang estudyante ay maaaring hilingan na mag-aral ng isang partikular na kasanayan, gaya ng pagkakarpintero, sa loob ng isang araw bawat linggo. Pero kapag siya’y nagtatrabaho na, kakailanganin niyang gamitin ang mga kasanayang natutuhan niya hindi lamang sa loob ng isang araw, kundi araw-araw. Sa katulad na paraan, habang nasa ilalim ng Kautusan ang mga Israelita, kailangan nilang maglaan ng isang araw linggu-linggo para magpahinga at sumamba. Ang mga Kristiyano naman ay hinihilingang sumamba sa Diyos hindi lamang isang araw sa bawat linggo, kundi araw-araw.
Masama bang maglaan ng isang araw bawat linggo para magpahinga at sumamba? Hindi. Ganito ang sinasabi sa Salita ng Diyos: “Ipinapasiya ng isang tao na mas banal ang isang araw kaysa sa iba. Ipinapasiya naman ng iba na walang kaibahan ang lahat ng araw. Dapat gumawa ng sariling pasiya ang bawat tao.” (Roma 14:5, God’s Word) Bagaman maaaring ipasiya ng isang tao na mas banal ang isang araw kaysa sa iba, maliwanag na sinasabi ng Bibliya na hindi hinihiling ng Diyos sa mga Kristiyano na mangilin ng Sabbath linggu-linggo.
[Blurb sa pahina 12]
“Anim na araw kayong mamumulot niyaon, ngunit sa ikapitong araw ay sabbath. Sa araw na iyon ay hindi magkakaroon.”—EXODO 16:26
[Blurb sa pahina 14]
“Ang Kautusan ay naging tagapagturo natin na umaakay tungo kay Kristo, upang tayo ay maipahayag na matuwid dahil sa pananampalataya. Ngunit ngayong dumating na ang pananampalataya, wala na tayo sa ilalim ng isang tagapagturo.”—GALACIA 3:24, 25
[Kahon/Dayagram sa pahina 13]
Ang International Date Line at ang Sabbath
Isang problema ang international date line sa mga naniniwalang dapat ipangilin nang sabay-sabay ang Sabbath linggu-linggo sa lahat ng dako. Ang date line ay isang di-nakikitang linya na bumabagtas sa kalakhang bahagi ng Karagatang Pasipiko sa ika-180 meridyano ng mapa ng daigdig. Ang mga bansa sa kanluran ng date line ay una ng isang araw sa mga bansa sa silangan nito.
Halimbawa, kapag Linggo sa Fiji at Tonga, Sabado naman sa Samoa at Niue. Kaya kung nangingilin ng Sabbath ang isang tao sa Fiji kapag Sabado, ang mga karelihiyon niya sa Samoa, mga 1,145 kilometro ang layo, ay nagtatrabaho dahil Biyernes pa lamang sa kanila.
Ang mga Seventh-Day Adventist sa Tonga ay nangingilin ng Sabbath kapag Linggo para makasabay nila sa pangingilin ng Sabbath ang kanilang mga karelihiyon sa Samoa, mga 800 kilometro lamang ang layo sa kanila. Pero kasabay nito, ang mga karelihiyon naman nila sa Fiji, na wala pang 800 kilometro ang layo, ay hindi nagpapahinga sapagkat Linggo na roon, at ipinangingilin nila ang Sabbath kapag Sabado!
[Dayagram]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
\
\
\
\ SAMOA
\
— ― ― ― ― ― ― ―
FIJI \
Linggo \ Sabado
\
\
TONGA \
\
\
\
[Chart sa pahina 15]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Mga Dapat Tandaan Tungkol sa Sabbath:
Bagaman binanggit ng isang teksto sa Bibliya na mangilin ng Sabbath linggu-linggo, kailangan nating tiyakin kung kailan binigkas ang salitang iyon.
4026 B.C.E. BAGO ANG PANAHON NI MOISES
NILALANG SI ADAN Ang kautusan tungkol sa Sabbath ay hindi
ibinigay bago ang panahon ni Moises at
ng mga Israelita.—Deuteronomio 5:1-3,
1513 B.C.E. ANG KAUTUSAN NG DIYOS SA ISRAEL
IBINIGAY ANG Ang kautusan tungkol sa Sabbath ay hindi
KAUTUSAN SA ISRAEL ibinigay sa ibang mga bansa. (Awit
Aw 147:19, 20) Ibinigay ito bilang
“isang tanda” sa pagitan ni Jehova at
ng mga anak ni Israel.—Exodo 31:16, 17.
Ang lingguhang araw ng Sabbath ay isa
lamang sa maraming sabbath na iniutos na
ipangilin ng mga Israelita.—Levitico
Lev 16:29-31; 23:4-8; 25:4, 11; Bilang 28:26.
33 C.E. ANG KAUTUSAN NG KRISTO
WALA NANG BISA Nang magpasiya ang mga apostol at
ANG KAUTUSANG matatandang lalaki sa Jerusalem tungkol
IBINIGAY SA ISRAEL sa kung ano ang kahilingan ng Diyos sa
mga Kristiyano noong 49 C.E., wala
silang binanggit hinggil sa pangingilin
ng Sabbath linggu-linggo.—Gawa 15:28, 29.
Nabahala si apostol Pablo sa mga
Kristiyanong nangingilin pa rin ng mga
pantanging araw.—Galacia 4:9-11.
2010 C.E.
[Larawan sa pahina 11]
Iniulat sa mga pahayagan ang tungkol sa mga lansangang hinarangan ng mga grupo ng Metodista na humihiling na ibalik ang mahigpit na pangingilin ng Sabbath sa Fiji
[Credit Line]
Courtesy of the Fiji Times