Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Para sa mga Kabataan

Isang Taong Mapagpakumbaba at Malakas ang Loob

Isang Taong Mapagpakumbaba at Malakas ang Loob

JONAS​—BAHAGI 1

Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Gawing buháy na buháy sa iyong isipan ang kuwento.

1 PAG-ISIPAN ANG EKSENA.​BASAHIN ANG JONAS 1:1-17; 2:10–3:5.

Ilarawan ang isang malakas na bagyo.

․․․․․

Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng tinig ni Jonas at ng mga tripulante ng barko?

․․․․․

Ano kaya ang nasa isip ni Jonas nang ihagis siya sa dagat at nang lulunin siya ng malaking isda? (Basahin ang Jonas 2:1-9.)

․․․․․

2 PAG-ARALANG MABUTI.

Anong uri ng mga tao ang nakatira sa Nineve, at bakit malamang na sa simula ay atubili si Jonas na puntahan sila? (Nahum 3:1)

․․․․․

Bakit kaya “isang lunsod na dakila sa Diyos” ang Nineve? (Jonas 3:3; 2 Pedro 3:9)

․․․․․

Ano ang isinisiwalat tungkol kay Jonas ng pagiging prangka niya nang sabihin niya ang tungkol sa kaniyang pagkakamali at hinggil sa kaniyang Diyos? (Basahing muli ang Jonas 1:9, 10.)

․․․․․

Paano kaya nalaman ni Jonas kung ano ang nangyari sa loob ng barko matapos siyang ihagis? (Basahing muli ang Jonas 1:15, 16.)

․․․․․

3 GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa takot.

․․․․․

Sa kapakumbabaan.

․․․․․

Sa lakas ng loob.

․․․․․

Sa pangmalas ni Jehova sa mga tao, kahit na sa mga taong sa tingin natin ay masama.

․․․․․

4 ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?

․․․․․

Para sa higit pang pagsasaliksik, tingnan Ang Bantayan, ng Enero 1, 2009, pahina 25-28.

KUNG WALA KANG BIBLIYA, BASAHIN ITO SA WEB SITE NA www.watchtower.org