‘Ano ang Ating Kakainin?’
‘Ano ang Ating Kakainin?’
MADALAS pag-usapan ng mga tao ang tungkol sa pagkain at inumin noong panahon ng ministeryo ni Jesus dito sa lupa. Ang unang himala niya ay gawing alak ang tubig, at dalawang beses niyang pinakain ang karamihan ng ilang tinapay at isda. (Mateo 16:7-10; Juan 2:3-11) Si Jesus ay kumaing kasama ng mahihirap at ng mayayaman din. Sa katunayan, pinaratangan si Jesus ng kaniyang mga kaaway na isang taong matakaw at mahilig uminom ng alak. (Mateo 11:18, 19) Sabihin pa, hindi naman gayon si Jesus. Gayunman, alam niyang napakahalaga sa mga tao ang pagkain at inumin, at may-kahusayan niyang ginamit ang mga ito upang ituro ang tungkol sa Diyos.—Lucas 22:14-20; Juan 6:35-40.
Anong pagkain at inumin ang karaniwan noong panahon ni Jesus? Paano inihahanda ang mga pagkain noon? At gaano kahirap itong gawin? Ang sagot sa mga tanong na iyan ay tutulong sa iyo na lalong maunawaan ang ilang pangyayari at pananalitang ginamit sa mga Ebanghelyo.
Bigyan Mo Kami ng “Aming Tinapay Para sa Araw na Ito”
Nang turuan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na manalangin, ipinakita niya na angkop lamang na hilingin sa Diyos ang mga pangangailangan sa buhay—ang “tinapay para sa araw na ito.” (Mateo 6:11) Karaniwang pagkain ang tinapay anupat sa wikang Hebreo at Griego, ang pananalitang “kumain” ay literal na nangangahulugang “kumain ng tinapay.” Pagkain ng mga Judio noong unang siglo ang mga butil na ginagawang tinapay, gaya ng trigo at sebada, at iba pa, gaya ng oat, espelta (spelt), at mijo (millet). Tinataya ng mga mananaliksik na mga 200 kilo ng butil ang kinakain ng isang tao sa loob ng isang taon, na nagbibigay ng mga kalahati ng mga calorie na kailangan ng isa.
Makabibili ng tinapay sa palengke. Pero ang karamihan ng mga pamilya ay gumagawa ng sarili nilang tinapay—isang mahirap na gawain. Ganito ang sabi ng aklat na Bread, Wine, Walls and Scrolls: “Dahil madaling masira ang harina, ang paggiling ay ginagawa araw-araw ng mga maybahay.” Gaano katagal itong gawin? “Sa isang oras ng mahirap na paggiling,” sabi ng awtor, “ang 1 kilo ng trigo ay makagagawa lamang ng wala pang 0.8 kilo ng harina. Yamang ang isang tao ay kumakain ng mga 1/2 kilo ng trigo, kailangang gumugol ang maybahay ng tatlong oras sa paggiling para mapakain ang isang pamilya na may lima o anim na miyembro.”
Mateo 13:55, 56) Tiyak na si Maria, gaya ng ibang babaing Judio, ay nagtrabaho nang husto para ihanda ang “tinapay para sa araw na ito.”
Ngayon, isipin si Maria, ang ina ni Jesus. Bukod sa iba pa niyang gawain sa bahay, kailangan niyang gumawa ng sapat na tinapay para pakanin ang kaniyang asawa, limang anak na lalaki, at mga anak na babae. (“Halikayo, Mag-agahan Kayo”
Pagkatapos buhaying muli si Jesus, nagpakita siya sa ilan sa kaniyang mga alagad isang umaga. Magdamag na nangisda ang mga alagad, pero wala silang nahuli. “Halikayo, mag-agahan kayo,” ang sabi ni Jesus sa kaniyang pagód na mga kaibigan. Pagkatapos, ipinaghanda niya sila ng sariwang isda at tinapay. (Juan 21:9-13) Bagaman dito lamang sa Ebanghelyong ito binanggit ang tungkol sa agahan, karaniwan na sa mga tao na mag-agahan ng tinapay, nuwes, at pasas o olibo.
Kumusta naman ang tanghalian? Ano ang kinakain ng karaniwang manggagawa? Ganito ang sabi ng aklat na Life in Biblical Israel: “Simple lamang ang tanghalian, na binubuo ng tinapay, butil, olibo, at igos.” Malamang na iyan ang dala ng mga alagad nang bumalik sila mula sa Sicar at makita si Jesus na nakikipag-usap sa isang Samaritana sa may balon. Ang oras ay “mga ikaanim na,” o katanghaliang-tapat, at “umalis ang kaniyang mga alagad patungo sa lunsod upang bumili ng mga pagkain.”—Juan 4:5-8.
Ang mga pamilya ay nagtitipon sa gabi para sa hapunan, ang pangunahing pagkain sa araw na iyon. Tungkol sa hapunang ito, ganito ang sinasabi ng aklat na Poverty and Charity in Roman Palestine, First Three Centuries C.E.: “Karamihan ng mga tao ay kumakain ng tinapay o lugaw na gawa sa sebada, iba’t ibang butil at butong-gulay, o kung minsan ay trigo. Nilalagyan nila ito ng asin at langis o olibo, kung minsan ay sarsa . . . , pulot-pukyutan, o matatamis na katas ng prutas.” Maaaring kasama rin sa hapunan ang gatas, keso, gulay, at sariwa o pinatuyong prutas. May mga 30 uri ng gulay noon—sibuyas, bawang, labanos, karot, at repolyo ang ilan dito—at mahigit 25 iba’t ibang uri ng prutas, gaya ng (1) igos, (2) datiles, at (3) granada, ang itinatanim doon.
Nakikita mo ba ang mga sangkap na ito sa mesa nang maghapunan si Jesus kasama ni Lazaro at ng mga kapatid nito na sina Marta at Maria? Ngayon, langhapin ang amoy sa silid habang pinapahiran ni Maria ang paa ni Jesus ng “tunay na nardo”—ang amoy ng masarap na pagkain at ng mamahaling pabango.—Juan 12:1-3.
“Kapag Naghanda Ka ng Piging”
Minsan, habang kumakain si Jesus “sa bahay ng isa sa mga tagapamahala ng mga Pariseo,” nagturo siya ng isang mahalagang aral. Sinabi niya: “Kapag naghanda ka ng piging, anyayahan mo ang mga taong dukha, ang mga lumpo, ang mga pilay, ang mga bulag; at magiging maligaya Lucas 14:1-14) Kung susundin ng Pariseo ang payo ni Jesus, anu-ano kayang pagkain ang ihahanda niya sa gayong piging?
ka, sapagkat wala silang maigaganti sa iyo. Sapagkat gagantihin ka sa pagkabuhay-muli ng mga matuwid.” (Ang mayaman ay maaaring maghanda ng espesyal na tinapay na iba’t iba ang hugis at hinaluan ng alak, pulot-pukyutan, gatas, at pampalasa. Malamang na mayroon ding mantikilya at matigas na keso. Tiyak na mayroon ding sariwang olibo, pinreserbang olibo, o langis ng olibo. Ayon sa aklat na Food in Antiquity, “bawat tao ay gumagamit ng dalawampung kilo ng langis ng olibo sa isang taon sa pagkain, at bukod dito, ginagamit din nila ito sa pagpapaganda at sa mga ilawan.”
Kung ang Pariseo ay nakatirang malapit sa dagat, malamang na bagong huling isda ang kakainin niya at ng kaniyang mga bisita. Ang mga nakatira naman malayo sa dagat ay karaniwang kumakain ng buro o inasnang isda. Maaari din siyang maghanda ng karne—isang espesyal na pagkain para sa isang mahirap na panauhin. Mas karaniwan ang pagkaing may itlog. (Lucas 11:12) Lalo pang sumasarap ang mga pagkaing ito dahil sa yerba at pampalasa, gaya ng yerbabuena, eneldo, komino, at mustasa. (Mateo 13:31; 23:23; Lucas 11:42) Pagkatapos, maaaring kainin ng mga panauhin ang mga panghimagas na binusang trigo na may almendras, pulot-pukyutan, at mga pampalasa.
Ang mga nasa piging ay makakakuha ng ubas—sariwa, pinatuyo, o ginawang alak. Libu-libong pisaan ng ubas ang nakita sa Palestina, na nagpapatunay na maraming tao ang nasisiyahan sa pag-inom ng alak. Sa isang lugar sa Gibeon, natuklasan ng mga arkeologo ang 63 batong imbakan ng alak na nakapaglalaman ng mga 100,000 litro ng alak.
‘Huwag Mabalisa’
Habang binabasa mo ang mga Ebanghelyo, pansinin kung ilang ulit binanggit ni Jesus ang pagkain at inumin sa kaniyang mga ilustrasyon o kung paano siya nagturo ng ilang mahalagang aral habang kumakain. Tiyak na si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay nasiyahan sa pagkain at pag-inom, lalo na sa piling ng mabubuting kasama, pero hindi ito ang naging pangunahin sa kanilang buhay.
Tinulungan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na manatiling timbang pagdating sa pagkain at inumin nang sabihin niya: “Huwag kayong mabalisa at magsabing, ‘Ano ang aming kakainin?’ o, ‘Ano ang aming iinumin?’ o, ‘Ano ang aming isusuot?’ Sapagkat ang lahat ng ito ang mga bagay na masikap na hinahanap ng mga bansa. Sapagkat nalalaman ng inyong makalangit na Ama na kailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.” (Mateo 6:31, 32) Tinanggap ng mga alagad ang payong ito, at inilaan ng Diyos ang kanilang pangangailangan. (2 Corinto 9:8) Oo, maaaring iba ang kinakain mo ngayon sa kinakain ng mga tao noong unang siglo. Pero makatitiyak ka na paglalaanan ka ng Diyos kung uunahin mo sa iyong buhay ang paglilingkod sa kaniya.—Mateo 6:33, 34.