Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Para sa mga Kabataan

Ang Pagkabuhay-Muli ni Lazaro

Ang Pagkabuhay-Muli ni Lazaro

Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan.

PAG-ISIPAN ANG EKSENA.​—BASAHIN ANG JUAN 11:1-45.

Nang mabasa mo ang talata 21 at 32, ano kaya sa palagay mo ang nadama nina Marta at Maria?

․․․․․

Paano mo ilalarawan sa isipan ang matinding damdamin ni Jesus gaya ng mababasa sa talata 33 at 35?

․․․․․

Isipin kung ano ang naramdaman ni Lazaro at ng mga taong naroroon sa pangyayaring binabanggit sa talata 43 at 44.

PAG-ARALANG MABUTI.

Ang Betania ay dalawang-araw na paglalakbay mula sa kinaroroonan ni Jesus. Kung gayon, bakit hindi kaagad umalis si Jesus? (Basahing muli ang talata 6.)

․․․․․

Paano ipinakita ng Bibliya na sina Maria at Marta ay parehong interesado sa espirituwal na mga bagay? (Lucas 10:38, 39; Juan 11:24)

․․․․․

Bakit binuhay-muli ni Jesus ang mga tao gayong mamamatay din lamang naman silang muli? (Marcos 1:41, 42; Juan 5:28, 29; 11:45)

․․․․․

GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa kakayahan at pagnanais ni Jesus na bumuhay ng mga patay.

․․․․․

Sa tindi ng pagmamalasakit ni Jesus sa mga nagdadalamhati.

․․․․․

SINO ANG GUSTO MONG MAKILALA O MULING MAKASAMA SA MGA BUBUHAYING MULI?

․․․․․

ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?

․․․․․