Kung Paano Ka Maililigtas ng Kamatayan ni Jesus
Kung Paano Ka Maililigtas ng Kamatayan ni Jesus
NOONG Paskuwa ng mga Judio taóng 33 C.E., halos 2,000 taon na ang nakalilipas, isang taong walang kasalanan ang namatay upang ang iba ay mabuhay. Sino ang taong iyon? Siya ay si Jesus ng Nazaret. At sino ang maaaring makinabang sa pagsasakripisyong ginawa niya? Ang buong sangkatauhan. Ganito ang sinasabi ng isang popular na teksto sa Bibliya hinggil sa sakripisyong iyon na nagliligtas ng buhay: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”—Juan 3:16.
Bagaman marami ang pamilyar sa tekstong iyan, iilan lamang ang tunay na nakauunawa sa kahulugan nito. Iniisip nila: ‘Bakit pa natin kailangan ang hain ni Kristo? Paano maililigtas ng kamatayan ng isang tao ang buong sangkatauhan mula sa walang-hanggang kamatayan?’ Ang Bibliya ay nagbibigay ng malinaw at kasiya-siyang sagot sa mga tanong na ito.
Kung Paano Sinalot ng Kamatayan ang Sangkatauhan
Ang ilan ay naniniwala na ang tao ay nilalang para mabuhay nang sandaling panahon sa lupa, makaranas ng mga pagsubok at kaunting kaligayahan, at pagkatapos ay mamatay upang magtungo sa isang mas magandang lugar. Ayon sa pananaw na ito, ang kamatayan ay bahagi ng layunin ng Diyos para sa sangkatauhan. Subalit iba ang sinasabi ng Bibliya na dahilan kung bakit sinasalot ng kamatayan ang sangkatauhan. Ganito ang mababasa natin: “Sa pamamagitan ng isang tao ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala.” (Roma 5:12) Ipinakikita ng talatang ito na namamatay ang tao dahil sa kasalanan. Subalit sino ang “isang tao” na nagdulot ng nakamamatay na epekto ng kasalanan sa sangkatauhan?
Sinasabi ng The World Book Encyclopedia na naniniwala ang karamihan sa mga siyentipiko na ang lahat ng tao ay nagmula sa iisang tao, at malinaw na tinutukoy ng Bibliya ang “isang tao” na iyan. Ganito ang mababasa natin sa Genesis 1:27: “Pinasimulang lalangin ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang larawan, nilalang niya siya ayon sa larawan ng Diyos; nilalang niya sila na lalaki at babae.” Kaya sinasabi ng Bibliya na sa mga nilalang sa lupa, ang unang mag-asawa ang obra maestra ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.
Ang ulat sa Genesis ay nagbibigay ng karagdagang mga detalye hinggil sa buhay ng tao pagkatapos Genesis 2:16, 17) Nais niyang mabuhay ang tao sa isang magandang paraiso sa lupa nang maligaya at malusog magpakailanman. Hindi niya gustong magdusa sila at maranasan ang epekto ng pagtanda at sa kalaunan ay mamatay. Kung gayon, paano sinalot ng kamatayan ang buong sangkatauhan?
lalangin ng Diyos na Jehova ang unang tao. Kapansin-pansin na sa buong ulat na iyon, walang sinabi ang Diyos na layunin niyang mamatay ang tao. Mamamatay lamang sila kung susuway sila sa utos niya. (Sinasabi sa Genesis kabanata 3 kung paano sadyang sinuway ng unang mag-asawa ang kanilang Tagapagbigay-Buhay, ang Diyos na Jehova. Bilang resulta, inilapat ng Diyos ang hatol na patiuna niyang sinabi sa kanila. Sinabi niya sa lalaki: “Ikaw ay alabok at sa alabok ka babalik.” (Genesis 3:19) Gaya ng sinalita ng Diyos, nang maglaon ay namatay ang dalawang masuwaying tao na iyon.
Subalit hindi lamang ang unang mag-asawa ang naapektuhan. Dahil sa kanilang pagsuway, nawala ang pag-asa ng kanilang supling na magkaroon ng sakdal na buhay. Ang di-pa-naisisilang na mga taong iyon ay kasama sa layunin ni Jehova nang sabihin niya kina Adan at Eva: “Magpalaanakin kayo at magpakarami at punuin ninyo ang lupa at supilin iyon, at magkaroon kayo ng kapamahalaan sa mga isda sa dagat at sa mga lumilipad na nilalang sa langit at sa bawat nilalang na buháy na gumagala sa ibabaw ng lupa.” (Genesis 1:28) Sa kalaunan, mapupuno ng pamilya ng tao ang buong lupa at masisiyahan sila sa walang-hanggang buhay. Pero ipinagbili sila ng kanilang ninunong si Adan—ang “isang tao”—bilang mga alipin ng kasalanan, anupat kamatayan ang kanilang naging di-maiiwasang kahihinatnan. Sumulat si apostol Pablo, isang inapo ng unang tao: “Ako ay makalaman, ipinagbili sa ilalim ng kasalanan.”—Roma 7:14.
Kung paanong nasira dahil sa bandalismo ang napakamamahaling mga gawang-sining, lubhang nasira ang kamangha-manghang nilalang ng Diyos—ang sangkatauhan—dahil sa kasalanan ni Adan. Ang mga anak ni Adan ay nagkaroon ng mga anak, at pagkatapos ay ng mga apo at mga inapo. Sunud-sunod na salinlahi ang isinilang, lumaki, nagkaanak, at nang maglaon ay namatay. Bakit sila namatay? Dahil silang lahat ay nagmula kay Adan. Sinasabi ng Bibliya: “Dahil sa pagkakamali ng isang tao ay marami ang namatay.” (Roma 5:15) Ang sakit, pagtanda, tendensiyang gumawa ng mali, at ang kamatayan mismo ang mga nakalulungkot na epekto ng pagwawalang-bahala ni Adan sa kaniyang pamilya. Tayong lahat ay kabilang sa pamilyang iyan.
Sa kaniyang liham sa mga Kristiyano sa Roma, sumulat si apostol Pablo hinggil sa kaawa-awa niyang kalagayan, pati na ng lahat ng iba pang di-sakdal na mga tao. Inilarawan din niya ang nakasisiphayong pakikipagpunyagi laban sa epekto ng Roma 7:14-25) Oo, ang ating Maylalang ay gumawa ng paraan upang sagipin tayo sa pamamagitan ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo.
kasalanan. Ibinulalas niya: “Miserableng tao ako! Sino ang sasagip sa akin mula sa katawan na dumaranas ng kamatayang ito?” Magandang tanong iyan, hindi ba? Sino kaya ang makasasagip kay Pablo—at sa lahat ng iba pa—mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan? Si Pablo mismo ang nagbigay ng sagot: “Salamat sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo na ating Panginoon!” (Ang Papel ni Jesus sa Pagliligtas ng Diyos sa Sangkatauhan
Inilarawan ni Jesus ang kaniyang papel sa pagliligtas sa sangkatauhan mula sa nakamamatay na pang-aalipin ng kasalanan. Sinabi niya: “Ang Anak ng tao ay . . . naparito upang . . . ibigay ang kaniyang buhay na [pantubos] sa marami.” (Mateo 20:28, Ang Biblia) Paano nagsilbing pantubos ang buhay ni Jesus? Paano tayo nakikinabang sa kaniyang kamatayan?
Sinasabi ng Bibliya na si Jesus ay “walang kasalanan” at “hiwalay sa mga makasalanan.” Sa buong buhay niya, lubusang sinunod ni Jesus ang Kautusan ng Diyos. (Hebreo 4:15; 7:26) Kaya ang kamatayan ni Jesus ay hindi epekto ng kasalanan at pagsuway na gaya ng kay Adan. (Ezekiel 18:4) Sa halip, inihandog ni Jesus ang kaniyang buhay upang maisakatuparan ang kalooban ng kaniyang Ama na iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan. Gaya ng nabanggit na, kusang ‘ibinigay ni Jesus ang kaniyang buhay na pantubos.’ Dahil sa pag-ibig na hindi matutumbasan ng sinumang tao, ‘tinikman ni Jesus ang kamatayan para sa bawat tao.’—Hebreo 2:9.
Ang buhay na inihandog ni Jesus ay ang eksaktong katumbas ng buhay na naiwala ni Adan nang magkasala siya. Ano ang naging resulta ng kamatayan ni Jesus? Tinanggap ni Jehova ang sakripisyong iyon bilang “katumbas na pantubos para sa lahat.” (1 Timoteo 2:6) Sa diwa, ginamit ng Diyos ang halaga ng buhay ni Jesus upang bilhing muli, o tubusin, ang salinlahi ng tao mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan.
Paulit-ulit na binabanggit ng Bibliya ang tungkol sa dakilang kapahayagan ng pag-ibig na ito ng Maylalang ng tao. Pinaalalahanan ni Pablo ang mga Kristiyano na “binili [sila] sa isang halaga.” (1 Corinto 6:20; 7:23) Isinulat ni Pedro na hindi ginto o pilak, kundi ang dugo ng kaniyang Anak, ang ginamit ng Diyos upang iligtas ang mga Kristiyano mula sa buhay na nauuwi sa kamatayan. (1 Pedro 1:18, 19) Sa pamamagitan ng pantubos ni Kristo, gumawa si Jehova ng paraan upang iligtas ang tao mula sa walang-hanggang kamatayan.
Kung Paano Ka Makikinabang sa Pantubos ni Kristo
Isinulat ni apostol Juan kung gaano karami ang makikinabang sa pantubos ni Kristo: “[Si Jesu-Kristo] ay pampalubag-loob na hain para sa ating mga kasalanan, gayunma’y hindi lamang para sa atin kundi para rin naman sa buong sanlibutan.” (1 Juan 2:2) Oo, ang pantubos ni Kristo ay para sa buong sangkatauhan. Pero nangangahulugan ba ito na ang lahat ay makikinabang sa napakahalagang paglalaang ito nang wala silang anumang gagawin? Hindi. Natatandaan mo ba ang binanggit ng naunang artikulo hinggil sa pagsagip sa siyam na minero? Ang mga tagasagip ay nagbaba ng isang hawla, pero upang mailigtas ang mga minero, dapat pumasok sa hawlang iyon ang bawat isa sa kanila. Sa katulad na paraan, yaong mga nagnanais makinabang sa haing pantubos ni Kristo ay hindi maaaring basta na lamang maghintay sa pagpapala ng Diyos. Mayroon silang dapat gawin.
Ano ang hinihiling ng Diyos na gawin natin? Ganito ang sinasabi sa atin ng Juan 3:36: “Siya na nananampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; siya na sumusuway sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay nananatili sa kaniya.” Hinihiling ng Diyos na magkaroon tayo ng pananampalataya sa hain ni Kristo. At hindi lamang iyan. “Sa ganito natin taglay ang kaalaman na nakilala natin [si Jesus], samakatuwid nga, kung patuloy nating tinutupad ang kaniyang mga utos.” (1 Juan 2:3) Kung gayon, maliwanag na kailangang manampalataya tayo sa pantubos ni Kristo at sundin ang kaniyang mga utos upang mailigtas tayo mula sa kasalanan at kamatayan.
Ang isang mahalagang paraan upang ipakita nating nananampalataya tayo sa pantubos ni Jesus ay sa pamamagitan ng pagpapahalaga at pag-alaala sa kaniyang kamatayan, gaya ng iniutos niya. Bago siya namatay, nagsaayos si Jesus ng isang hapunan na may makasagisag na kahulugan. Kasama niya sa hapunang ito ang kaniyang tapat na mga apostol. Sinabi niya sa kanila: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.” (Lucas 22:19) Lubhang pinahahalagahan ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang malapít na kaugnayan sa Anak ng Diyos, at sinusunod nila ang utos na iyon. Sa taóng ito, ang Memoryal ng kamatayan ni Jesu-Kristo ay ipagdiriwang sa Sabado, Marso 22, pagkalubog ng araw. Malugod ka naming inaanyayahang dumalo sa espesyal na pagpupulong na ito bilang pagsunod sa utos ni Jesus. Maaari mong tanungin ang mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para malaman ang oras at lokasyon ng pagdiriwang na ito. Sa Memoryal, marami ka pang matututuhan hinggil sa dapat mong gawin upang mapalaya ka ng pantubos ni Kristo mula sa nakamamatay na epekto ng kasalanan ni Adan.
Iilang tao sa ngayon ang lubos na nakauunawa at nagpapahalaga sa napakalaking sakripisyong ginawa ng Maylalang at ng kaniyang Anak upang iligtas sila sa tiyak na kamatayan. Ang mga sumasampalataya naman sa pantubos ni Kristo ay may natatanging dahilan upang maging maligaya. Sumulat si apostol Pedro hinggil sa kaniyang mga kapuwa Kristiyano: “Nananampalataya kayo [kay Jesus] at labis na nagsasaya taglay ang di-mabigkas at niluwalhating kagalakan, habang tinatanggap ninyo ang wakas ng inyong pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa.” (1 Pedro 1:8, 9) Kung lilinangin mo ang pag-ibig kay Jesu-Kristo at mananampalataya ka sa kaniyang haing pantubos, maaari kang maging maligaya ngayon at umasang ganap na maililigtas mula sa kasalanan at kamatayan sa hinaharap.
[Larawan sa pahina 6]
Inihandog ni Jesus ang kaniyang buhay upang pawiin ang mga epekto ng kasalanan ni Adan
[Larawan sa pahina 7]
Ang Memoryal ng kamatayan ni Jesu-Kristo ay ipagdiriwang sa Sabado, Marso 22, 2008, pagkalubog ng araw