Paano Ipinakikita ni Jehova na Iniibig Niya Tayo?
“Tingnan ninyo kung anong uri ng pag-ibig ang ibinigay sa atin ng Ama.”—1 JUAN 3:1.
1. Pinasisigla ni apostol Juan ang mga Kristiyano na bulay-bulayin ang ano, at bakit?
NAPAKAGANDANG bulay-bulayin ang mga salita ni apostol Juan sa 1 Juan 3:1: “Tingnan ninyo kung anong uri ng pag-ibig ang ibinigay sa atin ng Ama.” Pinasisigla ni Juan ang mga Kristiyano na bulay-bulayin kung gaano kalalim ang pag-ibig ng Diyos sa kanila at kung paano ito ipinakikita ng Diyos. Kapag naunawaan natin iyan, tiyak na lalalim ang pag-ibig natin kay Jehova at titibay ang kaugnayan natin sa kaniya.
2. Bakit nahihirapan ang ilan na unawaing iniibig sila ng Diyos?
2 Nakalulungkot, nahihirapan ang ilan na unawaing iniibig ng Diyos ang mga tao. Para sa kanila, ang Diyos ay dapat katakutan at laging sundin. O baka dahil sa ilang maling turong natutuhan nila, nadarama nilang hindi maibigin ang Diyos at mahirap ibigin. Pero may mga naniniwalang mahal na mahal ng Diyos ang mga tao anuman ang ginagawa nila o mga pagkukulang. Sa pag-aaral mo ng Bibliya, natutuhan mong pag-ibig ang pinakapangunahing katangian ni Jehova at ito ang nagpakilos sa kaniya na ibigay ang kaniyang Anak bilang pantubos para sa atin. (Juan 3:16; 1 Juan 4:8) Pero baka dahil sa mga naranasan mo sa buhay, nahihirapan kang unawain kung gaano ka kamahal ni Jehova.
3. Anong katotohanan ang makatutulong para maunawaan natin ang pag-ibig sa atin ni Jehova?
Awit 100:3-5.) Kaya naman tinawag ng Bibliya si Adan na “anak ng Diyos,” at itinuro ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na tawagin ang Diyos bilang “Ama namin na nasa langit.” (Luc. 3:38; Mat. 6:9) Dahil si Jehova ang Tagapagbigay-Buhay, siya ay Ama natin; ang kaugnayang iyan ay kagaya ng kaugnayan ng ama at ng kaniyang mga anak. Kaya ang pag-ibig sa atin ni Jehova ay gaya ng pag-ibig ng isang mabuting ama sa kaniyang mga anak.
3 Paano nga ba ipinakikita ni Jehova na iniibig niya tayo? Para masagot ito, kailangan nating maunawaan ang kaugnayan natin at ng Diyos na Jehova. Si Jehova ang ating Maylalang. (Basahin ang4. (a) Paano naiiba si Jehova sa mga taong ama? (b) Ano ang tatalakayin natin sa artikulong ito at sa kasunod?
4 Siyempre pa, hindi sakdal ang mga taong ama. Nagsisikap man sila, hindi nila lubusang matutularan ang ipinakikitang pag-ibig ni Jehova bilang ama. Sa katunayan, ang ilan ay lumaking hindi maganda ang kalagayan sa pamilya na nag-iwan ng mapapait na alaala at pilat sa kanilang puso’t isipan. Napakasakit nito at nakalulungkot. Pero hindi ganiyang uri ng ama si Jehova. (Awit 27:10) Kapag nalaman natin kung paano tayo iniibig at inaalagaan ni Jehova, tiyak na mas mapapalapít tayo sa kaniya. (Sant. 4:8) Sa artikulong ito, susuriin natin ang apat na paraan kung paano ipinakikita ni Jehova na iniibig niya tayo. Sa kasunod na artikulo, tatalakayin naman natin ang apat na paraan kung paano natin maipakikitang iniibig natin si Jehova.
SI JEHOVA ANG ATING MAIBIGING TAGAPAGLAAN
5. Ano ang sinabi ni apostol Pablo sa mga taga-Atenas tungkol sa Diyos?
5 Noong si apostol Pablo ay nasa lunsod ng Atenas sa Gresya, napansin niyang punô ito ng mga idolo ng mga diyos at bathala. Ang mga iyon ang pinaniniwalaan ng mga tao na nagbigay ng buhay at mga pangangailangan nila. Kaya sinabi ni Pablo: “Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng bagay na naririto . . . ang nagbibigay sa lahat ng buhay at ng hininga at ng lahat ng mga bagay. . . . Sa pamamagitan niya, tayo ay may buhay at kumikilos at umiiral.” (Gawa 17:24, 25, 28) Oo, dahil sa pag-ibig, inilalaan ni Jehova ang “lahat ng mga bagay” na kailangan natin para mabuhay. Isip-isipin ang ibig sabihin ng simpleng pananalitang iyan.
6. Paano makikita sa pagkakalalang sa lupa na mahal tayo ng Diyos? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
6 Isaalang-alang ang lupa na nilikha ni Jehova at “ibinigay niya sa mga anak ng mga tao.” (Awit 115:15, 16) Napakalaki ng ginagastos ng mga siyentipiko para makahanap ng mga planetang katulad ng lupa. Daan-daang planeta ang natuklasan nila, pero walang isa man sa mga ito ang nakita nilang puwedeng panirahan ng tao. Lumilitaw na natatangi ang lupa sa lahat ng nilalang ng Diyos. Biruin mo, sa di-mabilang na mga planeta sa Milky Way at sa labas nito, nilalang ni Jehova ang lupa hindi lang para tirhan kundi para maging komportable, maganda, at ligtas na tahanan ng mga taong nilalang niya! (Isa. 45:18) Ipinakikita nito kung gaano tayo kamahal ni Jehova.—Basahin ang Job 38:4, 7; Awit 8:3-5.
7. Paano makikita sa pagkakalalang ng Diyos sa atin na talagang mahal niya tayo?
7 Napakaganda ng tahanang nilalang ni Jehova para sa atin, pero alam niya na para maging masaya tayo at kontento, hindi lang materyal na paglalaan ang kailangan natin. Panatag ang isang anak kapag nadarama niyang mahal siya ng kaniyang mga magulang at binibigyan ng atensiyon. Nilalang ni Jehova ang mga tao ayon sa kaniyang larawan, at binigyan sila ng kakayahang madama ang pag-ibig at pagkalinga niya at tumugon dito. (Gen. 1:27) Sinabi rin ni Jesus: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan.” (Mat. 5:3) Bilang maibiging Ama, si Jehova ay “saganang naglalaan sa atin ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan,” sa pisikal at espirituwal na paraan.—1 Tim. 6:17; Awit 145:16.
MAIBIGING ITINUTURO NI JEHOVA SA ATIN ANG KATOTOHANAN
8. Bakit makaaasa tayong mahal tayo ng “Diyos ng katotohanan”?
8 Mahal ng mga ama ang kanilang mga anak at pinoprotektahan nila ang mga ito para hindi mailigaw o madaya. Pero hindi nagagabayan nang tama ng maraming magulang ngayon ang kanilang mga anak dahil sila mismo ay hindi sumusunod sa mga pamantayan ng Bibliya. Kadalasan, nagdudulot ito ng kaguluhan at pagkasira ng loob. (Kaw. 14:12) Sa kabilang banda, si Jehova ay “Diyos ng katotohanan.” (Awit 31:5) Mahal niya ang kaniyang mga anak at gusto niyang suminag sa kanila ang katotohanan para magabayan sila sa bawat aspekto ng kanilang buhay, lalo na sa pagsamba. (Basahin ang Awit 43:3.) Anong mga katotohanan ang isinisiwalat ni Jehova, at paano nito ipinakikitang mahal niya tayo?
9, 10. Paano ipinakita ni Jehova na mahal niya tayo sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng katotohanan (a) tungkol sa kaniya? (b) tungkol sa atin?
9 Una sa lahat, isinisiwalat ni Jehova ang katotohanan tungkol sa kaniya. Isinisiwalat niya ang kaniyang pangalan, na mas maraming beses na makikita sa Bibliya kumpara sa ibang pangalan. Sa ganitong paraan, lumalapit sa atin si Jehova, anupat hinahayaan niyang makilala natin siya. (Sant. 4:8) Isinisiwalat din ni Jehova ang kaniyang mga katangian—kung anong uri siya ng Diyos. Makikita sa mga bagay sa uniberso ang kapangyarihan at karunungan ni Jehova, pero isinisiwalat din niya sa Bibliya ang kaniyang katarungan, lalo na ang pag-ibig niya sa atin. (Roma 1:20) Gaya siya ng isang ama na hindi lang malakas at marunong kundi makatarungan at maibigin din, kaya naman madali para sa mga anak niya na maging malapít sa kaniya.
10 Para sa kapakanan natin, isinisiwalat din ni Jehova ang katotohanan tungkol sa atin—ang lugar natin sa kaayusan niya. Nakatutulong ito sa kapayapaan at pagkakaisa ng kaniyang pansansinukob na pamilya. Natutuhan natin sa Bibliya na ang mga tao ay hindi nilalang na may karapatang magtakda ng kung ano ang tama at mali at mamuhay nang hiwalay sa Diyos, at na ang pagwawalang-bahala sa mahalagang katotohanang iyan ay magdudulot ng malulungkot na resulta. (Jer. 10:23) Napakahalaga niyan para sa ating ikabubuti. Matatamasa lang natin ang kapayapaan at pagkakaisa kung kikilalanin natin ang awtoridad ng Diyos. Napakamaibigin nga ni Jehova dahil nagpasiya siyang isiwalat ang mahalagang katotohanang ito!
11. Anong pangako ni Jehova ang nagpapakita na mahal niya tayo at nagmamalasakit siya sa atin?
11 Nababahala ang isang maibiging ama sa kinabukasan ng mga anak niya. Gusto niyang magkaroon sila ng tunay at makabuluhang layunin sa buhay. Nakalulungkot, hindi alam ng karamihan kung ano ang mangyayari sa hinaharap, o sinasayang nila ang kanilang buhay sa pag-abot sa mga pangarap na pansamantala lang ang pakinabang. (Awit 90:10) Bilang mga anak ng Diyos, nadarama natin na talagang mahal tayo ni Jehova dahil isang napakagandang kinabukasan ang ipinangako niya sa atin. Iyan ang nagbibigay ng tunay na kahulugan at layunin sa buhay natin.
PINAPAYUHAN AT DINIDISIPLINA NI JEHOVA ANG KANIYANG MGA ANAK
12. Paano makikita sa payo at tagubilin ni Jehova kay Cain at kay Baruc ang pagmamahal at pagmamalasakit niya sa kanila?
12 “Bakit ka nag-iinit sa galit at bakit namamanglaw ang iyong mukha? Kung gagawa ka Gen. 4:6, 7) Isa itong napapanahong payo na may positibong tagubilin. Binabalaan ni Jehova si Cain nang makita niyang tinatahak nito ang isang napakamapanganib na landasin. Nakalulungkot, hindi pinakinggan ni Cain ang babala, at nagdusa siya dahil dito. (Gen. 4:11-13) Nang manghimagod at masiraan ng loob ang kalihim ni Jeremias na si Baruc, pinayuhan siya ni Jehova para makita niya ang pinakaugat ng kaniyang problema. Di-gaya ni Cain, sinunod ni Baruc ang payo ni Jehova kaya naligtas siya.—Jer. 45:2-5.
ng mabuti, hindi ba magkakaroon ng pagkakataas? . . . Mapananaigan mo ba naman [ang kasalanan]?” (13. Bakit pinahihintulutan ni Jehova na dumanas ng pagsubok ang kaniyang tapat na mga lingkod?
13 Isinulat ni Pablo: “Ang iniibig ni Jehova ay dinidisiplina niya; sa katunayan, hinahagupit niya ang bawat isa na kaniyang tinatanggap bilang anak.” (Heb. 12:6) Pero ang disiplina ay hindi laging pagpaparusa. May iba’t ibang anyo ito. Sa Bibliya, maraming tapat na lingkod ang dumanas ng matinding pagsubok na nagsilbing disiplina o pagsasanay sa kanila. Nariyan sina Jose, Moises, at David. Napakalinaw ng ulat ng Bibliya tungkol sa buhay nila. Kapag nababasa natin kung paano sila inalalayan ni Jehova sa mga pagsubok at lubusang ginamit, lalo nating madarama na mahal tayo ni Jehova at nagmamalasakit siya sa atin.—Basahin ang Kawikaan 3:11, 12.
14. Paano natin madaramang mahal tayo ni Jehova kapag dinidisiplina niya tayo?
14 Tinutulungan tayo ng disiplina mula kay Jehova na makita ang isa pang aspekto ng pag-ibig niya. Dinidisiplina ni Jehova ang mga nagkakasala, at kapag nagsisi sila, “magpapatawad siya nang sagana.” (Isa. 55:7) Ano ang ibig sabihin nito? Makikita sa mga sinabi ni David na napakamahabagin ni Jehova: “Siyang nagpapatawad ng lahat ng iyong kamalian, siyang nagpapagaling ng lahat ng iyong karamdaman, siyang bumabawi ng iyong buhay mula sa hukay mismo, siyang nagpuputong sa iyo ng maibiging-kabaitan at kaawaan. Kung gaano kalayo ang sikatan ng araw sa lubugan ng araw, gayon kalayo niya inilalagay mula sa atin ang ating mga pagsalansang.” (Awit 103:3, 4, 12) Lagi nawa tayong maging sensitibo sa payo at disiplina ni Jehova at tumugon agad dito, anupat kinikilalang kapahayagan ito ng kaniyang pag-ibig sa atin.—Awit 30:5.
PINOPROTEKTAHAN TAYO NI JEHOVA
15. Ano ang nagpapakitang napakahalaga kay Jehova ng kaniyang bayan?
15 Priyoridad ng isang maibiging ama na protektahan ang pamilya niya mula sa panganib o anumang posibleng makapinsala sa kanila. Ganiyan din ang ating makalangit na Ama, si Jehova. Sinabi ng salmista tungkol kay Jehova: “Binabantayan niya ang mga kaluluwa ng kaniyang mga matapat; mula sa kamay ng mga balakyot ay inililigtas niya sila.” (Awit 97:10) Bilang halimbawa, hindi ba’t napakahalaga sa iyo ng iyong mga mata? Ganiyan din ang saloobin ni Jehova sa kaniyang bayan. (Basahin ang Zacarias 2:8.) Napakahalaga nila para sa kaniya!
16, 17. Sa anong mga paraan pinoprotektahan ni Jehova ang kaniyang bayan noon at ngayon?
16 Ginagamit ni Jehova ang kaniyang mga anghel para protektahan ang bayan niya. (Awit 91:11) Iniligtas ng isang anghel ang Jerusalem mula sa sumasalakay na mga Asiryano, anupat pumatay ng 185,000 kawal sa loob ng isang gabi. (2 Hari 19:35) Naranasan ng mga apostol na sina Pedro at Pablo at ng iba pa na iligtas ng anghel mula sa bilangguan. (Gawa 5:18-20; 12:6-11) Sa ngayon, tinutulungan din tayo ni Jehova. Isang kinatawan ng punong-tanggapan na dumalaw sa isang sangay sa Africa ang nagreport na ang bansang iyon ay matinding napinsala ng labanan dahil sa politika at relihiyon. Nagdulot ng matinding kaguluhan ang mga engkuwentro, nakawan, panggagahasa, at patayan. Pero wala tayong kapatid na namatay, kahit marami sa kanila ang nawalan ng lahat ng kanilang ari-arian at kabuhayan. Nang kumustahin, nakangiti silang sumagot: “Ayos naman kami, salamat kay Jehova!” Damang-dama nila na mahal sila ng Diyos.
17 Kung minsan, pinahihintulutan ni Jehova na mapatay ng mga kaaway ang tapat na mga lingkod niya, gaya ni Esteban. Pero pinoprotektahan niya ang kaniyang bayan sa pangkalahatan sa pamamagitan ng napapanahong mga babala laban sa mga pakana ni Satanas. (Efe. 6:10-12) Ginagamit niya ang kaniyang Salita at ang salig-Bibliyang mga publikasyon mula sa kaniyang organisasyon para tulungan tayong makita ang katotohanan tungkol sa mapandayang kayamanan, imoral at marahas na libangan, maling paggamit ng Internet, at iba pa. Maliwanag, bilang maibiging Ama, pinoprotektahan ni Jehova ang kaniyang bayan at nagmamalasakit siya sa kanila.
ISANG DAKILANG PRIBILEHIYO
18. Ano ang nadarama mo tungkol sa pag-ibig ni Jehova sa iyo?
18 Matapos talakayin ang ilang paraan kung paano ipinakikita ni Jehova na iniibig niya tayo, tiyak na nadarama natin ang gaya ng nadama ni Moises. Tungkol sa mga taon ng paglilingkod niya kay Jehova, sinabi niya: “Busugin mo kami sa umaga ng iyong maibiging-kabaitan, upang humiyaw kami nang may kagalakan at magsaya sa lahat ng aming mga araw.” (Awit 90:14) Isang dakilang pribilehiyo at pagpapala na maunawaan natin ngayon at maranasan ang pag-ibig ni Jehova. Gaya ni apostol Juan, napakikilos tayong ihayag: “Tingnan ninyo kung anong uri ng pag-ibig ang ibinigay sa atin ng Ama.”—1 Juan 3:1.