Tularan ang Isa na Nangangako ng Buhay na Walang Hanggan
“Maging mga tagatulad kayo sa Diyos, bilang mga anak na minamahal.”—EFE. 5:1.
1. Anong kakayahan ang makatutulong sa atin na matularan si Jehova?
BINIGYAN tayo ni Jehova ng kakayahan na maintindihan ang nadarama ng iba. Kaya nating makini-kinita ang isang sitwasyon na hindi natin nararanasan. (Basahin ang Efeso 5:1, 2.) Paano makatutulong ang kakayahang ito para matularan natin si Jehova? Ano ang dapat nating gawin para hindi ito makasamâ sa atin?
2. Ano ang nadarama ni Jehova kapag nagdurusa tayo?
2 Si Jehova ay nangangako ng isang magandang kinabukasan na wala nang pagdurusa. Imortal na buhay sa langit ang ipinangako niya para sa tapat na mga pinahiran at buhay na walang hanggan sa lupa para sa tapat na “ibang mga tupa.” (Juan 10:16; 17:3; 1 Cor. 15:53) Pero nauunawaan din ni Jehova ang paghihirap na dinaranas natin ngayon, kung paanong naintindihan niya ang pagdurusa ng mga Israelita bilang alipin sa Ehipto. Sa katunayan, “sa lahat ng kanilang kapighatian ay napipighati siya.” (Isa. 63:9) Makalipas ang maraming siglo, nang matakot ang mga Judio sa kanilang mga kaaway noong itinatayong muli ang templo, sinabi ng Diyos: “Siya na humihipo sa inyo ay humihipo sa itim ng aking mata.” (Zac. 2:8) Kung paanong mahal ng isang ina ang kaniyang anak, mahal din ni Jehova ang kaniyang mga lingkod at gusto niyang tulungan sila. (Isa. 49:15) Kaya ni Jehova na maunawaan ang sitwasyon ng iba kahit hindi niya iyon naranasan, at binigyan din niya tayo ng ganiyang kakayahan.—Awit 103:13, 14.
TINULARAN NI JESUS ANG PAG-IBIG NG DIYOS
3. Ano ang nagpapakitang mahabagin si Jesus?
3 Nauunawaan ni Jesus ang nadarama ng iba kahit hindi niya naranasan ang pinagdaraanan nila. Halimbawa, nabubuhay sa takot sa mga lider ng relihiyon ang karaniwang mga tao noon. Dinadaya kasi sila ng mga iyon at pinabibigatan ng maraming batas na gawang-tao lang. (Mat. 23:4; Mar. 7:1-5; Juan 7:13) Kahit hindi natakot o nadaya si Jesus ng mga lider ng relihiyon, naintindihan niya ang nadarama ng mga tao. Kaya naman “pagkakita sa mga pulutong ay nahabag siya sa kanila, sapagkat sila ay nabalatan at naipagtabuyan kung saan-saan tulad ng mga tupang walang pastol.” (Mat. 9:36) Gaya ng kaniyang Ama, maibigin at mahabagin si Jesus.—Awit 103:8.
4. Dahil nauunawaan ni Jesus ang nadarama ng iba, ano ang ginawa niya?
4 Kapag nakikita ni Jesus na nagdurusa ang mga tao, tinutulungan niya sila dahil mahal niya sila. Katulad na katulad siya ng kaniyang Ama. Minsan, matapos maglakbay nang malayo para mangaral, si Jesus at ang mga apostol niya ay papunta na sana sa isang tahimik na lugar para magpahinga. Pero dahil naawa siya sa mga taong naghihintay sa kaniya, “nagsimula siyang magturo sa kanila ng maraming bagay.”—Mar. 6:30, 31, 34.
TULARAN ANG PAG-IBIG NI JEHOVA
5, 6. Para matularan ang pag-ibig ng Diyos, ano ang dapat nating gawin? Ilarawan. (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
5 Matutularan natin ang pag-ibig ni Jehova kapag nakikitungo sa ating kapuwa. Bilang paglalarawan: Ipagpalagay na iniisip ng isang kabataang Kristiyano, na tatawagin nating Alan, ang isang brother na may-edad na at hiráp nang magbasa dahil malabo na ang mata. Hiráp na rin itong maglakad kapag nagbabahay-bahay. Naalaala ni Alan ang sinabi ni Jesus: “Kung ano ang ibig ninyong gawin ng mga tao sa inyo, gayundin ang gawin ninyo sa kanila.” (Luc. 6:31) Tinanong ni Alan ang sarili niya, ‘Ano ba ang gusto kong gawin sa akin ng iba?’ Ang sagot niya, ‘Gusto kong isali nila ako kapag naglalaro sila ng basketball!’ Pero sa sitwasyon ng may-edad nang brother, kaya pa ba niyang na maglaro ng basketball? Kaya ipinahihiwatig ng sinabi ni Jesus na ganito ang dapat nating itanong sa ating sarili, ‘Kung ako ang nasa sitwasyon ng brother na iyon, ano ba ang gusto kong gawin ng iba sa akin?’
6 Kahit kabataan pa lang si Alan, kaya niyang maunawaan ang mga bagay na hindi niya nararanasan. Naglaan siya ng oras para makasama ang may-edad nang brother at may pagmamalasakit na pinakinggan ito. Unti-unting naunawaan ni Alan ang pinagdaraanan ng isang may-edad, na nahihirapan nang magbasa ng Bibliya at magbahay-bahay. Nang madama ni Alan ang nadarama ng brother, nakita niya kung paano ito tutulungan, at ginusto niyang tumulong. Magagawa rin natin iyan. Para matularan ang pag-ibig ng Diyos, dapat nating ilagay ang ating sarili sa sitwasyon ng iba.—1 Cor. 12:26.
7. Paano natin maaaring maintindihan ang pinagdaraanan ng iba?
7 Hindi laging madaling maintindihan ang pinagdaraanan ng iba. Marami sa mga ito ang hindi pa natin nararanasan. Baka sakit o epekto ng pagtanda ang iniinda ng ilan. Depresyon, panic attack, o trauma naman ang pinaglalabanan ng iba. Baka hindi Saksi ang mga kapamilya ng isa. O baka isang magulang lang ang nagtataguyod sa pamilya. Lahat Roma 12:15; 1 Pedro 3:8.
tayo ay may mga problema, at madalas na magkakaiba ito. Kaya sa gayong sitwasyon, paano natin matutularan ang pag-ibig ng Diyos? Makinig na mabuti at sikaping maintindihan ang nadarama ng iba. Mapakikilos tayo nito na tumulong ayon sa pangangailangan ng iba bilang pagtulad sa pag-ibig ni Jehova. Hindi pare-pareho ang pangangailangan ng bawat indibiduwal, pero maaari tayong makapagbigay ng espirituwal na pampatibay-loob at iba pang praktikal na tulong.—Basahin angTULARAN ANG KABAITAN NI JEHOVA
8. Ano ang nakatulong kay Jesus na magpakita ng kabaitan?
8 Sinabi ng Anak ng Diyos na ang “Kataas-taasan . . . ay mabait sa mga walang utang-na-loob at balakyot.” (Luc. 6:35) Tinularan mismo ni Jesus ang kabaitan ng Diyos. Ano ang nakatulong sa kaniya na magawa iyon? Iniisip ni Jesus kung paano makaaapekto sa damdamin ng iba ang sasabihin at gagawin niya. Halimbawa, isang makasalanang babae ang lumapit sa kaniya. Umiiyak ito at binasâ ng luha ang mga paa ni Jesus. Naunawaan ni Jesus na nagsisisi ang babae, at alam niyang lalong masasaktan ang damdamin nito kung itataboy niya ito. Kaya pinuri niya ang babae at pinatawad. Nang hindi nagustuhan ng isang Pariseo ang nangyari, kinausap din siya ni Jesus sa mabait na paraan.—Luc. 7:36-48.
9. Ano ang makatutulong sa atin na matularan ang kabaitan ng Diyos? Magbigay ng halimbawa.
9 Paano natin matutularan ang kabaitan ng Diyos? Isinulat ni apostol Pablo: “Ang alipin ng Panginoon ay hindi kailangang makipag-away, kundi kailangang maging banayad sa lahat.” (2 Tim. 2:24) Sa maselang sitwasyon, alam ng taong mataktika ang gagawin niya para hindi makasakit ng damdamin. Isipin kung paano ka magpapakita ng kabaitan sa ganitong mga sitwasyon: Hindi nagtatrabaho nang maayos ang supervisor ninyo. Ano ang gagawin mo? Isang brother na ilang buwan nang hindi dumadalo ang biglang dumalo sa pulong. Ano ang sasabihin mo sa kaniya? Sa ministeryo, sinabi ng may-bahay, “Marami akong ginagawa, wala akong oras na makipag-usap ngayon.” Magiging makonsiderasyon ka ba? Sa bahay naman, tinanong ka ng asawa mo, “Ba’t ’di mo sinabi sa ’kin na may plano ka pala sa Sabado?” Sasagot ka ba nang mahinahon? Kung uunawain natin ang damdamin ng iba at iisipin ang magiging epekto sa kanila ng sasabihin natin, malalaman natin kung paano tayo makikipag-usap at makikitungo nang may kabaitan tulad ni Jehova.—Basahin ang Kawikaan 15:28.
TULARAN ANG KARUNUNGAN NI JEHOVA
10, 11. Ano ang makatutulong sa atin na matularan ang karunungan ng Diyos? Magbigay ng halimbawa.
10 Ang kakayahan nating maunawaan ang isang sitwasyon na hindi pa natin nararanasan ay makatutulong sa atin na matularan ang karunungan ni Jehova at makita ang magiging resulta ng gagawin natin. Karunungan ang isang pangunahing katangian ni Jehova. Kung gugustuhin niya, makikita niya ang lahat ng magiging resulta ng isang pagkilos. Hindi man ganiyan ang kakayahan natin, makatutulong kung iisipin natin ang puwedeng ibunga ng mga gagawin natin. Hindi iniisip ng mga Israelita ang kahihinatnan ng pagsuway nila sa Diyos ni ang mga ginawa Niya para sa kanila. Kaya alam ni Moises na gagawin ng mga Israelita ang masama sa paningin ni Jehova. Sinabi niya: “Sila ay isang bansa na sa kanila ay naglalaho ang payo, at sa gitna nila ay walang unawa. O kung sana ay marunong sila! Kung gayon ay magmumuni-muni sila tungkol dito. Pag-iisipan nila ang kanilang huling wakas.”—Deut. 31:29, 30; 32:28, 29.
11 Para matularan ang karunungan ng Diyos, isip-isipin kung ano ang puwedeng Kaw. 22:3.
maging resulta ng gagawin natin. Halimbawa, kapag nakikipag-date, kailangan nating kilalanin na malakas ang tukso. Kaya iwasang gumawa ng mga plano o anumang bagay na magsasapanganib sa napakahalagang kaugnayan natin kay Jehova! Kumilos kaayon ng sinasabi ng Bibliya: “Matalino ang nakakakita ng kapahamakan at nagkukubli, ngunit ang mga walang-karanasan ay dumaraan at daranas ng kaparusahan.”—KONTROLIN ANG INIISIP MO
12. Paano puwedeng makasamâ sa atin ang mga iniisip natin?
12 Alam ng isang matalinong tao na, gaya ng apoy, puwedeng makabuti o makasamâ sa kaniya ang mga iniisip niya. Napakikinabangan natin ang apoy sa pagluluto ng pagkain. Pero kung hindi makokontrol, kaya nitong lamunin ang buong bahay na puwede pa ngang ikamatay ng mga nakatira doon. Sa katulad na paraan, nakabubuti sa atin ang mga iniisip natin kapag tinutulungan tayo nito na tularan si Jehova. Pero nakasasamâ ito kapag imoral na mga pagnanasa ang sinasapatan nito. Halimbawa, kung ang laging naglalaro sa isipan natin ay imoralidad o masasamang bagay, darating ang panahon na aktuwal na nating magagawa iyon. Oo, puwede nating ikamatay sa espirituwal ang pagpapakasasa sa imoral na kaisipan!—Basahin ang Santiago 1:14, 15.
13. Ano ang posibleng hinayaan ni Eva na maglaro sa isipan niya?
13 Isaalang-alang kung paano tumubo sa unang babaeng si Eva ang pagnanasang kainin ang ipinagbabawal na bunga ng “punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.” (Gen. 2:16, 17) Sinabi ng serpiyente kay Eva: “Tiyak na hindi kayo mamamatay. Sapagkat nalalaman ng Diyos na sa mismong araw na kumain kayo mula roon ay madidilat nga ang inyong mga mata at kayo nga ay magiging tulad ng Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.” Pagkatapos, “nakita [ni Eva] na ang punungkahoy ay mabuting kainin at na iyon ay kapana-panabik sa mga mata.” Ano ang naging resulta? “Siya ay nagsimulang kumuha ng bunga niyaon at kinain iyon. Pagkatapos ay binigyan din niya ang kaniyang asawa nang kasama na niya at nagsimula itong kumain niyaon.” (Gen. 3:1-6) Lumilitaw na nagustuhan ni Eva at hinayaan niyang maglaro sa isipan niya ang sinabi ni Satanas—siya na mismo ang magdedesisyon kung ano ang mabuti at masama. Malaking kapahamakan ang ibinunga nito! Sa pamamagitan ng nagkasala niyang asawa, si Adan, “ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan.”—Roma 5:12.
14. Paano tayo matutulungan ng Bibliya na maiwasan ang imoral na gawain?
14 Totoo, hindi seksuwal na imoralidad Mat. 5:28) Nagbabala rin si Pablo: “Huwag magplano nang patiuna para sa mga pagnanasa ng laman.”—Roma 13:14.
ang naging kasalanan ni Eva. Pero nagbabala si Jesus laban sa pagbubulay-bulay sa imoral na gawain. Sinabi niya: “Ang bawat isa na patuloy na tumitingin sa isang babae upang magkaroon ng masidhing pagnanasa sa kaniya ay nangalunya na sa kaniya sa kaniyang puso.” (15. Anong uri ng kayamanan ang dapat nating imbakin, at bakit?
15 Mapanganib din kung papangarapin ng isa na yumaman at dahil dito ay hindi na siya gaanong makapaglilingkod sa Diyos. Ang totoo, ang kayamanan ng isang tao ay “gaya ng pananggalang na pader sa kaniyang guniguni.” (Kaw. 18:11) Ikinuwento ni Jesus ang tungkol sa malungkot na nangyari sa isang taong ‘nag-imbak ng kayamanan para sa kaniyang sarili ngunit hindi mayaman sa Diyos.’ (Luc. 12:16-21) Napasasaya natin si Jehova kapag ginagawa natin ang mga bagay na nakalulugod sa kaniya. (Kaw. 27:11) Hindi ba’t napakasaya rin natin kapag alam nating sinasang-ayunan tayo ni Jehova dahil nag-iimbak tayo ng “kayamanan sa langit”? (Mat. 6:20) Ang magandang kaugnayan kay Jehova ang pinakamahalagang kayamanan na puwede nating taglayin.
KONTROLIN ANG PAG-AALALA
16. Ano ang makatutulong para makontrol ang pag-aalala?
16 Kung magpopokus ka sa pag-iimbak ng “kayamanan sa lupa,” isip-isipin kung gaano karami ang poproblemahin mo. (Mat. 6:19) Gumamit si Jesus ng ilustrasyon para ipakita na dahil ‘sa kabalisahan ng sistemang ito ng mga bagay at mapanlinlang na kapangyarihan ng kayamanan,’ maaaring mahirapan ang isa na unahin ang Kaharian. (Mat. 13:18, 19, 22) May mga tao na laging nag-aalala tungkol sa masasamang bagay na puwedeng mangyari. Pero ang patuloy na pag-aalala ay nakasasamâ sa pisikal at espirituwal. Magtiwala tayo kay Jehova at tandaan na “ang pagkabalisa sa puso ng tao ang siyang magpapayukod nito, ngunit ang mabuting salita ang siyang nagpapasaya nito.” (Kaw. 12:25) Ang pakikipag-usap sa mga taong nakaiintindi sa atin, halimbawa sa magulang, asawa, o pinagkakatiwalaang kaibigan, na may pananaw na gaya ng kay Jehova, ay makatutulong para mabawasan ang pag-aalala.
17. Paano tayo tinutulungan ni Jehova kapag nag-aalala tayo?
17 Higit kaninuman, si Jehova ang mas nakauunawa sa nadarama natin. “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay,” ang isinulat ni Pablo, “kundi sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat ay ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa inyong mga puso at sa inyong mga kakayahang pangkaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.” (Fil. 4:6, 7) Kaya kapag nag-aalala, isipin ang mga tumutulong sa atin para maprotektahan tayo sa espirituwal—ang mga kapananampalataya natin, mga elder, ang tapat na alipin, mga anghel, si Jesus, at si Jehova mismo.
18. Paano makatutulong sa atin ang mga iniisip natin?
18 Gaya ng natutuhan natin, makatutulong ang mga iniisip natin para matularan ang mga katangian ng Diyos, gaya ng pag-ibig. (1 Tim. 1:11; 1 Juan 4:8) Magiging maligaya tayo kung magpapakita tayo ng tunay na pag-ibig, iisipin ang magiging resulta ng ating mga gagawin, at iiwasan ang laging pag-aalala na mag-aalis ng ating kagalakan. Kaya gamitin natin ang ating bigay-Diyos na kakayahan na makini-kinita ang pag-asa sa hinaharap at tularan natin ang pag-ibig, kabaitan, karunungan, at kaligayahan ni Jehova.—Roma 12:12.