100 Taon ng Kaharian —Paano Nakaaapekto sa Iyo?
“Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa, Diyos na Jehova, . . . Haring walang hanggan.”
1, 2. Ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos? Bakit tayo nagtitiwalang darating ang Kaharian?
NOONG tagsibol ng 31 C.E., sa isang bundok malapit sa Capernaum, tinuruan ni Jesu-Kristo ang kaniyang mga tagasunod na ipanalangin: “Dumating nawa ang iyong kaharian.” (Mat. 6:10) Sa ngayon, marami ang nag-aalinlangan sa pagdating ng Kaharian. Pero nagtitiwala tayo na sasagutin ang taimtim na panalangin nating dumating nawa ang Kaharian ng Diyos.
2 Gagamitin ni Jehova ang Kaharian para pagkaisahin ang kaniyang pamilya sa langit at sa lupa. Matutupad ang layuning iyan ng Diyos. (Isa. 55:
KUMILOS NA ANG HARING INILUKLOK NI JEHOVA
3. (a) Kailan iniluklok si Jesus bilang Hari, at saan? (b) Paano mo patutunayang ang Kaharian ay itinatag noong 1914? (Tingnan ang talababa.)
3 Sa pagtatapos ng ika-19 na siglo, naging malinaw sa mga lingkod ng Diyos ang hulang isinulat ni Daniel mahigit 2,500 taon na ang nakaraan: “Sa mga araw ng mga haring iyon ay magtatatag ang Diyos ng langit ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman.” (Dan. 2:44) Ilang dekada nang itinuturo ng mga Estudyante ng Bibliya na ang 1914 ay magiging isang natatanging taon. Noong panahong iyon, marami ang optimistiko tungkol sa hinaharap. Sinabi ng isang manunulat: “Ang daigdig ng 1914 ay punô ng pag-asa at pangako.” Pero nang sumiklab ang Digmaang Pandaigdig I bago matapos ang taon, natupad ang hula ng Bibliya. Pinatunayan ng kasunod na mga taggutom, lindol, epidemya, at ng iba pang natupad na hula ng Bibliya na nagsimula nang mamahala sa langit si Jesu-Kristo bilang Hari ng Kaharian ng Diyos noong 1914. * Oo, nang iluklok ng Diyos ang kaniyang Anak bilang Mesiyanikong Hari, si Jehova ay naging Hari sa isang bagong diwa!
4. Ano ang unang ginawa ng bagong-luklok na Hari? Pagkatapos nito, kanino niya itinuon ang kaniyang pansin?
4 Ang unang ginawa ng bagong-luklok na Hari ay makipagdigma kay Satanas, ang pinakamahigpit na Kalaban ng kaniyang Ama. Pinalayas ni Jesus at ng kaniyang mga anghel mula sa langit ang Diyablo at ang mga demonyo. Dahil dito, nagkaroon ng malaking pagsasaya sa langit, pero nagdulot ito ng walang-katulad na pagdurusa sa lupa. (Basahin ang Apocalipsis 12:
DINADALISAY NG MESIYANIKONG HARI ANG KANIYANG TAPAT NA MGA SAKOP
5. Anong paglilinis ang naganap mula 1914 hanggang noong mga unang buwan ng 1919?
5 Matapos linisin ni Jesus ang langit mula sa masamang impluwensiya ni Satanas at ng mga demonyo, inatasan ni Jehova si Jesus na suriin at dalisayin ang espirituwal na kalagayan ng kaniyang mga tagasunod sa lupa. Inilarawan ito ni propeta Malakias bilang espirituwal na paglilinis. (Mal. 3:
6. Paano inilalaan ang espirituwal na pagkain? Bakit napakahalaga ng pagkaing ito?
6 Pagkatapos, ginamit ni Jesus ang kaniyang awtoridad bilang Hari para mag-atas ng “tapat at maingat na alipin.” Ang aliping ito ay maglalaan ng regular na suplay ng espirituwal na pagkain sa lahat ng kabilang sa “isang kawan” na pinangangalagaan ni Jesus. (Mat. 24:
TINUTURUAN NG HARI ANG KANIYANG MGA SAKOP NA MANGARAL SA BUONG DAIGDIG
7. Anong mahalagang gawain ang sinimulan ni Jesus noong narito siya sa lupa? Hanggang kailan ito magpapatuloy?
7 Nang simulan ni Jesus ang kaniyang ministeryo sa lupa, sinabi niya: “Sa ibang mga lunsod din ay dapat kong ipahayag ang mabuting balita ng kaharian ng Diyos, sapagkat sa dahilang ito ako isinugo.” (Luc. 4:43) Sa loob ng tatlo at kalahating taon, ang gawaing ito ang priyoridad ni Jesus. Tinagubilinan niya ang kaniyang mga alagad: “Samantalang humahayo kayo, mangaral, na sinasabi, ‘Ang kaharian ng langit ay malapit na.’ ” (Mat. 10:7) Matapos buhaying muli, inihula ni Jesus na ipangangaral ng mga tagasunod niya ang mensaheng ito “hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.” (Gawa 1:8) Nangako siyang susuportahan niya mismo ang napakahalagang gawaing ito hanggang sa ating panahon.
8. Paano pinakilos ng Hari ang kaniyang mga sakop sa lupa?
8 Pagsapit ng 1919, naging mas makahulugan ang ‘mabuting balita ng kaharian.’ (Mat. 24:14) Samantalang namamahala mula sa langit, tinipon ng Hari ang isang maliit na grupo ng nilinis na mga sakop sa lupa. May-pananabik silang tumugon sa malinaw na tagubilin ni Jesus: Ipangaral sa buong lupa ang mabuting balita tungkol sa itinatag na Kaharian ng Diyos! (Gawa 10:42) Halimbawa, noong Setyembre 1922, halos 20,000 tagapagtaguyod ng Kaharian ang nagtipon sa internasyonal na kombensiyon sa Cedar Point, Ohio, E.U.A. Isip-isipin ang kagalakan nila nang bigkasin ni Brother Rutherford ang pahayag na “The Kingdom” at sabihin: “Masdan, namamahala na ang Hari! Kayo ang kaniyang mga kinatawang tagapagbalita. Kung gayon, ianunsiyo, ianunsiyo, ianunsiyo, ang Hari at ang kaniyang kaharian.” Bilang pagtugon, 2,000 delegado ang nakibahagi sa isang espesyal na “Service Day,” at ang ilan ay naglakbay pa nga nang hanggang 72 kilometro mula sa lugar ng kombensiyon para mangaral. Isang delegado ang nagsabi: “Hinding-hindi ko malilimutan ang panawagang ianunsiyo ang Kaharian at ang sigasig ng lahat ng naroroon!” Ganoon din ang nadama ng iba.
9, 10. (a) Anong mga kaayusan ang ginawa para sanayin ang mga tagapaghayag ng Kaharian? (b) Paano ka personal na nakinabang sa pagsasanay na ito?
9 Pagsapit ng 1922, mahigit nang 17,000 tagapaghayag ng Kaharian ang nangangaral sa 58 lupain sa buong mundo. Pero kailangan silang sanayin. Noong unang siglo, ang Haring Itinalaga ay nagbigay sa kaniyang mga alagad ng malinaw na tagubilin kung ano ang ipangangaral, kung saan, at kung paano ito gagawin. (Mat. 10:
10 May mga paaralan ding itinatag para sanayin ang mga elder sa kongregasyon, mga payunir, mga brother na walang asawa, mga mag-asawa, mga miyembro ng Komite ng Sangay at ang kanilang asawa, mga naglalakbay na tagapangasiwa at ang kanilang asawa, at mga misyonero. * Bilang pagpapahalaga, ang mga estudyante ng isang klase ng Bible School for Christian Couples ay nagsabi: “Dahil sa pantanging pagsasanay na tinanggap namin, lumalim ang pag-ibig namin kay Jehova at naging mas kuwalipikado kaming tumulong sa iba.”
11. Sa kabila ng pagsalansang, paano patuloy na nakapangangaral ang mga tagapaghayag ng Kaharian?
11 Ang malawakang pangangaral at pagtuturong ito ay nakikita ni Satanas. Gumagamit siya ng tuwiran at di-tuwirang pag-atake para hadlangan ang mensahe ng Kaharian at ang mga mensahero nito. Pero hindi siya magtatagumpay. Iniluklok ni Jehova ang kaniyang Anak nang “lubhang mataas pa sa bawat pamahalaan at awtoridad at kapangyarihan at pagkapanginoon.” (Efe. 1:
INOORGANISA NG HARI ANG KANIYANG MGA SAKOP PARA SA HIGIT PANG GAWAIN
12. Ilarawan ang ilang pagdadalisay sa organisasyon mula nang itatag ang Kaharian.
12 Mula nang itatag ang Kaharian noong 1914, dinalisay ng Hari ang paraan ng pagkakaorganisa ng mga lingkod ng Diyos para gawin ang kalooban ng kaniyang Ama. (Basahin ang Isaias 60:17.) Noong 1919, nagsimula ang pag-aatas ng isang service director sa bawat kongregasyon para manguna sa pangangaral. Noong 1927, sinimulan ang regular na pagbabahay-bahay sa araw ng Linggo. Noong 1931, ang mga tagapagtaguyod ng Kaharian ay napakilos para sa higit pang gawain nang tanggapin nila ang pangalang Mga Saksi ni Jehova. (Isa. 43:
13. Paano nakaaapekto sa iyo ang mga naisagawa ng Kaharian sa 100 taon ng pamamahala nito?
13 Isip-isipin ang mga naisagawa ng Mesiyanikong Hari sa unang 100 taon ng kaniyang pamamahala. Nilinis niya ang isang bayan para sa pangalan ni Jehova. Pinatnubayan niya ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian sa 239 na lupain at tinuruan ang milyun-milyon tungkol sa mga daan ni Jehova. Pinagkaisa niya ang mahigit pitong milyong tapat na sakop, na bawat isa ay kusang-loob na naghahandog ng sarili para gawin ang kalooban ng kaniyang Ama. (Awit 110:3) Oo, ang mga gawa ni Jehova sa pamamagitan ng Mesiyanikong Kaharian ay dakila at kamangha-mangha. At marami pang kapana-panabik na pangyayari ang magaganap!
MGA PAGPAPALANG IDUDULOT NG MESIYANIKONG KAHARIAN
14. (a) Ano ang hinihiling natin sa Diyos kapag ipinananalangin natin: “Dumating nawa ang iyong kaharian”? (b) Ano ang ating taunang teksto para sa 2014, at bakit ito angkop?
14 Kahit nailuklok na ni Jehova ang kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, bilang Mesiyanikong Hari noong 1914, hindi pa ito ang lubos na sagot sa panalanging “dumating nawa ang iyong kaharian.” (Mat. 6:10) Inihula sa Bibliya na si Jesus ay ‘manunupil sa gitna ng kaniyang mga kaaway.’ (Awit 110:2) Sinasalansang pa rin ng mga gobyerno ng tao na kontrolado ni Satanas ang Kaharian. Kapag ipinananalangin natin na dumating nawa ang Kaharian ng Diyos, hinihiling natin sa Diyos na wakasan na ng Mesiyanikong Hari at ng kaniyang mga kasamang tagapamahala ang pamamahala ng tao at alisin ang mga sumasalansang sa Kaharian. Ito ang magiging katuparan ng sinasabi sa Daniel 2:44 na ‘dudurugin at wawakasan ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng kahariang ito.’ Lilipulin ng Kaharian ang mga pulitikal na kaaway nito. (Apoc. 6:
Ang ating taunang teksto para sa 2014: “Dumating nawa ang iyong kaharian.”
15, 16. (a) Anong kapana-panabik na mga pangyayari ang magaganap sa loob ng Sanlibong Taóng Paghahari? (b) Ano ang huling gagawin ni Jesus bilang Mesiyanikong Hari? Ano ang magiging kahulugan niyan tungkol sa layunin ni Jehova para sa lahat ng kaniyang nilalang?
15 Matapos puksain ng Mesiyanikong Hari ang mga kaaway ng Diyos, ihahagis niya si Satanas at ang mga demonyo sa kalaliman at ikukulong sa loob ng isang libong taon. (Apoc. 20:
16 Pagkatapos ng Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo, naisagawa na ng Mesiyanikong Kaharian ang layunin nito. Sa panahong iyon, ibibigay ni Jesus ang Kaharian sa kaniyang Ama. (Basahin ang 1 Corinto 15:
17. Ano ang determinado mong gawin para sa Kaharian?
17 Ang kahanga-hangang mga pangyayari sa 100 taon ng pamamahala ng Kaharian ay katibayan na kontrolado ni Jehova ang mga bagay-bagay at na matutupad ang kaniyang layunin sa lupa. Patuloy nawa tayong maging tapat na sakop niya at mangaral tungkol sa Hari at sa kaniyang Kaharian, habang lubos na nagtitiwalang malapit nang sagutin ni Jehova ang ating marubdob na panalangin: “Dumating nawa ang iyong kaharian”!
^ par. 3 Tingnan ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? pahina 88-92.
^ par. 10 Tingnan ang Bantayan, Setyembre 15, 2012, pahina 13-17, “Mga Paaralang Teokratiko
^ par. 11 Para sa ilang halimbawa ng tagumpay sa korte sa iba’t ibang bansa, tingnan ang Bantayan, Disyembre 1, 1998, pahina 19-22.