Iginagalang ng mga Tunay na Kristiyano ang Salita ng Diyos
“Ang iyong salita ay katotohanan.”—JUAN 17:17.
1. Nang una mong makausap ang mga Saksi ni Jehova, ano ang napansin mong ipinagkaiba nila sa ibang relihiyon?
ANO ang natatandaan mo nang una mong makausap ang mga Saksi ni Jehova? Marami ang magsasabing humanga sila dahil ginamit ng mga Saksi ang Bibliya sa pagsagot sa lahat ng tanong nila. Tuwang-tuwa tayong malaman kung ano ang layunin ng Diyos para sa lupa, kung ano ang kalagayan ng mga patay, at kung ano ang pag-asa ng mga namatay nating mahal sa buhay!
2. Bakit mo pinahahalagahan ang Bibliya?
2 Nang maglaon, natutuhan natin na hindi lang sinasagot ng Bibliya ang ating mga tanong tungkol sa buhay, kamatayan, at kinabukasan. Napatunayan din natin na ang Bibliya ang pinakakapaki-pakinabang na aklat sa daigdig. Hindi kumukupas ang payo nito, at ang mga sumusunod dito ay nagiging maligaya at matagumpay. (Basahin ang Awit 1:1-3.) Noon pa man, tinatanggap na ng mga tunay na Kristiyano ang Bibliya, “hindi bilang salita ng mga tao, kundi, gaya ng kung ano nga ito sa totoo, bilang ang salita ng Diyos.” (1 Tes. 2:13) Balikan natin ang kasaysayan para makita ang pagkakaiba ng mga may paggalang sa Salita ng Diyos at ng mga walang paggalang dito.
NALUTAS ANG ISANG KONTROBERSIYAL NA USAPIN
3. Anong usapin ang naging banta sa pagkakaisa ng unang-siglong kongregasyong Kristiyano? Bakit mahirap itong lutasin?
3 Sa loob ng 13 taon mula nang pahiran ng espiritu ang unang di-tuling Kristiyanong Gentil na si Cornelio, may usapin na naging banta sa pagkakaisa ng kongregasyong Kristiyano. Parami nang paraming Gentil ang nagiging Kristiyano. Dapat bang tuliin ang mga lalaking Gentil ayon sa kaugaliang Judio bago sila bautismuhan? Para sa mga Gal. 2:11-14.
Judio, mahirap sagutin iyan. Ni hindi maatim ng mga Judiong sumusunod sa Kautusan na pumasok sa bahay ng mga Gentil, gaano pa kaya ang makipagsamahan sa mga ito! Pinag-usig na nang husto ang mga Judiong Kristiyano dahil tinalikuran nila ang Judaismo. Kung tatanggapin nila ang mga di-tuling Gentil, lalong lálaki ang agwat sa pagitan nila at ng mga Judiong aktibo sa Judaismo, at lalo silang pag-uusigin ng mga ito.—4. Sino ang nagtipon para lutasin ang usapin? Anong mga tanong ang maaaring bumangon?
4 Noong 49 C.E., ang mga apostol at matatandang lalaki sa Jerusalem, na pawang mga tuling Judio, ay “nagtipon upang tingnan ang tungkol sa bagay na ito.” (Gawa 15:6) Hindi ito isang nakababagot na debate sa relihiyon kundi isang masiglang talakayan tungkol sa mga turo ng Bibliya. Pinag-usapan ang paninindigan ng magkabilang panig. Mananaig kaya ang pansariling kagustuhan at opinyon nila? Maghihintay kaya ang matatandang lalaki hanggang sa bumuti ang sitwasyon ng mga Kristiyano sa Israel bago sila magpasiya? O makikipagkompromiso na lang ang magkabilang panig para may mapagkasunduan?
5. Sa anu-anong paraan naiiba ang pagtitipon sa Jerusalem noong 49 C.E. sa mga konsilyo ng simbahan?
5 Sa ngayon, palasak ang pakikipagkompromiso at pangangampanya sa mga konsilyo ng simbahan. Pero sa pagtitipon na iyon sa Jerusalem, walang nakipagkompromiso, at wala ring naganap na pangangampanya. Sa kabila nito, nagkaisa sila sa kanilang pasiya. Bakit? Bagaman matatag ang paninindigan ng mga naroroon, lahat sila ay may paggalang sa Salita ng Diyos, at ginamit nila ang Kasulatan para lutasin ang usapin.—Basahin ang Awit 119:97-101.
6, 7. Paano ginamit ang Kasulatan para lutasin ang usapin sa pagtutuli?
6 Nakatulong sa paglutas ng usapin ang Amos 9:11, 12. Sinipi ito sa Gawa 15:16, 17, na nagsasabi: “Babalik ako at muling itatayo ang kubol ni David na nakabuwal; at itatayo kong muli ang mga guho nito at muli itong ititindig, upang may-pananabik na hanapin si Jehova niyaong mga nalabi sa mga tao, kasama ng mga tao ng lahat ng mga bansa, mga taong tinatawag ayon sa aking pangalan, sabi ni Jehova.”
7 Baka may magsabi, ‘Pero hindi naman sinasabi ng tekstong iyan na hindi na kailangang magpatuli ang mga mananampalatayang Gentil.’ Tama naman iyan; pero naiintindihan na ito ng mga Judiong Kristiyano. Hindi ‘tao ng mga bansa’ ang turing nila sa mga tuling Gentil kundi mga kapatid. (Ex. 12:48, 49) Halimbawa, sa salin ni Bagster sa Septuagint, ganito ang sabi ng Esther 8:17: “Marami sa mga Gentil ang nagpatuli, at naging mga Judio.” Kaya nang sabihin ng Kasulatan na yaong mga nalabi sa sambahayan ng Israel (mga Judio at mga tuling proselitang Judio) kasama ng “mga tao ng lahat ng mga bansa” (di-tuling mga Gentil) ay magiging isang bayan ukol sa pangalan ng Diyos, malinaw ang mensahe. Hindi na kailangang magpatuli ang mga Gentil na nagnanais maging Kristiyano.
8. Bakit kailangan ang lakas ng loob sa pagsuporta sa nabuong pasiya?
8 Sa tulong ng Salita ng Diyos at ng kaniyang espiritu, ang taimtim na mga Kristiyanong iyon ay sumapit sa “lubos na pagkakaisa.” (Gawa 15:25) Dahil sa pasiyang ito, baka tumindi ang pag-uusig sa mga Judiong Kristiyano. Pero lubusang sinuportahan ng tapat na mga Kristiyano ang tagubiling ito na salig sa Bibliya.—Gawa 16:4, 5.
NAPAKALAKING PAGKAKAIBA
9. Ano ang isang pangunahing dahilan kung bakit nadungisan ang tunay na pagsamba, at anong mahalagang turo ang pinilipit?
9 Inihula ni apostol Pablo na pagkamatay ng 2 Tesalonica 2:3, 7.) Kabilang sa mga hindi manghahawakan sa “nakapagpapalusog na turo” ang ilan na may pananagutan sa kongregasyon. (2 Tim. 4:3) Nagbabala si Pablo sa matatanda noong panahon niya: “Mula sa inyo mismo ay may mga taong babangon at magsasalita ng mga bagay na pilipit at ilalayo ang mga alagad upang pasunurin sa kanila.” (Gawa 20:30) Ipinaliwanag ng The New Encyclopædia Britannica ang isang pangunahing dahilan kung bakit nakapasok sa kongregasyon ang mga bulaang turo: “Ang mga Kristiyano na nag-aral ng pilosopiyang Griego ay nakadama ng pangangailangang ipahayag ang kanilang pananampalataya ayon sa pilosopiyang ito, kapuwa upang mabigyang-kasiyahan ang kanilang kaisipan at upang makumberte ang may pinag-aralang mga pagano.” Ang isang mahalagang turo na hinaluan ng paganong konsepto ay ang pagkakakilanlan ni Jesu-Kristo. Sa Bibliya, tinatawag siyang Anak ng Diyos, pero itinuro ng mga tagapagtaguyod ng pilosopiyang Griego na siya ang Diyos.
mga apostol, ang pananampalatayang Kristiyano ay mababahiran ng mga bulaang turo. (Basahin ang10. Paano sana nalutas ang usapin tungkol sa pagkakakilanlan ni Kristo?
10 Pinagdebatehan ang turong ito sa maraming konsilyo ng simbahan. Madali sanang nalutas ang usapin kung nanghawakan sa Kasulatan ang mga delegado. Pero sarado na ang isip ng karamihan bago pa man sila dumating sa mga konsilyo, at nang matapos ang mga ito, lalo pa silang nagmatigas sa kanilang paninindigan. Halos hindi nga nila sinangguni ang Kasulatan sa paggawa ng mga desisyon.
11. Paano naging mas matimbang ang awtoridad ng tinatawag na mga Ama ng Simbahan, at bakit?
11 Bakit hindi sila gaanong sumangguni sa Kasulatan? Ipinaliwanag ng iskolar na si Charles Freeman na ang mga naniniwala na si Jesus ang Diyos ay “nahirapang pabulaanan ang maraming pananalita ni Jesus na nagpapahiwatig na nakabababa siya sa Diyos Ama.” Kaya naman, naging mas mahalaga sa kanila ang tradisyon ng simbahan at opinyon ng tao kaysa sa mga Ebanghelyo. Hanggang sa ngayon, mas pinahahalagahan ng maraming klero ang opinyon ng tinatawag na mga Ama ng Simbahan kaysa sa Salita ng Diyos! Mapapansin mo iyan kapag nakausap mo ang isang seminarista tungkol sa doktrina ng Trinidad.
12. Anong impluwensiya ang taglay ng emperador?
12 Napakalaki rin ng impluwensiya ng mga Romanong emperador sa mga konsilyong iyon. Ganito ang isinulat ni Propesor Richard E. Rubenstein hinggil sa Konsilyo ng Nicaea: “Pinaboran at pinayaman . . . nang labis-labis ni Constantine [ang mga obispo]. Sa loob lang ng wala pang isang taon, isinauli o muling itinayo ng bagong emperador ang halos lahat ng simbahan nila, isinauli ang mga trabaho at karangalang kinuha sa kanila . . . Binigyan niya ang mga klerigong Kristiyano ng mga pribilehiyong dating ibinibigay sa paganong mga saserdote.” Dahil dito, “nasa posisyon si Constantine na impluwensiyahan nang husto—o maniobrahin pa nga—ang mga mangyayari sa Nicaea.” Sinabi rin ni Charles Freeman: “Nagsimula nang makialam ang emperador hindi lang para patatagin ang Simbahan kundi para impluwensiyahan ang doktrina.”—Basahin ang Santiago 4:4.
13. Sa palagay mo, bakit hindi tinanggap ng mga lider ng simbahan ang malilinaw na turo ng Bibliya?
13 Hindi matanggap ng mga lider ng simbahan ang tunay na pagkakakilanlan ni Jesu-Kristo. Pero iba naman ang karaniwang mga tao. Palibhasa’y hindi sila interesado sa salapi o kapangyarihang maibibigay ng emperador, bukás ang isip nilang tanggapin ang nababasa
nila sa Kasulatan. At ganoon nga ang nangyari. Kaya naman, nilait ni Gregory ng Nyssa, isang teologo noong panahong iyon, ang karaniwang mga tao. Sinabi niya na ang mga nagbebenta ng damit, mga tagapagpalit ng salapi, at mga tindero ay nag-uusap-usap tungkol sa relihiyon. Hindi niya nagustuhan na ang karaniwang mga tao ay nagpapaliwanag na ang Anak ay naiiba sa Ama, na ang Ama ay mas dakila kaysa sa Anak, at na ang Anak ay nilalang. Naipaliliwanag ng karaniwang mga tao ang mga katotohanang ito gamit ang Bibliya. Hindi ito ginawa ni Gregory ng Nyssa at ng mga lider ng simbahan. Dapat sana’y nakinig sila sa karaniwang mga tao!MAGKASAMANG TUMUBO ANG “TRIGO” AT “PANIRANG-DAMO”
14. Bakit natin masasabi na laging magkakaroon ng mga tunay na pinahirang Kristiyano sa lupa mula noong unang siglo?
14 Sa isang talinghaga, ipinahiwatig ni Jesus na pasimula noong unang siglo, laging magkakaroon ng mga tunay na Kristiyano sa lupa. Inihalintulad niya sila sa “trigo” na tumutubong kasama ng mga “panirang-damo.” (Mat. 13:30) Siyempre pa, hindi natin matitiyak kung sinu-sinong indibiduwal o grupo ang kabilang sa pinahirang uring trigo, pero alam natin na laging may mga indibiduwal na lakas-loob na nagtatanggol sa Salita ng Diyos at nagbubunyag sa di-makakasulatang mga turo ng simbahan. Talakayin natin ang ilan sa kanila.
15, 16. Bumanggit ng ilang indibiduwal na nagpakita ng paggalang sa Salita ng Diyos.
15 Tinuligsa ni Archbishop Agobard ng Lyons, Pransiya (779-840 C.E.), ang pagsamba sa mga imahen, mga simbahang inialay sa mga santo, at ang di-makakasulatang mga gawain at pagsamba ng Simbahan. Isa sa mga kontemporaryo niya, si Bishop Claudius, ay tutol din sa tradisyon ng simbahan at sa pagdarasal sa mga santo at pagsamba sa mga relikya. Noong ika-11 siglo, si Archdeacon Berengarius ng Tours, Pransiya, ay itiniwalag dahil tinanggihan niya ang turong transubstansiyasyon ng mga Katoliko. Bukod diyan, nanindigan siya na nakahihigit ang awtoridad ng Bibliya kaysa sa tradisyon ng simbahan.
16 Noong ika-12 siglo, may dalawa pang lalaki na nagtaguyod sa katotohanan ng Bibliya—sina Peter ng Bruys at Henry ng Lausanne. Nagbitiw si Peter sa pagkapari dahil nakita niyang hindi kaayon ng Kasulatan ang mga turong Katoliko, gaya ng pagbibinyag sa mga sanggol, transubstansiyasyon, padasal sa mga patay, at pagsamba sa krus. Noong 1140, sinunog nang buháy si Peter dahil sa kaniyang mga paniniwala. Tinuligsa ni Henry, na isang
monghe, ang maling pagsamba at katiwalian sa simbahan. Inaresto siya noong 1148 at habambuhay na nabilanggo.17. Ano ang ginawa ni Waldo at ng kaniyang mga tagasunod?
17 Nang panahong patayin si Peter ng Bruys, isinilang ang isang tao na magkakaroon ng malaking impluwensiya sa paglaganap ng katotohanan ng Bibliya. Valdès, o Waldo ang apelyido niya. * Di-tulad nina Peter ng Bruys at Henry ng Lausanne, karaniwang tao lang siya. Pero gayon na lang ang pagmamahal niya sa Salita ng Diyos kung kaya iniwan niya ang kaniyang mga ari-arian at isinaayos na maisalin ang ilang bahagi ng Bibliya sa isang wikang ginagamit sa timog-silangang Pransiya. Tuwang-tuwa ang ilan nang marinig nila ang mensahe ng Bibliya sa kanilang wika kung kaya iniwan din nila ang kanilang mga ari-arian at ginugol ang buhay nila sa pagbabahagi ng katotohanan ng Bibliya sa iba. Ikinabahala ito ng simbahan. Noong 1184, ang masisigasig na lalaki’t babaing ito (tinawag na mga Waldenses nang maglaon) ay itiniwalag ng papa at pinalayas ng obispo mula sa kanilang mga tahanan. Dahil dito, lumaganap ang mensahe ng Bibliya sa ibang lugar. Nang maglaon, ang mga tagasunod nina Waldo, Peter ng Bruys, at Henry ng Lausanne, pati na ang iba pang humiwalay sa simbahan, ay nangalat sa Europa. Ang iba pang mga tagapagtaguyod ng katotohanan ng Bibliya ay sina John Wycliffe (mga 1330-1384), William Tyndale (mga 1494-1536), Henry Grew (1781-1862), at George Storrs (1796-1879).
“ANG SALITA NG DIYOS AY HINDI NAGAGAPUSAN”
18. Ipaliwanag kung paano nag-aaral ang taimtim na mga estudyante ng Bibliya noong ika-19 na siglo at kung bakit ito epektibo.
18 Kahit ano ang gawin ng mga kaaway ng Bibliya, hindi nila napigilan ang paglaganap ng katotohanan. “Ang salita ng Diyos ay hindi nagagapusan,” ayon sa 2 Timoteo 2:9. Noong 1870, isang grupo ng taimtim na mga estudyante ng Bibliya ang nagsimulang magsaliksik ng katotohanan. Paano sila nag-aaral? May magbabangon ng tanong. Tatalakayin nila ito. Titingnan nila ang lahat ng teksto na may kaugnayan sa punto at pagkatapos, kapag nasiyahan na sila sa pagkakasuwato ng mga tekstong ito, babanggitin na nila ang kanilang konklusyon at itatala ito. Sa paggawa nito, tinularan nila ang mga apostol at matatandang lalaki noong unang siglo. Talagang nakapagpapatibay malaman na tiniyak ng tapat na mga lalaking ito noong maagang kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova na ang kanilang mga paniniwala ay lubusang nakaayon sa Salita ng Diyos.
19. Ano ang taunang teksto para sa 2012, at bakit angkop ito?
19 Sa Bibliya pa rin nakasalig ang ating mga paniniwala. Kaya naman, pinili ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang mga salita ni Jesus bilang ating taunang teksto para sa 2012: “Ang iyong salita ay katotohanan.” (Juan 17:17) Yamang ang lahat ng naghahangad ng pagsang-ayon ng Diyos ay kailangang lumakad sa katotohanan, patuloy nawa tayong magpagabay sa Salita ng Diyos.
[Talababa]
^ par. 17 Kung minsan, si Valdès ay tinatawag na Pierre Valdès o Peter Waldo, pero hindi matiyak kung ano ang tunay na pangalan niya.
[Mga Tanong sa Aralin]
[Blurb sa pahina 8]
Ang ating taunang teksto para sa 2012: “Ang iyong salita ay katotohanan.”—Juan 17:17
[Larawan sa pahina 7]
Waldo
[Larawan sa pahina 7]
Wycliffe
[Larawan sa pahina 7]
Tyndale
[Larawan sa pahina 7]
Grew
[Larawan sa pahina 7]
Storrs