Si Jehova “ang Diyos na Nagbibigay ng Kapayapaan”
Si Jehova “ang Diyos na Nagbibigay ng Kapayapaan”
“Sumainyo nawang lahat ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.”—ROMA 15:33.
1, 2. Anong maigting na sitwasyon ang inilarawan sa Genesis kabanata 32 at 33, at ano ang nangyari?
MATAGAL nang hindi nagkita ang magkakambal na sina Jacob at Esau. Magtatagpo sila di-kalayuan sa Penuel, malapit sa agusang libis ng Jabok, sa gawing silangan ng Ilog Jordan. Dalawampung taon na ang nakararaan mula nang ipagbili ni Esau kay Jacob ang kaniyang karapatan sa pagkapanganay. Nang mabalitaan ni Esau na paparating si Jacob, nagsama siya ng 400 tauhan para salubungin ito. Natakot si Jacob na baka galít pa rin si Esau at gusto siyang patayin, kaya naman nagpadala siya ng sunud-sunod na mga kaloob na umabot sa mahigit 550 hayop. Inutusan din ni Jacob ang mga lingkod niya na sabihin kay Esau na ang mga ito ay kaloob mula sa kaniya.
2 Ano ang sumunod na nangyari? Habang papalapít siya kay Esau, yumukod si Jacob—hindi lang minsan kundi pitong ulit. Pero bago nito, nagawa na ni Jacob ang pinakamahalagang hakbang para mapalambot ang puso ng kaniyang kapatid. Nanalangin siya kay Jehova na iligtas siya kay Esau. Sinagot ba siya ni Jehova? Oo. Sinasabi ng Bibliya: “Tumakbo si Esau upang salubungin siya, at niyakap niya siya at sumubsob sa kaniyang leeg at hinalikan siya.”—Gen. 32:11-20; 33:1-4.
3. Ano ang matututuhan natin sa nangyari kina Jacob at Esau?
3 Ipinakikita ng nangyari kina Jacob at Gen. 25:31-34; Heb. 12:16) Ipinakikita ng ginawang paglapit ni Jacob kay Esau na dapat nating gawin ang ating makakaya para mapanatili ang mapayapang ugnayan sa ating mga kapatid. Ipinakikita rin nito na kapag hiniling natin ang tulong ni Jehova, pagpapalain niya ang ating pagsisikap. Talakayin natin ang iba pang halimbawa sa Bibliya ng mga taong mapagpayapa.
Esau na dapat nating sikaping lutasin ang mga problemang makasisira sa kapayapaan ng kongregasyon. Nakipagpayapaan si Jacob kay Esau kahit wala naman siyang kasalanan dito. Hinamak ni Esau ang pagkapanganay at ipinagbili ito kay Jacob kapalit ng isang mangkok ng nilaga. (Ang Pinakamahusay na Huwaran
4. Ano ang ginawa ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan?
4 Ang pinakamahusay na halimbawa ng pagiging mapagpayapa ay si Jehova—“ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.” (Roma 15:33) Pag-isipan ang lahat ng ginawa ni Jehova para magkaroon tayo ng mapayapang kaugnayan sa kaniya. Bilang makasalanang mga inapo nina Adan at Eva, nararapat tayo sa kamatayan, ang “kabayaran na ibinabayad ng kasalanan.” (Roma 6:23) Pero dahil sa laki ng kaniyang pag-ibig, gumawa si Jehova ng paraan para maligtas tayo. Mula sa langit, isinugo niya ang kaniyang minamahal na Anak para maipanganak ito bilang sakdal na tao. Kusang-loob namang sumunod ang Anak at inihandog ang kaniyang buhay para sa atin. (Juan 10:17, 18) Binuhay-muli ni Jehova ang kaniyang Anak. Pagkatapos, iniharap ng Anak sa kaniyang Ama ang halaga ng kaniyang itinigis na dugo na magiging pantubos at magliligtas sa mga nagsisising makasalanan mula sa walang-hanggang kamatayan.—Basahin ang Hebreo 9:14, 24.
5, 6. Paano makatutulong ang itinigis na dugo ni Jesus sa nasirang ugnayan ng Diyos at ng makasalanang sangkatauhan?
5 Paano makatutulong ang pantubos sa nasirang ugnayan ng Diyos at ng makasalanang sangkatauhan? Ganito ang sabi ng Isaias 53:5: “Ang kaparusahang ukol sa aming kapayapaan ay sumasakaniya, at dahil sa kaniyang mga sugat ay nagkaroon ng pagpapagaling para sa amin.” Sa halip na ituring na mga kaaway ng Diyos, maaari nang magkaroon ng mapayapang kaugnayan sa Diyos ang masunuring mga tao. “Sa pamamagitan [ni Jesus] ay taglay natin ang paglaya sa pamamagitan ng pantubos dahil sa dugo ng isang iyon, oo, ang kapatawaran ng ating mga pagkakamali.”—Efe. 1:7.
6 Sinasabi ng Bibliya: “Minabuti ng Diyos na ang buong kalubusan ay manahan [kay Kristo].” Ibig sabihin, ginagamit ng Diyos si Kristo para matupad ang layunin Niya. At ano ang layunin ni Jehova? Ito ay ang “ipagkasundong muli sa kaniyang sarili ang lahat ng iba pang bagay sa paggawa ng kapayapaan sa pamamagitan ng dugo na . . . itinigis” ni Jesu-Kristo. Ang “lahat ng iba pang bagay” na ipinagkakasundo ng Diyos sa Kaniya ay ang “mga bagay sa langit” at “mga bagay sa ibabaw ng lupa.” Saan tumutukoy ang mga ito?—Basahin ang Colosas 1:19, 20.
7. Ano ang “mga bagay sa langit” at “mga bagay sa ibabaw ng lupa” na ipinagkakasundo sa Diyos?
7 Dahil sa pantubos, ang mga pinahirang Kristiyano, na ‘ipinahayag nang matuwid’ bilang mga anak ng Diyos, ay maaaring ‘magtamasa ng kapayapaan sa Diyos.’ (Basahin ang Roma 5:1.) Tinawag silang “mga bagay sa langit” dahil makalangit ang kanilang pag-asa at “mamamahala sila bilang mga hari sa ibabaw ng lupa” at maglilingkod bilang mga saserdote ng Diyos. (Apoc. 5:10) Samantala, ang “mga bagay sa ibabaw ng lupa” ay tumutukoy sa nagsisising mga tao na magtatamo ng buhay na walang hanggan sa lupa.—Awit 37:29.
8. Paano makatutulong sa iyo ang halimbawa ni Jehova kapag may mga problema sa kongregasyon?
8 Ipinakikita ng isinulat ni Pablo sa mga pinahirang Kristiyano sa Efeso ang kaniyang pagpapahalaga sa pantubos. Sinabi niya: “Ang Diyos, na mayaman sa awa, . . . ay bumuhay sa atin kasama ng Kristo, maging nang tayo ay patay sa mga pagkakamali—sa pamamagitan ng Efe. 2:4, 5) Makalangit man o makalupa ang ating pag-asa, napakalaki ng utang na loob natin sa Diyos dahil sa kaniyang awa at di-sana-nararapat na kabaitan. Talagang ipinagpapasalamat natin ang lahat ng ginawa ni Jehova para magkaroon tayo ng mapayapang kaugnayan sa kaniya. Kaya naman, kapag napapaharap sa mga sitwasyong makasisira sa pagkakaisa ng kongregasyon, hindi ba dapat nating tularan ang halimbawa ng Diyos sa pagtataguyod ng kapayapaan?
di-sana-nararapat na kabaitan ay iniligtas na kayo.” (Mga Halimbawa Nina Abraham at Isaac
9, 10. Nang bumangon ang problema sa pagitan ng mga tagapag-alaga ng kawan nina Abraham at Lot, paano ipinakita ni Abraham na siya ay isang taong mapagpayapa?
9 Sinabi ng Bibliya: “‘Si Abraham ay nanampalataya kay Jehova, at ibinilang itong katuwiran sa kaniya,’ at siya ay tinawag na ‘kaibigan ni Jehova.’” (Sant. 2:23) Ipinakita ni Abraham ang kaniyang pananampalataya sa pamamagitan ng pakikipagpayapaan sa iba. Halimbawa, nang dumami ang mga alagang hayop ni Abraham, nag-away ang mga tagapag-alaga ng kaniyang kawan at ng pamangkin niyang si Lot. (Gen. 12:5; 13:7) Maliwanag na kailangang maghiwalay sina Abraham at Lot. Ano ang gagawin ni Abraham sa mahirap na sitwasyong ito? Sa halip na igiit ang kaniyang kagustuhan dahil siya ang nakatatanda at kaibigan siya ng Diyos, ipinakita ni Abraham na siya ay taong mapagpayapa.
10 Sinabi niya kay Lot: “Pakisuyo, huwag magpatuloy ang anumang awayan sa pagitan natin at sa pagitan ng aking mga tagapag-alaga ng kawan at ng iyong mga tagapag-alaga ng kawan, sapagkat tayong mga lalaki ay magkakapatid.” Sinabi pa niya: “Hindi ba ang buong lupain ay nakalaan sa iyo? Pakisuyo, humiwalay ka sa akin. Kung paroroon ka sa kaliwa, kung gayon ay paroroon ako sa kanan; ngunit kung paroroon ka sa kanan, kung gayon ay paroroon ako sa kaliwa.” Pinili ni Lot ang pinakamatabang bahagi ng lupain, pero hindi nagkimkim ng sama ng loob si Abraham sa kaniya. (Gen. 13:8-11) Sa katunayan, nang mabihag si Lot ng sumalakay na hukbo, hindi nagdalawang-isip si Abraham na iligtas siya.—Gen. 14:14-16.
11. Paano nakipagpayapaan si Abraham sa mga Filisteo?
11 Pag-isipan din kung paano itinaguyod ni Abraham ang kapayapaan sa mga Filisteong nakatira sa Canaan. “Inagaw sa dahas” ng mga Filisteo ang balon ng tubig na hinukay ng mga lingkod ni Abraham sa Beer-sheba. Paano tutugon si Abraham? May kakayahan sana siyang makipaglaban sa kanila dahil bago nito ay iniligtas niya ang kaniyang pamangkin sa kamay ng apat na haring bumihag dito. Pero sa halip na gumanti at bawiin ang kaniyang balon, nagsawalang-kibo na lang si Abraham. Nang maglaon, dumalaw ang haring Filisteo kay Abraham para makipagtipan ukol sa kapayapaan. Sumumpa si Abraham na magiging mabait siya sa mga inapo ng hari. Saka lang binanggit ni Abraham ang tungkol sa kaniyang balon. Nang marinig ito ng hari, nabigla siya at isinauli ang balon kay Abraham. Patuloy namang mapayapang nanirahan si Abraham bilang dayuhan sa lugar na iyon.—Gen. 21:22-31, 34.
12, 13. (a) Paano tinularan ni Isaac ang halimbawa ng kaniyang ama? (b) Paano pinagpala ni Jehova ang pagiging mapagpayapa ni Isaac?
12 Naging mapagpayapa rin ang anak ni Abraham na si Isaac. Makikita ito sa pakikitungo niya sa mga Filisteo. Dahil sa taggutom, inilipat ni Isaac ang kaniyang sambahayan mula sa Beer-lahai-roi sa tuyong rehiyon ng Negeb patungong hilaga, sa mas matabang lupain ng mga Filisteo sa Gerar. Doon, pinagpala ni Jehova si Isaac ng saganang ani at pinarami ang kaniyang mga alagang hayop. Kinainggitan siya ng mga Filisteo. Para huwag siyang yumaman nang husto gaya ng kaniyang ama, tinabunan ng mga Filisteo ang mga balon na hinukay ng mga lingkod ni Abraham sa lugar na iyon. Nang dakong huli, sinabihan ng hari ng mga Filisteo si Isaac na ‘umalis sa kanilang pamayanan.’ Ginawa ito ng mapagpayapang si Isaac.—Gen. 24:62; 26:1, 12-17.
13 Matapos ilayo ni Isaac ang kaniyang kampo, muling naghukay ng balon ang mga pastol niya. Inangkin ito ng mga Filisteong pastol. Tulad ng ama niyang si Abraham, hindi nakipag-away si Isaac dahil sa balon. Sa halip, nagpahukay uli si Isaac ng balon sa kaniyang mga tauhan. Inangkin na naman ito ng mga Filisteo. Alang-alang sa kapayapaan, inilipat uli ni Isaac sa ibang lugar ang kaniyang kampo. Doon, ang kaniyang mga lingkod ay naghukay ng balon na tinawag niyang Rehobot. Nang maglaon, lumipat siya sa mas matabang rehiyon ng Beer-sheba, kung saan pinagpala siya ni Jehova at sinabi sa kaniya: “Huwag kang matakot, sapagkat ako ay sumasaiyo, at pagpapalain kita at pararamihin ko ang iyong binhi dahil kay Abraham na aking lingkod.”—14. Paano pinatunayan ni Isaac na mapagpayapa siya nang makipagtipan sa kaniya ang Filisteong hari?
14 Siyempre pa, kayang ipaglaban ni Isaac ang karapatan niya sa mga balon na hinukay ng kaniyang mga lingkod. Sa katunayan, nang puntahan siya sa Beer-sheba ng Filisteong hari at ng mga opisyal nito para makipagtipan ukol sa kapayapaan, inamin nito: “Walang alinlangang nakita namin na si Jehova ay sumasaiyo.” Gayunman, ipinasiya ni Isaac na magpalipat-lipat sa halip na makipaglaban, alang-alang sa kapayapaan. Maging sa pagkakataong ito, pinatunayan niya na siya ay mapagpayapa. Ganito ang sabi ng Bibliya: “Naghanda siya ng isang piging para sa [kaniyang mga panauhin] at sila ay kumain at uminom. Nang sumunod na umaga ay maaga silang bumangon at nagsumpaan sila sa isa’t isa. Pagkatapos ay pinayaon sila ni Isaac . . . nang payapa.”—Gen. 26:26-31.
Matuto Mula sa Pinakamamahal na Anak ni Jacob
15. Bakit hindi makapagsalita nang mapayapa kay Jose ang mga kapatid niya?
15 Ang anak ni Isaac na si Jacob ay “isang lalaking walang kapintasan.” (Gen. 25:27) Gaya ng ipinakikita sa simula ng artikulong ito, nakipagpayapaan si Jacob sa kapatid niyang si Esau. Tiyak na natuto si Jacob sa halimbawa ng kaniyang mapagpayapang ama na si Isaac. Kumusta naman ang mga anak ni Jacob? Sa kaniyang 12 anak na lalaki, si Jose ang kaniyang pinakamamahal. Si Jose ay masunurin, magalang, at talagang nagmamalasakit sa kapakanan ng kaniyang ama. (Gen. 37:2, 14) Pero inggit na inggit kay Jose ang kaniyang mga kuya anupat hindi sila makapagsalita sa kaniya nang mapayapa. Ipinagbili nila si Jose sa pagkaalipin at pinapaniwala ang kanilang ama na si Jose ay niluray ng isang mabangis na hayop.—Gen. 37:4, 28, 31-33.
16, 17. Paano ipinakita ni Jose na gusto niyang makipagpayapaan sa kaniyang mga kapatid?
16 Pinagpala ni Jehova si Jose. Nang maglaon, si Jose ay naging punong ministro ng Ehipto, na pangalawa sa kapangyarihan ni Paraon. Nang pumaroon sa Ehipto ang mga kapatid ni Jose dahil sa matinding taggutom, hindi man lang nila siya nakilala, marahil dahil sa kaniyang opisyal na kasuutan. (Gen. 42:5-7) Napakadali sana para kay Jose na maghiganti sa kalupitang ginawa nila sa kaniya at sa kanilang ama! Sa halip, nakipagpayapaan si Jose sa kanila. Nang matiyak niya na talagang nagsisisi na ang kaniyang mga kapatid, nagpakilala siya at nagsabi: “Huwag kayong masaktan at huwag kayong magalit sa inyong sarili dahil ipinagbili ninyo ako rito; sapagkat isinugo ako ng Diyos sa unahan ninyo upang mag-ingat ng buhay.” Pagkatapos, hinalikan niya ang lahat ng kaniyang mga kapatid at tumangis siya sa kanila.—Gen. 45:1, 5, 15.
17 Pagkamatay ng kanilang ama na si Jacob, natakot ang mga kapatid ni Jose na baka maghiganti siya sa kanila. Nang sabihin nila ito, “tumangis” si Jose at sinabi niya: “Huwag kayong matakot. Ako mismo ang patuloy na maglalaan ng pagkain sa inyo at sa inyong maliliit na anak.” Inaliw sila ng mapagpayapang si Jose at “nagsalita [siya] sa kanila nang nakapagpapatibay-loob.”—Gen. 50:15-21.
“Isinulat sa Ating Ikatututo”
18, 19. (a) Ano ang natutuhan mo sa mga halimbawang tinalakay sa artikulong ito? (b) Ano ang tatalakayin natin sa susunod na artikulo?
18 Isinulat ni Pablo: “Ang lahat ng bagay na isinulat noong una ay isinulat sa ating ikatututo, upang sa pamamagitan ng ating pagbabata at sa pamamagitan ng kaaliwan mula sa Kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa.” (Roma 15:4) Ano ang natutuhan natin kay Jehova, ang pinakamahusay na huwaran, at sa mga halimbawa nina Abraham, Isaac, Jacob, at Jose?
19 Napakalaking sakripisyo ang ginawa ni Jehova para maayos ang nasirang kaugnayan sa kaniya ng makasalanang sangkatauhan. Hindi ba dapat itong mag-udyok sa atin na gawin ang makakaya natin para makipagpayapaan sa iba? Ipinakikita ng nangyari kina Abraham, Isaac, Jacob, at Jose na puwedeng magpakita ng mabuting halimbawa ang mga magulang sa kanilang mga anak. Ipinakikita rin nito na pinagpapala ni Jehova ang pagsisikap ng mga nagtataguyod ng kapayapaan. Hindi kataka-takang tawagin ni Pablo si Jehova bilang “Diyos na nagbibigay ng kapayapaan”! (Basahin ang Roma 15:33; 16:20.) Tatalakayin sa susunod na artikulo kung bakit sinabi ni Pablo na kailangan nating itaguyod ang kapayapaan at kung paano natin magagawa iyon.
Ano ang Natutuhan Mo?
• Paano itinaguyod ni Jacob ang kapayapaan nang malapit na silang magkita ni Esau?
• Paano dapat makaapekto sa iyo ang lahat ng ginawa ni Jehova para maipagkasundo sa kaniya ang sangkatauhan?
• Ano ang natutuhan mo sa mga halimbawa ng mapagpayapang sina Abraham, Isaac, Jacob, at Jose?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mga larawan sa pahina 23]
Ano ang pinakamahalagang hakbang na ginawa ni Jacob para makipagpayapaan kay Esau?