Nagtagumpay sa Korte ang Bayan ni Jehova!
Nagtagumpay sa Korte ang Bayan ni Jehova!
SA LOOB ng 15 taon pasimula noong 1995, ang mga tunay na Kristiyano sa Russia ay sinalansang ng mga kaaway ng kalayaan sa relihiyon. Ginawa nila ang lahat para maipagbawal sa loob at labas ng Moscow ang mga Saksi ni Jehova. Pero ginantimpalaan ni Jehova ang katapatan ng ating minamahal na mga kapatid na Ruso nang magtagumpay sila sa korte. Paano nga ba nagsimula ang labanang ito sa hukuman?
SA WAKAS—KALAYAAN!
Noong unang bahagi ng dekada ’90, naibalik sa ating mga kapatid sa Russia ang kalayaan sa relihiyon na naiwala nila noong 1917. Noong 1991, inirehistro sila ng pamahalaan ng Unyong Sobyet bilang isang opisyal na relihiyon. Nang mabuwag ang Unyong Sobyet, ang mga Saksi ni Jehova ay inirehistro sa Russian Federation. Karagdagan pa, ang mga Saksi na pinag-usig dahil sa kanilang relihiyon noong naunang mga dekada ay kinilala ng Estado bilang mga biktima ng paniniil ng pulitika. Noong 1993, inirehistro ng Department of Justice ng Moscow ang organisasyon ng mga Saksi ni Jehova sa Moscow. Nang taon ding iyon, nagkabisa ang bagong saligang-batas ng Russia, na gumagarantiya ng kalayaan sa relihiyon. Hindi kataka-takang nasabi ng isang brother, “Hindi namin sukat-akalain na makakamit namin ang ganitong kalayaan!” Sinabi pa niya, “Limampung taon naming hinintay ito!”
Kaagad na sinamantala ng mga kapatid sa Russia ang “kaayaayang kapanahunan” na iyan para pag-ibayuhin ang kanilang pangangaral, at marami ang tumugon. (2 Tim. 4:2) “Talagang interesado ang mga tao sa relihiyon,” ang sabi ng isang tagapagmasid. Di-nagtagal, dumami ang mamamahayag, payunir, at kongregasyon. Sa katunayan, mula noong 1990 hanggang 1995, ang mga 300 Saksi sa Moscow ay naging mahigit 5,000! Ikinabahala ito ng mga kalaban ng kalayaan sa relihiyon. Noong kalagitnaan ng dekada ’90, nagsimula silang magsampa ng reklamo sa korte. Apat na yugto ang pagdaraanan nito bago tuluyang malutas.
NAGSIMULA ANG IMBESTIGASYON SA KASONG KRIMINAL
Nagsimula ang unang yugto noong Hunyo 1995. Isang grupo sa Moscow na lantarang kaalyado ng Simbahang Ruso Ortodokso ang nagsampa ng reklamo at nagparatang na sangkot sa kriminal na gawain ang ating mga kapatid. Inangkin ng grupo na sila’y mga kinatawan ng mga taong nagagalit dahil naging mga Saksi ang asawa o anak ng mga ito. Noong Hunyo 1996, nagsimulang maghanap ng ebidensiya ang mga imbestigador, pero wala silang nakita. Gayunpaman, muling nagsampa ng panibagong reklamo ang grupong iyon at inakusahan ang ating mga kapatid ng mga gawaing kriminal. Isang imbestigasyon na naman ang isinagawa, pero napabulaanan ang lahat ng akusasyon. Sa kabila nito, nagsampa ng ikatlong reklamo ang mga mananalansang, sa gayunding mga bintang. Muling inimbestigahan ang mga Saksi ni Jehova sa Moscow, pero gayon pa rin ang naging konklusyon ng tagausig—walang basehan para pasimulan ang isang kasong kriminal. Pagkatapos, isinampa na naman ng mga mananalansang ang gayunding reklamo sa ikaapat na pagkakataon, at muli, walang nakitang ebidensiya ang tagausig. Ang nakapagtataka, muling humiling ang grupong ito ng panibagong imbestigasyon. Sa wakas, isinara ng bagong imbestigador ang kaso noong Abril 13, 1998.
* Noong Setyembre 29, 1998, nagsimula ang mga pagdinig sa Golovinsky District Court sa Moscow. Nag-umpisa na ang ikalawang yugto.
“Pero may kakaibang bagay na nangyari,” ang sabi ng isang abogado sa kaso. Ang kinatawan ng tanggapan ng tagausig, na nagsagawa ng ikalimang imbestigasyon, ay umamin na walang ebidensiya na sangkot sa kriminal na gawain ang mga Saksi. Pero ipinayo niya na sampahan sila ng kasong sibil. Sinabi niya na ang organisasyon ng mga Saksi ni Jehova sa Moscow ay lumabag sa pambansa at internasyonal na batas. Sumang-ayon ang tagausig ng Northern Administrative Circuit of Moscow at nagsampa siya ng reklamong sibil.BINUKLAT ANG BIBLIYA SA KORTE
Sa isang siksikang hukuman sa hilagang Moscow, ginamit ng tagausig na si Tatyana Kondratyeva ang isang pambansang batas na nilagdaan noong 1997 at kumikilala sa Kristiyanong Ortodokso, Islam, Judaismo, at Budismo bilang tradisyonal na mga relihiyon. * Dahil sa batas na ito, hiráp ang ibang relihiyon na makakuha ng legal na pagkilala. Dahil din sa batas na ito, maipagbabawal ng mga korte ang mga relihiyong nagtataguyod ng poot. Gamit ang batas na ito, pinaratangan ng tagausig ang mga Saksi ni Jehova ng pagtataguyod ng pagkapoot at pagsira ng mga pamilya at sa gayo’y dapat silang ipagbawal.
Isang abogadang nagtatanggol sa ating mga kapatid ang nagtanong: “Sinu-sino sa Kongregasyon ng Moscow ang lumabag sa batas na ito?” Walang maibigay na pangalan ang tagausig. Pero inangkin ng tagausig na ang mga literatura ng mga Saksi ni Jehova ay nag-uudyok ng pagkapoot sa ibang relihiyon. Para patunayan ang kaniyang paratang, binasa niya ang ilang bahagi ng Bantayan at Gumising! at ng iba pang publikasyon (tingnan ang larawan sa itaas). Nang tanungin siya kung paano nag-uudyok ng pagkapoot ang mga publikasyong ito, sinabi niya: “Itinuturo kasi ng mga Saksi ni Jehova na sila ang tunay na relihiyon.”
Isang abogadong Saksi ang nag-abot ng isang Bibliya sa hukom at isa sa tagausig at binasa niya ang Efeso 4:5: “Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo.” Mayamaya lang, pinag-uusapan na ng hukom, tagausig, at abogado—na pawang may hawak na Bibliya—ang mga tekstong gaya ng Juan 17:18 at Santiago 1:27. Nagtanong ang korte: “Nagtataguyod ba ng pagkapoot sa ibang relihiyon ang mga tekstong ito?” Sinabi ng tagausig na hindi siya eksperto para magkomento sa Bibliya. Ipinakita naman ng abogado ang mga publikasyon ng Simbahang Ruso Ortodokso na matinding pumupuna sa mga Saksi ni Jehova at itinanong niya: “Labag ba sa batas ang mga pananalitang ito?” Sumagot ang tagausig: “Wala akong masasabi dahil hindi ako eksperto sa relihiyon.”
SUMABLAY ANG TAGAUSIG
Para patunayan ang bintang na sumisira ng mga pamilya ang mga Saksi, sinabi ng tagausig na ang mga Saksi ay hindi nagdiriwang ng mga kapistahang gaya ng Pasko. Pero nang maglaon ay inamin niya na hindi kahilingan ng batas
ng Russia na magdiwang ng Pasko ang mga mamamayan nito. Ang mga Ruso—pati na ang mga Rusong Saksi ni Jehova—ay may kalayaang pumili. Iginiit din ng tagausig na “pinagkakaitan [ng ating organisasyon] ang mga bata ng normal na pahinga at kasiyahan.” Pero nang tanungin siya, inamin niya na wala pa siyang nakakausap na mga kabataang anak ng mga Saksi. Nang tanungin ng isang abogada ang tagausig kung nasubukan na niyang dumalo sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova, sumagot siya: “Hindi na kailangan.”Iniharap ng tagausig ang isang propesor ng psychiatry bilang testigo. Sinabi nito na ang pagbabasa ng ating literatura ay nagiging sanhi ng sakit sa isip. Nang itawag-pansin ng abogada ng depensa na ang nasusulat na pahayag ng propesor ay katulad ng isang dokumentong inihanda ng Moscow Patriarchate, o mga lider ng Simbahang Ortodokso, inamin ng propesor na kinopya lang niya roon ang karamihan sa mga bagay na isinulat niya. Lumabas din na wala pa siyang naging pasyenteng Saksi ni Jehova. Samantala, isa pang propesor ng psychiatry ang tumestigo sa korte. Pinag-aralan niya ang mahigit 100 Saksi sa Moscow at natuklasan niya na normal ang pag-iisip ng grupong ito. Idinagdag pa niya na ang mga miyembro nito ay naging mas mapagparaya sa ibang relihiyon mula nang sila’y maging mga Saksi.
TAGUMPAY—PERO HINDI PA PINAL
Noong Marso 12, 1999, nag-atas ang hukom ng limang iskolar para pag-aralan ang literatura ng mga Saksi ni Jehova, at sinuspende niya ang paglilitis. Pero bago nito, inutusan ng Ministry of Justice ng Russia ang isang grupo ng mga iskolar na pag-aralan ang ating literatura. Noong Abril 15, 1999, iniulat ng grupong inatasan ng Ministry of Justice na wala silang nakitang masama sa ating mga publikasyon. Kaya noong Abril 29, 1999, muling inirehistro ng Ministry of Justice ang mga Saksi ni Jehova. Sa kabila nito, iginiit ng korte sa Moscow na pag-aralan pa rin ng grupong inatasan nito ang ating literatura. Kakatwa nga ang sitwasyon—kinikilala ng
Ministry of Justice ng Russia ang mga Saksi ni Jehova bilang isang aprobadong relihiyon na sumusunod sa batas pero iniimbestigahan naman sila ng Department of Justice ng Moscow sa diumano’y paglabag sa batas!Halos dalawang taon ang lumipas bago naipagpatuloy ang paglilitis. Matapos isaalang-alang ang resulta ng pag-aaral ng grupong inatasan niya, nagbaba ng hatol si Judge Yelena Prokhorycheva noong Pebrero 23, 2001: “Walang saligan para buwagin at ipagbawal ang gawain ng relihiyosong organisasyon ng mga Saksi ni Jehova sa Moscow.” Sa wakas, napatunayan din sa korte na walang-sala ang ating mga kapatid sa lahat ng bintang sa kanila! Pero hindi tinanggap ng tagausig ang hatol na ito at umapela siya sa Moscow City Court. Pagkaraan ng tatlong buwan, noong Mayo 30, 2001, ibinasura ng korteng iyon ang desisyon ni Judge Prokhorycheva. Ipinag-utos nito ang isang bagong paglilitis na hahawakan pa rin ni Prosecutor Kondratyeva pero pamumunuan ng ibang hukom. Magsisimula na ang ikatlong yugto.
PAGKATALO—PERO HINDI PA PINAL
Noong Oktubre 30, 2001, sinimulan ni Judge Vera Dubinskaya ang muling paglilitis. * Inulit ni Prosecutor Kondratyeva ang paratang na ang mga Saksi ni Jehova ay nagtataguyod ng pagkapoot, pero idinagdag niya na ang pagbabawal sa legal na organisasyon ng mga Saksi ni Jehova ay isang paraan para protektahan ang mga karapatan ng mga Saksi sa Moscow. Bilang tugon sa katawa-tawang argumentong iyan, ang lahat ng 10,000 Saksi sa Moscow ay agad na pumirma sa isang petisyong humihiling sa korte na tanggihan ang “proteksiyon” na iniaalok ng tagausig.
Sinabi ng tagausig na hindi na niya kailangang magharap ng ebidensiya na ang mga Saksi ay lumabag sa batas. Ayon sa kaniya, ang paglilitis na ito ay may kinalaman sa literatura at paniniwala ng mga Saksi ni Jehova at hindi sa kanilang mga gawain. Sinabi niya na ihaharap niya bilang testigo ang isang tagapagsalita ng Simbahang Ruso Ortodokso. Siyempre pa, pinatunayan lang nito na mga miyembro ng klero ang talagang nasa likod ng pagsisikap na ipagbawal ang mga Saksi. Noong Mayo 22, 2003, iniutos ng hukom na pag-aralan muli ng isang grupo ng mga eksperto ang mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova.
Noong Pebrero 17, 2004, nagpatuloy ang paglilitis para repasuhin ang resulta ng pag-aaral. Natuklasan ng mga eksperto na pinasisigla ng ating mga publikasyon ang mga mambabasa nito na “patibayin ang pamilya at ang pagsasama ng mag-asawa” at na “walang basehan” ang paratang na nagtataguyod ng pagkapoot ang ating literatura. Sumang-ayon ang ibang mga iskolar. Isang propesor sa kasaysayan ng relihiyon ang tinanong: “Bakit nangangaral ang mga Saksi ni Jehova?” Sumagot siya sa korte: “Ang pangangaral ay dapat gawin ng isang Kristiyano. Iyan ang sinasabi ng Ebanghelyo at iyan ang iniutos ni Kristo sa kaniyang mga alagad—‘humayo at mangaral sa lahat ng lupain.’” Sa kabila nito, ipinagbawal ng hukom ang gawain ng mga Saksi ni Jehova sa Moscow noong Marso 26, 2004. Noong Hunyo 16, 2004, pinagtibay ng Moscow City Court ang desisyong iyon. * Ganito ang komento ng isang matagal nang Saksi hinggil sa hatol ng korte: “Noong panahong Sobyet, kailangang maging ateista ang isang Ruso. Pero ngayon, ang isang Ruso ay kailangang maging Ortodokso.”
Paano tumugon sa pagbabawal na ito ang ating mga kapatid? Tinularan nila si Nehemias noong unang panahon. Nang salansangin ng mga kalaban ng bayan ng Diyos ang pagsisikap ni Nehemias na muling itayo ang pader ng Jerusalem, hindi nagpadaig si Nehemias at ang kaniyang mga kababayan. Sa halip, ‘patuloy Neh. 4:1-6) Hindi rin nagpadaig ang ating mga kapatid sa Moscow nang hadlangan sila mula sa gawaing dapat isagawa sa ngayon—ang pangangaral ng mabuting balita. (1 Ped. 4:12, 16) May tiwala sila na aalalayan sila ni Jehova, at handa nilang harapin ang ikaapat na yugto ng mahabang pakikipaglabang ito.
silang nagtayo’ at “patuloy na nagtaglay ng puso para sa paggawa.” (TUMINDI ANG PAGSALANSANG
Noong Agosto 25, 2004, ang ating mga kapatid ay nagpadala ng isang petisyon kay Vladimir Putin, na noo’y presidente ng Russia. Ang petisyong ito, na nagpapahayag ng matinding pagkabahala sa pagbabawal, ay binubuo ng 76 na tomo at mahigit 315,000 lagda. Samantala, lumabas ang tunay na kulay ng klero ng Ruso Ortodokso. Ganito ang sinabi ng isang tagapagsalita para sa Moscow Patriarchy: “Tutol na tutol kami sa gawain ng mga Saksi ni Jehova.” Isang lider na Muslim ang nagsabi na ang pagbabawal na ito ay “isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan.”
May mga Ruso na naniwala sa mga akusasyon laban sa mga Saksi ni Jehova at sinimulan nila silang usigin. Ang ilang Saksi na nangangaral sa Moscow ay sinuntok at sinipa. Pinalayas ng isang galít na galít na lalaki ang isang sister mula sa isang gusali at tinadyakan siya sa likod kung kaya natumba ang sister at tumama ang kaniyang ulo. Kinailangang magpagamot ng sister sa ospital, pero hindi man lang inaresto ng mga pulis ang lalaking nanakit sa kaniya. Ang ibang mga Saksi ay inaresto ng pulis, kinunan ng fingerprint at litrato, at magdamag na ikinulong. Ang mga manedyer ng mga bulwagan sa Moscow ay pinagbantaang sisesantehin kung patuloy silang magpapaupa sa mga Saksi. Di-nagtagal, maraming kongregasyon ang nawalan ng inuupahang bulwagan. Apatnapung kongregasyon ang kinailangang maghalinhinan sa paggamit ng iisang Kingdom Hall na may apat na bulwagan. Isang kongregasyong gumagamit doon ang kinailangang magdaos ng kanilang Pulong Pangmadla
nang alas siyete y media ng umaga. “Para makadalo, kailangang gumising ang mga mamamahayag nang alas singko,” ang sabi ng isang naglalakbay na tagapangasiwa, “pero ginawa nila ito nang walang reklamo sa loob ng mahigit isang taon.”“BILANG PATOTOO”
Noong Disyembre 2004, para patunayan na labag sa batas ang ginawang pagbabawal sa Moscow, ang ating mga abogado ay umapela sa European Court of Human Rights. (Tingnan ang kahong “Bakit Nirerepaso sa Pransiya ang Hatol na Ibinaba sa Russia?” sa pahina 6.) Pagkalipas ng anim na taon, noong Hunyo 10, 2010, ibinaba ng European Court ang nagkakaisang desisyon na tuluyang nagpapawalang-sala sa mga Saksi ni Jehova! * Natuklasan ng European Court na walang batayan ang lahat ng bintang sa atin. Sinabi rin nito na ang Russia ay may legal na obligasyon na “itigil ang paglabag na nakita ng [European Court] at iwasto hangga’t maaari ang mga epekto nito.”—Tingnan ang kahong “Ang Hatol ng European Court,” sa pahina 8.
Sinabi ng European Court na pinoprotektahan ng European Convention on Human Rights ang mga Saksi ni Jehova at ang kanilang mga gawain. Hindi lang sa Russia kapit ang desisyon ng European Court kundi pati sa 46 na iba pang bansa na miyembro ng Council of Europe. Tiyak na maraming hukom, mambabatas, at mga eksperto sa karapatang pantao sa buong daigdig ang magiging interesado sa desisyong ito. Bakit? Nang gawin ng mga hukom ng European Court ang kanilang desisyon, hindi lang nila tinukoy ang walong naunang desisyon nila na pabor sa mga Saksi ni Jehova kundi pati na rin ang siyam na tagumpay ng mga Saksi ni Jehova sa matataas na hukuman ng Argentina, Canada, Espanya, Estados Unidos, Japan, Russia, Timog Aprika, at United Kingdom. Ang mga ito at ang pagpapabulaan ng European Court sa mga bintang ng tagausig sa Moscow ay magagamit ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig para ipagtanggol ang kanilang pananampalataya at mga gawain.
Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Dadalhin kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin, bilang patotoo sa kanila at sa mga bansa.” (Mat. 10:18) Dahil sa legal na pakikipagbakang ito sa nagdaang isa’t kalahating dekada, mas naipakilala ng ating mga kapatid ang pangalan ni Jehova sa loob at labas ng Moscow. Ang atensiyong naituon sa mga Saksi dahil sa mga imbestigasyon, kaso sa korte, at hatol ng isang internasyonal na korte ay naging “patotoo” at nakatulong sa “ikasusulong ng mabuting balita.” (Fil. 1:12) Sa katunayan, kapag nangangaral ang mga Saksi sa Moscow sa ngayon, maraming may-bahay ang nagtatanong, “Di ba bawal ’yang ginagawa n’yo?” Sinasamantala ng mga kapatid ang pagkakataong ito para maipaliwanag ang ating paniniwala sa mga may-bahay. Talagang walang makapagpapahinto sa ating pangangaral ng Kaharian. Dalangin natin na patuloy na pagpalain at palakasin ni Jehova ang ating minamahal na mga kapatid sa Russia.
[Mga talababa]
^ par. 8 Inihain ang reklamo noong Abril 20, 1998. Pagkaraan ng dalawang linggo, noong Mayo 5, pinagtibay sa Russia ang European Convention on Human Rights.
^ par. 10 “Pinagtibay ang batas na ito dahil sa matinding panggigipit ng Simbahang Ruso Ortodokso, na mahigpit na nagbabantay sa posisyon nito sa Russia at sabik na makitang ipinagbabawal ang mga Saksi ni Jehova.”—Associated Press, Hunyo 25, 1999.
^ par. 20 Kakatwa na ang petsang ito ay ikasampung anibersaryo ng pagpapatupad ng isang batas sa Russia na kumikilala sa mga Saksi ni Jehova bilang mga biktima ng paniniil ng pamahalaang Sobyet sa mga relihiyon.
^ par. 22 Binuwag ng pagbabawal na ito ang nakarehistrong legal na korporasyong ginagamit ng mga kongregasyon sa Moscow. Umasa ang mga mananalansang na makahahadlang ito sa ministeryo ng ating mga kapatid.
^ par. 28 Gustong idulog ng Russia ang kasong ito sa nakatataas na awtoridad sa European Court, ang Grand Chamber of the European Court of Human Rights. Pero noong Nobyembre 22, 2010, ibinasura ng limang hukom ng Grand Chamber ang petisyon ng Russia. Dahil dito, naging pinal ang hatol na ibinaba noong Hunyo 10, 2010, at dapat na itong ipatupad.
[Kahon/Larawan sa pahina 6]
Bakit Nirerepaso sa Pransiya ang Hatol na Ibinaba sa Russia?
Noong Pebrero 28, 1996, lumagda ang Russia sa European Convention on Human Rights. (Noong Mayo 5, 1998, pinagtibay sa Russia ang European Convention na iyon.) Sa paglagda sa kasunduang ito, ipinahayag ng pamahalaan ng Russia na ang mga mamamayan nito ay may
‘karapatang panrelihiyon at karapatang magsagawa ng kanilang relihiyon sa tahanan at sa publiko at magbago ng kanilang relihiyon kung gusto nila.’—Artikulo 9.
‘karapatang sabihin at isulat sa responsableng paraan kung ano ang kanilang iniisip at magbigay ng impormasyon sa iba.’—Artikulo 10.
‘karapatang makibahagi sa mapayapang mga pagtitipon.’—Artikulo 11.
Ang mga indibiduwal o organisasyon na biktima ng mga paglabag sa kasunduan at walang makuhang hustisya sa kanilang bansa ay maaaring umapela sa European Court of Human Rights sa Strasbourg, Pransiya (makikita sa itaas). Binubuo ito ng 47 hukom—katumbas ng bilang ng mga bansang lumagda sa European Convention on Human Rights. Obligadong sumunod sa mga hatol ng European Court ang lahat ng bansang ito.
[Kahon sa pahina 8]
Ang Hatol ng European Court
Narito ang tatlong maiikling pagsipi sa hatol ng European Court.
Ayon sa isang paratang, ang mga Saksi ni Jehova ay sumisira ng mga pamilya. Hindi ito sinang-ayunan ng European Court. Sinabi nito:
“Ang pinagmumulan ng problema ay ang di-pagkilala at di-paggalang ng mga kapamilyang iba ang relihiyon sa kalayaan ng kanilang kamag-anak na magpahayag at magsagawa ng kaniyang relihiyon.”—Par. 111.
Wala ring nakita ang European Court na ebidensiya ng diumano’y pagkontrol sa isip at sinabi nito:
“Kapansin-pansin na wala man lang binanggit na pangalan ang mga korte [sa Russia] ng kahit isang indibiduwal na ang karapatang magpasiya ayon sa budhi ay sinasabing nilabag gamit ang gayong pamamaraan.”—Par. 129.
Ayon pa sa isang paratang, isinasapanganib ng mga Saksi ni Jehova ang kalusugan ng mga miyembro nito dahil sa pagtangging magpasalin ng dugo. Hindi ito sinang-ayunan ng European Court at sinabi nito:
“Ang kalayaang tumanggap o tumanggi sa isang uri ng paggamot, o pumili ng ibang paraan ng paggamot, ay napakahalagang bahagi ng karapatan at kalayaang gumawa ng sariling pasiya. Kaya ang isang pasyenteng normal ang pag-iisip at nasa hustong gulang ay may kalayaang magpasiya kung siya ay magpapaopera o magpapagamot, kung paanong maaari siyang tumanggap o tumangging magpasalin ng dugo.”—Par. 136.