Malugod Kayong Tinatanggap sa Pinakamabuting Daan ng Buhay!
Malugod Kayong Tinatanggap sa Pinakamabuting Daan ng Buhay!
“Kapuwa kung nabubuhay tayo at kung mamamatay tayo, tayo ay kay Jehova.”—ROMA 14:8.
1. Ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa pinakamabuting daan ng buhay?
GUSTO ni Jehova na tamasahin natin ang pinakamabuting daan ng buhay. Puwedeng mamuhay ang mga tao sa iba’t ibang paraan, pero iisa lang dito ang pinakamabuti—ang mamuhay ayon sa Salita ng Diyos at matuto sa kaniyang Anak na si Jesu-Kristo. Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na sambahin ang Diyos sa espiritu at katotohanan, at inatasan silang gumawa ng mga alagad. (Mat. 28:19, 20; Juan 4:24) Kung susunod tayo sa mga tagubilin ni Jesus, matutuwa si Jehova at pagpapalain Niya tayo.
2. Paano tumugon ang marami sa mensahe ng Kaharian noong unang siglo? Ano ang ibig sabihin ng pagiging kabilang sa “Daan”?
2 Kapag ang mga “wastong nakaayon ukol sa buhay na walang hanggan” ay nanampalataya at nagpabautismo, tama lang na sabihin natin sa kanila, “Malugod kayong tinatanggap sa pinakamabuting daan ng buhay!” (Gawa 13:48) Noong unang siglo C.E., libu-libong tao mula sa iba’t ibang bansa ang yumakap sa katotohanan at nagpabautismo bilang pangmadlang katibayan ng kanilang debosyon sa Diyos. (Gawa 2:41) Ang mga unang alagad na iyon ay kabilang sa “Daan.” (Gawa 9:2; 19:23) Angkop ang terminong ito dahil ang mga Kristiyano ay sumusunod sa daan ng pamumuhay na nakasentro sa pananampalataya kay Jesu-Kristo at pagtulad sa kaniyang halimbawa.—1 Ped. 2:21.
3. Bakit nagpapabautismo ang mga gustong maglingkod kay Jehova? Ilan ang nabautismuhan sa nakalipas na sampung taon?
3 Sa mga huling araw na ito, mabilis na sumulong ang paggawa ng alagad sa mahigit 230 lupain na ngayon. Sa nakalipas na sampung taon, mahigit 2,700,000 ang nagpasiya na maglingkod kay Jehova at magpabautismo bilang sagisag ng kanilang pag-aalay sa kaniya. Ibig sabihin, mahigit 5,000 ang nababautismuhan linggu-linggo! Udyok ito ng kanilang pag-ibig sa Diyos, kaalaman sa Bibliya, at paniniwala sa kanilang itinuturo. Ang bautismo ay isang mahalagang pangyayari sa buhay natin dahil pasimula ito ng ating malapít na kaugnayan kay Jehova. Ito ay kapahayagan din ng ating pagtitiwala na tutulungan niya tayong mapaglingkuran siya nang tapat, kung paanong tinulungan niya ang mga lingkod niya noon na lumakad sa kaniyang daan.—Isa. 30:21.
Bakit Magpapabautismo?
4, 5. Anu-ano ang ilan sa mga pagpapala at kapakinabangan ng pagpapabautismo?
4 Nakakuha ka na siguro ng kaalaman tungkol sa Diyos, gumawa ng mga pagbabago sa iyong buhay, at isa nang di-bautisadong mamamahayag. Mahusay na pagsulong iyan. Pero nakapag-alay ka na ba sa Diyos sa panalangin? Gusto mo na bang magpabautismo? Sa pag-aaral mo ng Bibliya, marahil ay malinaw na sa iyo na dapat kang magtuon ng pansin sa pagpuri kay Jehova, at hindi sa pagpapalugod lang sa iyong sarili o pagkakamal ng materyal na mga bagay. (Basahin ang Awit 148:11-13; Luc. 12:15) Pero ano naman ang mga pagpapala at kapakinabangan ng pagpapabautismo?
5 Bilang isang nakaalay na Kristiyano, magiging higit na makabuluhan ang iyong buhay. Magiging masaya ka dahil ginagawa mo ang kalooban ng Diyos. (Roma 12:1, 2) Tutulungan ka ng banal na espiritu ni Jehova na maipakita ang makadiyos na mga katangian gaya ng kapayapaan at pananampalataya. (Gal. 5:22, 23) Sasagutin ng Diyos ang mga panalangin mo at pagpapalain niya ang iyong mga pagsisikap na sumunod sa kaniyang Salita. Masisiyahan ka sa ministeryo; at ang pamumuhay mo sa paraang sinasang-ayunan ng Diyos ay magpapatibay sa iyong pag-asang mabuhay nang walang hanggan. Kapag nag-alay ka at nagpabautismo, ipinapakita mo na talagang gusto mong maging Saksi ni Jehova.—Isa. 43:10-12.
6. Ano ang ipinapakita ng ating bautismo?
6 Kapag nag-alay tayo sa Diyos at nagpabautismo, ipinapakita nating tayo ay pag-aari na ni Jehova. “Walang sinuman sa atin, sa katunayan, ang nabubuhay sa ganang sarili lamang, at walang sinumang namamatay sa ganang sarili lamang,” ang isinulat ni apostol Pablo, “sapagkat kapuwa kung nabubuhay tayo, nabubuhay tayo kay Jehova, at kung mamamatay tayo, mamamatay tayo kay Jehova. Kaya nga kapuwa kung nabubuhay tayo at kung mamamatay tayo, tayo ay kay Jehova.” (Roma 14:7, 8) Ipinakita ng Diyos na mahalaga tayo sa kaniya nang bigyan niya tayo ng kalayaang magpasiya. Kapag talagang desidido tayong itaguyod ang daang ito ng buhay dahil iniibig natin ang Diyos, napasasaya natin ang kaniyang puso. (Kaw. 27:11) Ang ating bautismo ay sagisag ng ating pag-aalay sa Diyos at isang pangmadlang kapahayagan na si Jehova ang ating Tagapamahala. Ipinapakita nito na panig tayo sa kaniya sa isyu ng pansansinukob na soberanya. (Gawa 5:29, 32) Dahil dito, nasa panig din natin si Jehova. (Basahin ang Awit 118:6.) Ang pagpapabautismo ay magbibigay sa atin ng marami pang espirituwal na mga pagpapala ngayon at sa hinaharap.
Pinagpalang Mapabilang sa Maibiging Kapatiran
7-9. (a) Ano ang tiniyak ni Jesus sa mga nag-iwan ng lahat ng bagay at sumunod sa kaniya? (b) Paano natutupad ang pangako ni Jesus sa Marcos 10:29, 30?
7 Sinabi ni apostol Pedro kay Jesus: “Narito! Iniwan na namin ang lahat ng mga bagay at sumunod sa iyo; ano nga ba talaga ang mayroon Mat. 19:27) Gustong malaman ni Pedro kung ano ang magiging kinabukasan niya at ng iba pang alagad ni Jesus. Para lubusang makapangaral tungkol sa Kaharian, gumawa sila ng malalaking sakripisyo. (Mat. 4:18-22) Ano ang tiniyak ni Jesus sa kanila?
para sa amin?” (8 Sa ulat ni Marcos, ipinahiwatig ni Jesus na magiging bahagi ng espirituwal na kapatiran ang kaniyang mga alagad. Sinabi niya: “Walang sinuman na nag-iwan ng bahay o mga kapatid na lalaki o mga kapatid na babae o ina o ama o mga anak o mga bukid alang-alang sa akin at alang-alang sa mabuting balita ang hindi tatanggap ng sandaang ulit ngayon sa yugtong ito ng panahon, ng mga bahay at mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae at mga ina at mga anak at mga bukid, kasama ng mga pag-uusig, at sa darating na sistema ng mga bagay ay ng buhay na walang hanggan.” (Mar. 10:29, 30) Ang unang-siglong mga Kristiyano, tulad nina Lydia, Aquila, Priscila, at Gayo, ay naglaan ng “mga bahay” at naging “mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae at mga ina” sa kanilang mga kapananampalataya, gaya ng ipinangako ni Jesus.—Gawa 16:14, 15; 18:2-4; 3 Juan 1, 5-8.
9 Nagkakaroon ngayon ng higit na katuparan ang sinabi ni Jesus. Ang “mga bukid” na iniiwan ng kaniyang mga tagasunod ay tumutukoy sa mga kabuhayan na handang iwan ng maraming kapatid—mga misyonero, miyembro ng pamilyang Bethel, internasyonal na lingkod, at iba pa—para pasulungin ang interes ng Kaharian sa iba’t ibang lupain. Iniwan ng maraming kapatid ang kanilang tahanan para mapasimple ang buhay nila. Natutuwa tayong marinig ang kanilang mga karanasan na nagpapakitang hindi sila pinabayaan ni Jehova at nagdulot sa kanila ng kaligayahan ang paglilingkod sa kaniya. (Gawa 20:35) Hindi lang iyan, bilang bahagi ng pandaigdig na Kristiyanong kapatiran, maaaring tamasahin ng lahat ng bautisadong lingkod ni Jehova ang mga pagpapalang dulot ng ‘paghanap muna sa kaharian at sa katuwiran ng Diyos.’—Mat. 6:33.
Ligtas sa “Lihim na Dako”
10, 11. Ano ang “lihim na dako ng Kataas-taasan”? Paano tayo makatatahan doon?
10 Ang pag-aalay at bautismo ay may isa pang pagpapala—ang pribilehiyong tumahan sa “lihim Awit 91:1.) Isa itong makasagisag na dako ng kaligtasan at katiwasayan—isang kalagayang ligtas sa espirituwal na pinsala. Tinawag itong “lihim na dako” dahil hindi ito alam ng mga hindi nakauunawa sa kaisipan ng Diyos at hindi nagtitiwala sa kaniya. Kapag namumuhay tayo ayon sa ating pag-aalay at lubusang nagtitiwala kay Jehova, para na rin nating sinasabi sa kaniya: “Ikaw ang aking kanlungan at aking moog, ang aking Diyos, na pagtitiwalaan ko.” (Awit 91:2) Ang Diyos na Jehova ang nagiging ligtas na tahanang dako natin. (Awit 91:9) Mayroon pa bang hihigit dito?
na dako ng Kataas-taasan.” (Basahin ang11 Kung tayo ay tumatahan sa “lihim na dako” ni Jehova, ipinapakita rin nito na pinagpala tayo ng pribilehiyong magkaroon ng malapít na kaugnayan sa kaniya. Nagsisimula ito sa pag-aalay at bautismo. Mapapatibay natin ang kaugnayang ito sa tulong ng pag-aaral ng Bibliya, taimtim na pananalangin, at lubusang pagsunod sa kaniya. (Sant. 4:8) Si Jesus ang may pinakamalapít na kaugnayan kay Jehova. Hindi kailanman humina ang pagtitiwala niya sa Maylalang. (Juan 8:29) Kung gayon, huwag na huwag tayong mag-alinlangan kay Jehova o sa kaniyang kakayahan at pagnanais na matulungan tayong tuparin ang ating panata sa pag-aalay. (Ecles. 5:4) Ang espirituwal na mga paglalaan ng Diyos sa kaniyang bayan ay matibay na patotoo na talagang mahal niya tayo at gusto niya tayong magtagumpay sa paglilingkod sa kaniya.
Pahalagahan ang Ating Espirituwal na Paraiso
12, 13. (a) Ano ang espirituwal na paraiso? (b) Paano natin matutulungan ang mga baguhan?
12 Ang pag-aalay at bautismo ay nagbubukas din ng daan para makatahan tayo sa pinagpalang espirituwal na paraiso—isang walang-katulad na espirituwal na kapaligiran. Kasama natin dito ang ating mga kapananampalataya na may pakikipagpayapaan sa Diyos na Jehova at sa isa’t isa. (Awit 29:11; Isa. 54:13) Walang anuman sa daigdig ang maikukumpara sa ating espirituwal na paraiso. Kitang-kita ito sa mga internasyonal na kombensiyon, kung saan ang ating mga kapatid mula sa iba’t ibang bansa, wika, at lahi ay nagsasama-sama nang may kapayapaan, pagkakaisa, at pag-ibig.
13 Ibang-iba ang ating espirituwal na paraiso sa kaawa-awang kalagayan ng daigdig sa ngayon. (Basahin ang Isaias 65:13, 14.) Sa pangangaral ng mensahe ng Kaharian, may pribilehiyo tayong anyayahan ang iba na pumasok sa espirituwal na paraiso. Isa ring pagpapala na tulungan ang mga baguhan sa kongregasyon na nangangailangan ng pagsasanay sa ministeryo. Maaari tayong hilingan ng mga elder na tulungan ang ilan sa mga baguhang ito, kung paanong ‘ipinaliwanag nina Aquila at Priscila kay Apolos ang daan ng Diyos nang may higit na kawastuan.’—Gawa 18:24-26.
Patuloy na Matuto Mula kay Jesus
14, 15. Anu-ano ang makatuwirang dahilan para patuloy na matuto mula kay Jesus?
14 May makatuwiran tayong mga dahilan para patuloy na matuto mula kay Jesus. Bago naging tao, napakatagal siyang nakasama ng kaniyang Ama sa paggawa. (Kaw. 8:22, 30) Alam niya na ang pinakamabuting daan ng buhay ay nakasentro sa paglilingkod sa Diyos at sa pagpapatotoo sa katotohanan. (Juan 18:37) Malinaw kay Jesus na ang pagsunod sa ibang daan ng buhay ay kamangmangan at pagiging makasarili. Alam niya na siya ay masusubok nang husto at papatayin. (Mat. 20:18, 19; Heb. 4:15) Bilang ating Huwaran, tinuruan niya tayo kung paano makapananatiling tapat.
15 Di-nagtagal pagkatapos ng bautismo ni Jesus, tinukso siya ni Satanas na iwan ang pinakamabuting daan ng buhay. Pero nabigo si Satanas. (Mat. 4:1-11) Makikita natin dito na anuman ang gawin ni Satanas, kaya nating manatiling tapat. Ang madalas na pinupuntirya niya ay ang mga malapit nang magpabautismo o ang mga kababautismo pa lamang. (1 Ped. 5:8) Baka salansangin tayo ng nagmamalasakit nating mga kapamilya dahil nakarinig sila ng maling impormasyon tungkol sa mga Saksi. Pero dahil sa mga pagsubok na iyon, nagkakaroon tayo ng pagkakataong maipakita ang magagandang katangiang Kristiyano, tulad ng pagiging magalang at mataktika, kapag nagpapatotoo tayo at sumasagot sa mga tanong. (1 Ped. 3:15) At maaari itong magkaroon ng positibong epekto sa mga nakikinig sa atin.—1 Tim. 4:16.
Manatili sa Pinakamabuting Daan ng Buhay!
16, 17. (a) Ayon sa Deuteronomio 30:19, 20, ano ang tatlong pangunahing kahilingan para magtamo ng buhay? (b) Paano sinuportahan nina Jesus, Juan, at Pablo ang isinulat ni Moises?
16 Mga 1,500 taon bago dumating si Jesus sa lupa, tinagubilinan ni Moises ang mga Israelita na piliin ang pinakamabuting daan ng buhay noon. Sinabi niya: “Kinukuha ko ang langit at ang lupa bilang mga saksi laban sa inyo ngayon, na inilagay ko ang buhay at kamatayan sa harap mo, ang pagpapala at ang sumpa; at piliin mo ang buhay upang manatili kang buháy, ikaw at ang iyong supling, sa pamamagitan ng pag-ibig kay Jehova na iyong Diyos, sa pamamagitan ng pakikinig sa kaniyang tinig at sa pamamagitan ng pananatili sa kaniya.” (Deut. 30:19, 20) Hindi naging tapat sa Diyos ang Israel. Pero ang sinabi ni Moises na tatlong pangunahing kahilingan para magtamo ng buhay ay hindi nagbago. Inulit ito ni Jesus at ng iba pa.
17 Una, ‘dapat nating ibigin si Jehova na ating Diyos.’ Ipinapakita nating iniibig natin ang Diyos kapag sumusunod tayo sa kaniyang matuwid na mga daan. (Mat. 22:37) Ikalawa, ‘dapat tayong makinig sa tinig ni Jehova’ sa pamamagitan ng pag-aaral ng Salita ng Diyos at pagsunod sa kaniyang mga utos. (1 Juan 5:3) Kailangan dito ang regular na pagdalo sa mga Kristiyanong pagpupulong, kung saan tinatalakay ang Bibliya. (Heb. 10:23-25) Ikatlo, ‘dapat tayong manatili kay Jehova.’ Anuman ang mapaharap sa atin, lagi sana tayong manampalataya sa Diyos at sumunod sa kaniyang Anak.—2 Cor. 4:16-18.
18. (a) Paano inilarawan ng The Watch Tower noong 1914 ang katotohanan? (b) Ano ang dapat nating madama tungkol sa liwanag ng katotohanan sa ngayon?
18 Napakalaking pagpapala ang mamuhay kasuwato ng katotohanan sa Bibliya! Noong 1914, ganito ang napakagandang komento ng The Watch Tower: ‘Tayo’y isang bayang pinagpala at maligaya, hindi ba? Ang ating Diyos ay tapat, hindi ba? Kung may nakaaalam ng mas mabuting bagay, iyon ang sundin niya. Kung may sinuman sa inyo na makakita ng anumang bagay na mas mabuti, sabihin sana ninyo sa amin. Wala nang hihigit pa sa nasumpungan namin sa Salita ng Diyos. Walang salitang makapaglalarawan sa kapayapaan, kagalakan, at pagpapalang idinulot sa amin ng malinaw na kaalaman tungkol sa tunay na Diyos. Ang Salaysay tungkol sa Karunungan, Katarungan, Kapangyarihan, at Pag-ibig ng Diyos ay lubusang nakatutugon sa hangarin ng aming isip at puso. Wala na kaming hahanapin pa. Wala nang ibang dapat hangarín kundi ang maunawaan pang higit ang kahanga-hangang Salaysay na ito.’ (The Watch Tower, Disyembre 15, 1914, pahina 377-378) Ganiyan pa rin ang pagpapahalaga natin sa espirituwal na liwanag at katotohanan. Sa katunayan, may mas matibay tayong dahilan ngayon para maging maligaya sa ‘paglakad sa liwanag ni Jehova.’—Isa. 2:5; Awit 43:3; Kaw. 4:18.
19. Bakit hindi na dapat magpatumpik-tumpik pa ang mga kuwalipikado sa bautismo?
19 Kung gusto mong ‘lumakad sa liwanag ni Jehova’ pero hindi ka pa isang nakaalay at bautisadong Kristiyano, huwag nang magpatumpik-tumpik pa. Gawin mo ang lahat upang maabot ang mga kahilingan ng Bibliya para sa bautismo—isang natatanging paraan para maipakita ang pagpapahalaga sa ginawa ng Diyos at ni Kristo alang-alang sa atin. Ibigay mo kay Jehova ang iyong pinakamahalagang pag-aari—ang iyong buhay. Ipakitang gusto mong gawin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniyang Anak. (2 Cor. 5:14, 15) Oo, ito ang pinakamabuting daan ng buhay!
Paano Mo Sasagutin?
• Ano ang isinasagisag ng ating bautismo?
• Anu-ano ang pagpapalang dulot ng pag-aalay sa Diyos at pagpapabautismo?
• Bakit napakahalagang matuto mula kay Jesus?
• Ano ang tutulong sa atin na makapanatili sa pinakamabuting daan ng buhay?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 25]
Ipinapakita ng iyong bautismo na pinili mo ang pinakamabuting daan ng buhay
[Mga larawan sa pahina 26]
Nasa “lihim na dako” ka na ba?