Mapagtatagumpayan Mo ang Kawalang-Katiyakan
Mapagtatagumpayan Mo ang Kawalang-Katiyakan
“TIYAK!” “Sigurado!” “Garantisado!” Malamang na maraming ulit mo nang narinig ang mga ekspresyong iyan. Gayunman, sa ating pang-araw-araw na buhay, walang gaanong katiyakan. Napakahirap hulaan ang mangyayari sa buhay anupat madalas tayong nagtatanong kung mayroon nga bang bagay na doo’y lubusan tayong makatitiyak. Waring bahagi na ng buhay ang pag-aalinlangan at kawalang-katiyakan.
Hindi kataka-taka, hangad ng karamihan ng mga tao ang katiwasayan at kaligayahan para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya. Nagtatrabaho sila nang puspusan upang magtamo ng mga bagay na pinaniniwalaan nilang magbibigay sa kanila ng kaligayahan at katiwasayan—karaniwan nang salapi at materyal na mga pag-aari. Subalit maaaring biglang maglaho ang gayong mga pag-aari dahil sa isang lindol, buhawi, aksidente, o marahas na krimen. Maaaring magbago ang buhay sa magdamag dahil sa karamdaman, diborsiyo, o kawalan ng trabaho. Totoo, maaaring hindi aktuwal na mangyari sa iyo ang gayong mga bagay. Gayunman, nakababalisa at nakababagabag na malamang may isang bagay na kakila-kilabot na maaaring mangyari sa iyo anumang oras. Subalit hindi lamang iyan ang problema.
Ang kawalang-katiyakan ay singkahulugan ng pag-aalinlangan, at binibigyang-kahulugan ng isang diksyunaryo ang “pag-aalinlangan” bilang “kawalang-katiyakan ng paniniwala o opinyon na kadalasang humahadlang sa pagpapasiya.” Karagdagan pa, ayon sa aklat na Managing Your Mind, ang “kawalang-katiyakan sa isang bagay na mahalaga ay isang pangunahing sanhi ng pagkabalisa at pag-aalala.” Ang di-malutas na pag-aalinlangan ay maaaring humantong sa kabalisahan, kabiguan, at galit. Oo, ang pag-aalala sa kung ano ang maaari o hindi maaaring mangyari ay makapipinsala sa ating mental at pisikal na kalusugan.
Dahil dito, kabaligtaran naman ang ginagawa ng ilang tao. Katulad sila ng kabataang taga-Brazil na nagsabing: “Bakit ka mababahala sa kung ano ang mangyayari? Ang ngayon ay ngayon, at ang bukas ay bukas.” Ang gayong nakasalig sa tadhanang saloobin na “kumain tayo at uminom” ay maaari lamang humantong sa kabiguan, kabagabagan, at kamatayan sa dakong huli. (1 Corinto 15:32) Mas makabubuti para sa atin na bumaling sa Maylalang, ang Diyos na Jehova, na sa kaniya ay “wala man lamang pagbabago sa pagbaling ng anino,” ang sabi ng Bibliya. (Santiago 1:17) Kung susuriin natin ang Salita ng Diyos, ang Bibliya, masusumpungan natin ang mahusay na payo at patnubay kung paano mapagtatagumpayan ang mga kawalang-katiyakan sa buhay. Matutulungan din tayo nito na maunawaan kung bakit napakaraming kawalang-katiyakan sa buhay.
Dahilan ng Kawalang-Katiyakan
Ang Kasulatan ay nagbibigay ng isang makatotohanang pangmalas sa buhay at tumutulong sa atin na linangin ang wastong saloobin tungkol sa kawalang-katiyakan at pagbabago. Bagaman ang mga ugnayan sa pamilya, katayuan sa lipunan, katalinuhan, Eclesiastes 9:11, 12.
mabuting kalusugan, at iba pa ay maaaring magbigay ng isang antas ng katiwasayan, ipinakikita ng Bibliya na hindi natin maaaring ipalagay na hindi magbabago ang gayong mga bagay o dapat man nating asahan ang isang buhay na walang problema. Ganito ang sinabi ng matalinong si Haring Solomon: “Ang takbuhan ay hindi sa matutulin, ni ang pagbabaka ay sa mga makapangyarihan, ni ang pagkain man ay sa marurunong, ni ang kayamanan man ay sa mga may-unawa, ni ang lingap man ay sa mga may kaalaman.” Bakit hindi? “Sapagkat ang panahon at ang di-inaasahang pangyayari ay sumasapit sa kanilang lahat.” Kaya, nagbabala si Solomon: “Tulad ng mga isda na nahuhuli sa masamang lambat, at tulad ng mga ibon na nahuhuli sa bitag, gayon nasisilo ang mga anak ng mga tao sa isang kapaha-pahamak na panahon, kapag ito ay biglang nahuhulog sa kanila.”—Tinukoy rin ni Jesu-Kristo ang isang panahon ng sukdulang kabalisahan at kawalang-katiyakan na mangyayari sa buong salinlahi ng mga tao. Sa malinaw na pananalita, sinabi niya: “Magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin, at sa lupa ay panggigipuspos ng mga bansa, na hindi malaman ang gagawin dahil sa pag-ugong ng dagat at sa pagdaluyong nito, samantalang ang mga tao ay nanlulupaypay dahil sa takot at sa paghihintay sa mga bagay na dumarating sa tinatahanang lupa; sapagkat ang mga kapangyarihan ng mga langit ay mayayanig.” Gayunman, binanggit ni Jesus ang isang bagay na positibo para sa tapat-pusong mga tao sa ngayon: “Kapag nakita ninyong nagaganap ang mga bagay na ito, alamin ninyo na ang kaharian ng Diyos ay malapit na.” (Lucas 21:25, 26, 31) Sa katulad na paraan, sa halip na matakot sa di-tiyak na kinabukasan, may pananampalataya tayo sa Diyos na tumutulong sa atin na makita ang nasa kabila pa ng kawalang-katiyakan, ang kalugud-lugod at matiwasay na kinabukasan.
‘May Lubos na Katiyakan ng Pag-asa’
Bagaman hindi tayo nakatitiyak tungkol sa lahat ng bagay na ating naririnig, nababasa, o nakikita, may makatuwirang dahilan tayo upang magtiwala sa Maylalang. Hindi lamang siya ang Kadaki-dakilaan kundi siya rin ang maibiging Ama na nagmamalasakit sa kaniyang makalupang mga anak. Tungkol sa kaniya mismong salita, sinabi ng Diyos: “Hindi ito babalik sa akin nang walang resulta, kundi gagawin nga nito yaong kinalulugdan ko, at ito ay tiyak na magtatagumpay sa bagay na pinagsuguan ko nito.”—Isaias 55:11.
Itinuro ni Jesu-Kristo ang katotohanan mula sa Diyos, at tinanggap ito ng maraming nakinig sa kaniya taglay ang pananalig at katiyakan. Halimbawa, sinabi ng isang pangkat ng tapat-pusong mga Samaritano sa babaing unang nakapakinig kay Jesus: “Hindi na kami naniniwala dahil sa iyong pananalita; sapagkat narinig namin mismo at alam namin na ang taong ito sa katunayan ang tagapagligtas ng sanlibutan.” (Juan 4:42) Gayundin sa ngayon, sa kabila ng pamumuhay sa mga panahon ng kawalang-katatagan, hindi tayo kailangang malito sa kung ano ang ating paniniwalaan.
May kinalaman sa relihiyosong paniniwala, marami ang may palagay na sa halip na sikaping maunawaan ito, tayo ay dapat na basta maniwala. Subalit hindi gayon ang palagay ng manunulat ng Bibliya na si Lucas. Nagsaliksik siya at nagbigay ng tumpak na impormasyon upang ‘malaman nang lubos ng iba ang katiyakan ng mga bagay’ na isinulat niya. (Lucas 1:4) Yamang maaaring ikabahala ng pamilya at mga kaibigan na hindi natin kapananampalataya na baka tayo ay masiphayo at mabigo, mahalaga na maipagtanggol natin ang ating pananampalataya. (1 Pedro 3:15) Matutulungan lamang natin ang iba na magtiwala sa Diyos kung nalalaman natin nang may katumpakan ang dahilan ng ating pinaniniwalaan. Inilalarawan ng Bibliya si Jehova sa mga pananalitang ito: “Ang Bato, sakdal ang kaniyang gawa, sapagkat ang lahat ng kaniyang mga daan ay katarungan. Isang Diyos ng katapatan, na sa kaniya ay walang masusumpungang kawalang-katarungan; matuwid at matapat siya.”—Deuteronomio 32:4.
Pansinin ang huling pananalita: “Matuwid at Gawa 10:34, 35) Sinabi ni Pedro ang mga salitang ito sapagkat nakita niya mismo kung paano pinangasiwaan ng kamay ng Diyos ang mga bagay-bagay upang ang isang pamilya ng mga Gentil, na dating itinuturing na marumi at hindi kaayaaya, ay naging kaayaaya sa Kaniya. Tulad ni Pedro, maaari rin tayong makumbinsi sa di-pagtatangi at katuwiran ng Diyos kapag nakita mismo ng ating mga mata ang “isang malaking pulutong” ng mga tao—mahigit nang anim na milyon sa ngayon—mula sa mahigit na 230 lupain sa buong lupa na tumalikod sa kanilang dating paraan ng pamumuhay at lumalakad sa daan ng katuwiran.—Apocalipsis 7:9; Isaias 2:2-4.
matapat siya.” Ano ang katibayan natin upang matiyak ito? Lubusang kumbinsido sa bagay na iyan si apostol Pedro. Sinabi niya sa isang Romanong opisyal at sa sambahayan nito: “Tunay ngang napag-uunawa ko na ang Diyos ay hindi nagtatangi, kundi sa bawat bansa ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran ay kaayaaya sa kaniya.” (Bilang mga tunay na Kristiyano, gusto nating maging mapagpakumbaba at makatuwiran, hindi panatiko o dogmatiko. Gayunman, hindi tayo nag-aalinlangan sa ating pinaniniwalaan at inaasahan sa hinaharap. Sa mga Kristiyano noong unang-siglo, sumulat si apostol Pablo: “Nais namin na ang bawat isa sa inyo ay magpakita ng gayunding kasipagan upang magkaroon ng lubos na katiyakan ng pag-asa hanggang sa wakas.” (Hebreo 6:11) Sa katulad na paraan, ang mabuting balita mula sa Bibliya ay nagdulot sa atin ng “lubos na katiyakan ng pag-asa.” Ang pag-asang iyan, na matibay na nakasalig sa Salita ng Diyos, ay “hindi umaakay sa kabiguan,” gaya ng ipinaliwanag din ni Pablo.—Roma 5:5.
Bukod diyan, lubusan tayong kumbinsido na ang pagtuturo sa iba ng mabuting balita mula sa Bibliya ay magdudulot sa kanila ng katiwasayan at katiyakan sa espirituwal, at maging sa emosyonal at pisikal na paraan. Maaari tayong sumang-ayon kay Pablo sa pagsasabing: “Ang mabuting balita na aming ipinangangaral ay hindi dumating sa gitna ninyo sa pamamagitan lamang ng pananalita kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan at sa pamamagitan ng banal na espiritu at matibay na pananalig.”—1 Tesalonica 1:5.
Mga Pagpapala sa Kasalukuyan Dahil sa Espirituwal na Katiwasayan
Bagaman hindi natin maaasahan ang ganap na katiwasayan sa buhay sa ngayon, may mga bagay na magagawa tayo na tutulong sa atin na magkaroon ng masasabing matatag at panatag na buhay. Halimbawa, nagdudulot ng katatagan ang regular na pakikisama sa Kristiyanong kongregasyon sa mga pagpupulong sapagkat tayo ay tinuturuan doon ng tama at magagaling na simulain at pamantayan. Sumulat si Pablo: “Magbigay ka ng utos doon sa mayayaman sa kasalukuyang sistema ng mga bagay na huwag maging mataas ang pag-iisip, at na ilagak ang kanilang pag-asa, hindi sa walang-katiyakang kayamanan, kundi sa Diyos, na saganang naglalaan sa atin ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan.” (1 Timoteo 6:17) Palibhasa’y natutong maglagak ng kanilang tiwala kay Jehova at hindi sa panandaliang materyal na mga bagay o mga kaluguran, naalis ng marami ang mga kabalisahan at mga kabiguang dati nilang tinitiis.—Mateo 6:19-21.
Sa kongregasyon, nasisiyahan din tayo sa magiliw na kapatiran, na nagbibigay ng tulong at alalay sa maraming paraan. Noong minsan sa kaniyang ministeryo, si apostol Pablo at ang kaniyang mga kasamang naglalakbay ay nakadama ng “sukdulang panggigipit” at “[kawalan ng] katiyakan maging sa [kanilang] buhay.” Saan nakasumpong si Pablo ng alalay at ginhawa? Sabihin pa, hindi kailanman nanghina ang kaniyang pagtitiwala sa Diyos. Gayunpaman, pinatibay at inaliw siya ng mga kapuwa Kristiyano na tumulong sa kaniya. (2 Corinto 1:8, 9; 7:5-7) Sa ngayon, kapag humampas ang likas na mga kasakunaan o iba pang kalamidad, paulit-ulit na ang ating Kristiyanong mga kapatid ang unang dumarating upang magbigay ng kinakailangang tulong sa materyal at espirituwal na paraan sa mga kapuwa Kristiyano gayundin sa iba pang nangangailangan.
Ang isa pang hakbanging tutulong sa atin na mapagtagumpayan ang mga kawalang-katiyakan sa buhay ay ang pananalangin. Sa tuwina’y makalalapit tayo sa ating maibigin at makalangit na Ama kapag tayo ay nasa ilalim ng di-inaasahang panggigipit. “Si Jehova ay magiging matibay na kaitaasan para sa sinumang nasisiil, isang matibay na kaitaasan sa mga panahon Awit 9:9) Maaaring hindi maipagsanggalang ng mga magulang na tao ang kanilang mga anak. Gayunman, ang Diyos ay handang tumulong sa atin upang mapagtagumpayan natin ang ating mga pangamba at mga damdamin ng kawalang-katiyakan. Sa pamamagitan ng paghahagis ng ating mga kabalisahan kay Jehova sa panalangin, makatitiyak tayo na “makagagawa [siya] ng ibayo pang higit sa lahat ng mga bagay na ating mahihingi o maiisip.”—Efeso 3:20.
ng kabagabagan.” (Regular ka bang lumalapit sa Diyos sa panalangin? Kumbinsido ka ba na ang iyong mga panalangin ay dinirinig ng Diyos? “Sinabihan ako ng aking nanay na dapat akong manalangin sa Diyos,” ang sabi ng isang kabataang babae sa São Paulo. “Subalit tinanong ko ang aking sarili: ‘Bakit ba ako makikipag-usap sa isa na hindi ko naman kilala?’ Gayunman, tinulungan ako ng Kawikaan 18:10 na maunawaang kailangan natin ang tulong ng Diyos at kailangan tayong makipag-usap sa kaniya sa panalangin.” Ang kasulatang iyan ay nagsasabi: “Ang pangalan ni Jehova ay matibay na tore. Doon tumatakbo ang matuwid at ipinagsasanggalang.” Tunay nga, paano tayo magkakaroon ng tiwala at pananalig kay Jehova kung hindi tayo regular na nakikipag-usap sa kaniya? Upang tamasahin ang mga pagpapala ng espirituwal na katiwasayan, kailangan nating ugaliin na taos-pusong manalangin araw-araw. Sinabi ni Jesus: “Manatiling gising, kung gayon, na nagsusumamo sa lahat ng panahon na magtagumpay kayo sa pagtakas mula sa lahat ng mga bagay na ito na nakatalagang maganap, at sa pagtayo sa harap ng Anak ng tao.”—Lucas 21:36.
Ang isa pang bagay na doo’y makatitiyak tayo ay ang ating pag-asa sa Kaharian ng Diyos. Pansinin ang pananalita sa Daniel 2:44: “Magtatatag ang Diyos ng langit ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. At ang kaharian ay hindi isasalin sa iba pang bayan. Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito, at iyon ay mananatili hanggang sa mga panahong walang takda.” Matibay ang pag-asang iyan at isa itong bagay na matitiyak natin. Kadalasang napapako ang mga pangako ng tao, subalit lagi tayong makapagtitiwala sa salita ni Jehova. Sa halip na hindi maaasahan, ang Diyos ay tulad ng isang malaking bato na ating mapananaligan. Madarama natin ang nadama ni David, na nagsabi: “Ang aking Diyos ang aking bato. Manganganlong ako sa kaniya, ang aking kalasag at aking sungay ng kaligtasan, ang aking matibay na kaitaasan, at aking dakong matatakasan, aking Tagapagligtas; mula sa karahasan ay inililigtas mo ako.”—2 Samuel 22:3.
Ganito pa ang sinabi ng nabanggit na aklat na Managing Your Mind: “Habang lalong pinag-iisipan ng isa ang di-kanais-nais na mga bagay na maaaring mangyari, mas malamang na maging totoo ito sa ating isip, at mas mahirap maunawaan kung paano mapagtatagumpayan ang mga ito.” Kung gayon, bakit natin pabibigatan ang ating mga sarili ng mga kabalisahan at mga pag-aalinlangan sa sanlibutan? Sa halip, halinhan ang mga kawalang-katiyakan ng sanlibutang ito ng mga katiyakan na ibinibigay ng Diyos. Sa pamamagitan ng panghahawakang mahigpit sa ating pananampalataya sa di-nabibigong mga pangako ni Jehova, taglay natin ang katiyakang ito: “Walang sinumang naglalagak sa kaniya ng kaniyang pananampalataya ang mabibigo.”—Roma 10:11.
[Blurb sa pahina 29]
Tinitiyak ng Salita ng Diyos ang mga pagpapala sa hinaharap para sa sangkatauhan
[Blurb sa pahina 30]
“Walang sinumang naglalagak sa kaniya ng kaniyang pananampalataya ang mabibigo”
[Larawan sa pahina 31]
Nagdudulot ng katiwasayan sa mga tao ang mabuting balita ng Kaharian