Mahalaga ang Pagtitiwala Para sa Isang Maligayang Buhay
Mahalaga ang Pagtitiwala Para sa Isang Maligayang Buhay
ANG pagkalason sa pagkain ay talagang hindi kaayaaya. Ang isang taong paulit-ulit na nakararanas nito ay kailangang maging lalong maingat sa kaniyang kaugalian sa pagkain. Subalit hindi naman makatotohanang opsyon na lubusan nang huwag kumain para lamang maiwasan ang panganib na malason sa pagkain. Ang paggawa nito ay lilikha ng mas maraming problema sa halip na makabuti. Ang isa ay hindi mabubuhay nang matagal kung walang pagkain.
Sa katulad na paraan, masakit ang ipagkanulo ka ng isa na pinagkakatiwalaan mo. Maaari nating pag-isipang mabuti ang ating pagpili ng mga kasama dahil sa paulit-ulit na pagsira sa pagtitiwala. Gayunman, hindi solusyon ang lubusang paglayo sa mga tao upang maiwasan ang panganib na ikaw ay biguin. Bakit hindi? Sapagkat ang kawalan ng tiwala sa iba ay nag-aalis sa atin ng sariling kaligayahan. Upang mamuhay nang kontento, kailangan natin ang mga ugnayang nakasalig sa pagtitiwala sa isa’t isa.
“Ang pagtitiwala ay mahalaga sa maayos na pakikitungo sa iba sa araw-araw,” komento ng aklat na Jugend 2002. “Ang lahat ay naghahangad ng pagtitiwala,” ang ulat ng pahayagang Neue Zürcher Zeitung. “Napabubuti ng pagtitiwala ang kalidad ng buhay” sa antas na ito ay “mahalaga para manatiling buháy.” Sa katunayan, ang sabi pa ng pahayagan, kung walang pagtitiwala, “hindi mahaharap ng isang tao ang buhay.”
Yamang isang mahalagang pangangailangan natin ang magtiwala sa isa, sino ang mapagkakatiwalaan natin nang hindi naman tayo nanganganib na mabigo?
Magtiwala Ka kay Jehova Nang Iyong Buong Puso
“Magtiwala ka kay Jehova nang iyong buong puso,” ang sabi sa atin ng Bibliya. (Kawikaan 3:5) Oo, paulit-ulit na hinihimok tayo ng Salita ng Diyos na magtiwala sa ating Maylalang, ang Diyos na Jehova.
Bakit tayo makapagtitiwala sa Diyos? Una, sapagkat ang Diyos na Jehova ay banal. Sumulat si propeta Isaias: “Banal, banal, banal si Jehova.” (Isaias 6:3) Hindi ba nakaaakit sa iyo ang diwa ng kabanalan? Ang totoo, dapat itong makaakit sa iyo sapagkat ang kabanalan ni Jehova ay nangangahulugang siya ay dalisay, malayo sa lahat ng masamang gawa, at lubusang mapananaligan. Hindi siya kailanman magiging tiwali o mapang-abuso, at imposibleng sirain niya ang ating pagtitiwala.
Bukod diyan, makapagtitiwala tayo sa 1 Juan 4:8) Ang pag-ibig ng Diyos ang nakaiimpluwensiya sa lahat ng kaniyang ginagawa. Dahil sa kabanalan ni Jehova at sa iba pa niyang namumukod-tanging mga katangian, masasabing siya ay isang huwarang Ama, isa na lubusan nating mapagkakatiwalaan. Walang anumang bagay at walang sinumang indibiduwal ang higit na mapagkakatiwalaan kaysa kay Jehova.
Diyos dahil sa kaniyang kakayahan at pagnanais na alalayan yaong mga naglilingkod sa kaniya. Halimbawa, ang kaniyang sukdulang kapangyarihan ang nagpapakilos sa kaniya. Ang kaniyang sakdal na katarungan at karunungan ang pumapatnubay sa kaniyang pagkilos. At ang kaniyang walang-katulad na pag-ibig ang gumaganyak sa kaniya na kumilos. “Ang Diyos ay pag-ibig,” ang sulat ni apostol Juan. (Magtiwala kay Jehova at Maging Maligaya
Ang isa pang makatuwirang dahilan upang magtiwala kay Jehova ay sapagkat mas nauunawaan niya tayo kaysa kaninuman. Alam niyang ang bawat tao ay may pangunahing pangangailangan para sa isang matiwasay, nagtatagal, at may pagtitiwalang kaugnayan sa Maylalang. Mas tiwasay yaong mga may gayong kaugnayan. “Maligaya ang matipunong lalaki na ginagawang kaniyang tiwala si Jehova,” ang naging konklusyon ni Haring David. (Awit 40:4) Milyun-milyon sa ngayon ang buong-pusong tumutulad sa kaisipan ni David.
Isaalang-alang ang ilang halimbawa. Si Doris ay tumira sa Dominican Republic, Alemanya, Gresya, at Estados Unidos. Sinabi niya: “Maligayang-maligaya ako sa paglalagak ng aking tiwala kay Jehova. Alam niya kung paano ako pangangalagaan sa pisikal, espirituwal, at emosyonal na paraan. Siya ang maaaring maging pinakamabuting kaibigan ng isang tao.” Ganito ang paliwanag ni Wolfgang, isang tagapayo hinggil sa batas: “Kasiya-siya na mayroon kang isa na maaasahan na talagang nababahala sa iyong kapakanan, isa na kayang gawin—at talaga namang gagawin—ang pinakamabuti para sa iyo!” Si Ham na isinilang sa Asia subalit naninirahan na ngayon sa Europa ay nagkomento: “Nagtitiwala ako na kontrolado ni Jehova ang lahat ng bagay, at hindi siya nagkakamali, kaya maligaya akong umaasa sa kaniya.”
Sabihin pa, bawat isa sa atin ay kailangang magtiwala hindi lamang sa ating Maylalang kundi sa mga tao rin naman. Kaya, si Jehova, bilang isang matalino at makaranasang kaibigan, ay nagpapayo sa atin kung anong uri ng mga tao ang dapat nating pagkatiwalaan. Sa pamamagitan ng masusing pagbabasa ng Bibliya, mabibigyan-pansin natin ang kaniyang payo hinggil sa bagay na ito.
Mga Taong Mapagkakatiwalaan Natin
“Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga taong mahal, ni sa anak man ng makalupang tao, na sa kaniya ay walang pagliligtas,” ang sulat ng salmista. (Awit 146:3) Ang kinasihang pangungusap na ito ay tumutulong sa atin na tanggaping maraming tao ang hindi karapat-dapat sa ating pagtitiwala. Kahit na yaong mga pinagpipitaganan bilang “mga taong mahal” sa daigdig na ito, gaya ng mga eksperto sa pantanging mga larangan ng kaalaman o gawain, ay hindi kaagad na nagiging karapat-dapat sa ating pagtitiwala. Ang kanilang patnubay ay kadalasang nagkakamali, at ang pagtitiwala sa gayong “mga taong mahal” ay agad na nauuwi sa kabiguan.
Mangyari pa, hindi naman tayo dapat mawalan ng tiwala sa lahat. Gayunman, maliwanag na kailangan tayong maging mapamili sa mga taong pagtitiwalaan natin. Anong pamantayan ang dapat Exodo 18:21) Ano ang matututuhan natin mula rito?
nating sundin? Makatutulong sa atin ang isang halimbawa mula sa sinaunang bansang Israel. Nang kinailangang humirang ng mga indibiduwal na babalikat ng mabibigat na pananagutan sa Israel, pinayuhan si Moises na “pumili mula sa buong bayan ng mga lalaking may kakayahan, natatakot sa Diyos, mga lalaking mapagkakatiwalaan, napopoot sa di-tapat na pakinabang.” (Ang mga ito ay mga lalaking nagpakita na ng makadiyos na mga katangian bago pa sila pinagkatiwalaan ng pananagutan. Napatunayan na nilang sila ay may takot sa Diyos; mayroon silang mabuting pagpipitagan sa Maylalang at natatakot sila na hindi siya mapalugdan. Maliwanag sa lahat na ginawa ng mga lalaking ito ang kanilang buong makakaya upang itaguyod ang mga pamantayan ng Diyos. Kinapootan nila ang di-tapat na pakinabang, na nagpapakita ng katatagan sa moral na hahadlang sa kanila na maging tiwali dahil sa kapangyarihan. Hindi nila aabusuhin ang pagtitiwala upang isulong ang kanilang sariling personal na mga kapakanan o yaong sa mga kamag-anak o mga kaibigan.
Hindi ba makabubuti sa atin na sundin ang gayunding pamantayan sa pagpili ng ating pagkakatiwalaan? May nakikilala ba tayong mga indibiduwal na ang paggawi ay nagpapakita na natatakot sila sa Diyos? Determinado ba silang manghawakan sa kaniyang mga pamantayan ng paggawi? Mayroon ba silang integridad upang umiwas sa paggawa ng mga bagay na hindi tama? Mayroon ba silang katapatan upang hindi manipulahin ang isang kalagayan ukol sa kanilang kapakinabangan o para makuha ang gusto nila? Tiyak na karapat-dapat sa ating pagtitiwala ang mga lalaki’t babae na nagpapakita ng gayong mga katangian.
Huwag Masiphayo sa Paminsan-minsang Kabiguan
Sa pagpapasiya kung sino ang ating mapagkakatiwalaan, kailangan tayong maging matiisin, yamang ang pagtitiwala ay nakakamit sa paglipas ng isang yugto ng panahon. Ang matalinong landasin ay unti-unting magtiwala sa isa. Paano? Buweno, maaari nating obserbahan ang paggawi ng isang tao sa loob ng isang yugto ng panahon, anupat minamasdan kung paano siya kumikilos sa ilang situwasyon. Mapagkakatiwalaan ba ang taong iyon sa maliliit na bagay? Halimbawa, isinasauli ba niya ang mga bagay na hiniram gaya ng ipinangako niya at tinutupad ba niya ang kaniyang mga tungkulin nang nasa oras? Kung gayon, madarama natin na maaari nating ipagkatiwala sa kaniya ang mas seryosong mga bagay. Kasuwato ito ng simulaing: “Ang taong tapat sa pinakakaunti ay tapat din sa marami.” (Lucas 16:10) Ang pagiging mapamili at matiisin ay makatutulong sa atin upang maiwasan ang malalaking kabiguan.
Kumusta naman kapag binigo tayo ng isang tao? Magugunita ng mga estudyante ng Bibliya na noong gabi na siya’y dakpin, si Jesu-Kristo ay lubhang binigo ng kaniyang mga apostol. Ipinagkanulo siya ni Hudas Iscariote, at ang iba naman ay tumakas dahil sa takot. Ikinaila pa nga ni Pedro si Jesus nang tatlong beses. Subalit napag-unawa ni Jesus na si Hudas lamang talaga ang kumilos nang sinasadya. Ang kabiguan sa gayong mahalagang panahon ay hindi nakahadlang kay Jesus upang tiyaking muli ang kaniyang pagtitiwala sa natitirang 11 apostol pagkaraan lamang ng ilang linggo. (Mateo 26:45-47, 56, 69-75; 28:16-20) Sa katulad na paraan, kung inaakala natin na sinira ng isa ang ating tiwala sa kaniya, makabubuting isaalang-alang natin kung ang inaakalang pagsira sa pagtitiwala ay katibayan ng isang di-mapagkakatiwalaang espiritu o ng isang pansamantalang kahinaan ng laman.
Mapagkakatiwalaan ba Ako?
Ang isa na nagpapasiyang maging mapamili sa kaniyang pagkakatiwalaan ay dapat maging patas at tanungin ang kaniyang sarili: ‘Mapagkakatiwalaan ba ako? Anu-anong makatuwirang mga pamantayan ng pagiging mapagkakatiwalaan ang dapat kong asahan sa aking sarili at sa iba?’
Tiyak na ang isang taong mapagkakatiwalaan ay laging nagsasalita ng katotohanan. (Efeso 4:25) Hindi niya binabago ang kaniyang pananalita upang bumagay sa kaniyang tagapakinig at magtamo ng personal na kapakinabangan. At kapag nangako siya, ginagawa ng taong mapagkakatiwalaan ang lahat ng kaya niya para tuparin ang kaniyang sinabi. (Mateo 5:37) Kung may magtapat sa kaniya, iingatan ng taong mapagkakatiwalaan ang pagiging kompidensiyal nito at hindi niya ito itsitsismis. Ang taong mapagkakatiwalaan ay tapat sa kaniyang asawa. Hindi siya nanonood ng pornograpya, hindi siya nagtutuon ng pansin sa makalamang mga pantasya, at hindi siya nakikipagligaw-biro. (Mateo 5:27, 28) Ang isa na karapat-dapat sa ating pagtitiwala ay nagpapagal upang kumita ng ikabubuhay para sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya at hindi siya naghahangad na magkapera kaagad sa ikapipinsala naman ng ibang tao. (1 Timoteo 5:8) Ang pagsasaisip ng gayong makatuwiran at maka-Kasulatang mga pamantayan ay tutulong sa atin na makilala ang mga taong mapagkakatiwalaan natin. Bukod pa riyan, ang pagsunod sa gayunding mga pamantayan ng paggawi ay tutulong sa bawat isa sa atin na maging karapat-dapat sa pagtitiwala ng iba.
Nakalulugod na mamuhay sa isang daigdig kung saan ang lahat ng tao ay mapagkakatiwalaan at kung saan ang mga kabiguan dahil sa pagsira sa pagtitiwala ay lipas na! Panaginip lamang ba iyan? Hindi kung para sa mga taong dinidibdib ang mga pangako ng Bibliya, sapagkat inihuhula ng Salita ng Diyos ang dumarating na magandang “bagong lupa” na doo’y walang panlilinlang, kasinungalingan, at pagsasamantala at wala ring lumbay, sakit, at maging kamatayan! (2 Pedro 3:13; Awit 37:11, 29; Apocalipsis 21:3-5) Hindi ba sulit na alamin ang higit pa tungkol sa pag-asang ito? Ang mga Saksi ni Jehova ay matutuwang magbigay sa iyo ng higit pang impormasyon tungkol dito at sa iba pang mahahalagang paksa.
[Larawan sa pahina 4]
Ang kawalan ng tiwala ay nag-aalis sa atin ng kaligayahan
[Larawan sa pahina 5]
Si Jehova ay lubusang karapat-dapat sa ating pagtitiwala
[Mga larawan sa pahina 7]
Tayong lahat ay nangangailangan ng mga ugnayang nakasalig sa pagtitiwala sa isa’t isa