Linangin ang Mapagbigay na Espiritu
Linangin ang Mapagbigay na Espiritu
WALANG taong isinisilang na may mapagbigay na espiritu. Ang likas na hilig ng sanggol ay sapatan ang sarili nitong gusto at pangangailangan, nang hindi inaalintana ang kapakanan maging ng mga tagapag-alaga niya. Gayunman, sa kalaunan, natututuhan ng bata na hindi umiinog sa kaniya ang daigdig. Kailangang isaalang-alang ang iba, at kailangan niyang matutuhan hindi lamang ang tumanggap kundi ang magbigay at magbahagi rin. Kailangang linangin ang mapagbigay na espiritu.
Hindi lahat ng nagbibigay—kahit pa nang sagana—ay may mapagbigay na espiritu. Nag-aabuloy ang ilan sa kawanggawa upang itaguyod ang kanilang sariling interes. Maaaring nag-aabuloy naman ang iba upang mapapurihan ng mga tao. Ngunit naiiba ang pagbibigay na ginagawa ng tunay na mga Kristiyano. Kung gayon, anu-anong katangian ng pagbibigay ang hinihimok sa Salita ng Diyos? Ang isang maikling pagsusuri sa pagbibigay na ginawa ng mga Kristiyano noong unang siglo ang sasagot sa tanong na iyan.
Mga Halimbawa ng Kristiyanong Pagbibigay
Ang Kristiyanong pagbibigay, gaya ng inilalarawan sa Bibliya, ay karaniwan nang “ang Hebreo 13:16; Roma 15:26) Hindi ito dapat gawin sa ilalim ng pamimilit. Sumulat si apostol Pablo: “Gawin ng bawat isa ang ayon sa ipinasiya niya sa kaniyang puso, hindi mabigat sa loob o sa ilalim ng pamimilit, sapagkat iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay.” (2 Corinto 9:7) Hindi rin dapat gawin ang pagbibigay sa layuning magpakitang-tao. Gayon nagkunwari sina Ananias at Sapira at pinagbayaran nila ito nang husto.—Gawa 5:1-10.
pagbabahagi ng mga bagay-bagay sa iba” na may tunay na pangangailangan. (Bumangon ang pangangailangang magbigay nang magtipon sa Jerusalem ang maraming Judio at proselita mula sa malalayong lugar para sa kapistahan ng Pentecostes noong 33 C.E. Doon “napuspos ng banal na espiritu at nagsimulang magsalita ng iba’t ibang wika” ang mga tagasunod ni Jesus. Nagtipon at nakinig sa nakaaantig-damdaming pahayag ni Pedro tungkol kay Jesu-Kristo ang isang malaking pulutong sa palibot nila. Nang maglaon, nakita ng mga tao kung paano pinagaling nina Pedro at Juan ang isang pilay na lalaki sa pinto ng templo, at narinig nilang nagsasalitang muli si Pedro tungkol kay Jesus at sa pangangailangang magsisi. Libu-libo ang nagsisi at nabautismuhan bilang mga tagasunod ni Kristo.—Gawa, kabanata 2 at 3.
Nais ng mga bagong kumberte na manatili sa Jerusalem at tumanggap ng higit pang turo mula sa mga apostol ni Jesus. Ngunit paano mapaglalaanan ng mga apostol ang mga pangangailangan ng lahat ng bisitang iyon? Sinasabi sa atin ng ulat sa Bibliya: “Ipinagbili ng lahat ng mga nagmamay-ari ng mga bukid o mga bahay ang mga ito at dinala ang halaga ng mga bagay na ipinagbili at inilagay nila ang mga iyon sa paanan ng mga apostol. At ginagawa naman ang pamamahagi sa bawat isa, ayon sa kaniyang pangangailangan.” (Gawa 4:33-35) Talagang may mapagbigay na espiritu ang bagong-tatag na kongregasyon sa Jerusalem!
Nang maglaon, nagpakita ng gayunding mapagbigay na espiritu ang ibang kongregasyon. Halimbawa, ang mga Kristiyanong taga-Macedonia, bagaman mga dukha rin mismo, ay nag-ambag nang higit sa kanilang talagang kakayahang mag-abuloy sa nangangailangan nilang mga kapatid sa Judea. (Roma 15:26; 2 Corinto 8:1-7) Namumukod-tangi ang kongregasyon sa Filipos sa pagsuporta nito sa ministeryo ni Pablo. (Filipos 4:15, 16) Araw-araw namahagi ng pagkain sa nagdarahop na mga babaing balo ang kongregasyon mismo sa Jerusalem, at nag-atas ang mga apostol ng pitong kuwalipikadong lalaki na titiyak na walang mapababayaang karapat-dapat na mga babaing balo.—Gawa 6:1-6.
Mabilis kumilos ang sinaunang Kristiyanong mga kongregasyon maging noong may inaasahang mahihirap na panahon. Halimbawa, nang ihula ni propeta Agabo ang darating na malaking taggutom, ang mga alagad sa kongregasyon sa Antioquia ng Syria “ay nagpasiya, bawat isa sa kanila ayon sa makakayanan ng sinuman, na magpadala ng tulong bilang paglilingkod sa mga kapatid na nakatira sa Judea.” (Gawa 11:28, 29) Kay-inam na espiritu ang ipinakita nila sa inaasahang pangangailangan ng iba!
Ano ang nag-udyok sa sinaunang mga Kristiyano na maging lubhang bukas-palad at maibigin? Paano nga kaya makapagtatamo ang isa ng mapagbigay na espiritu? Marami tayong matututuhan sa maikling pagsasaalang-alang sa halimbawa ni Haring David.
Ang Bukas-Palad na Pagsuporta ni David sa Tunay na Pagsamba
Sa loob ng halos 500 taon, walang permanenteng dakong lagayan ang kaban ng tipan—isang banal na kahon na kumakatawan sa presensiya ni Jehova. Ito ay nasa tolda, o tabernakulo, na inililipat-lipat ng lugar noong gumagala-gala ang Israel sa ilang at hanggang sa makarating sa Lupang Pangako. Masidhing ninasa ni Haring David na ilipat ang kaban mula sa kinalalagyan nitong tolda at magtayo ng angkop na bahay para kay Jehova na paglalagyan ng banal na kaban. Nang kausap niya si propeta Natan, sinabi ni David: “Narito, ako ay tumatahan sa isang bahay na yari sa mga sedro, ngunit ang kaban ng tipan ni Jehova ay nasa ilalim ng mga telang pantolda.”—1 Cronica 17:1.
Subalit si David ay isang lalaking mandirigma. Kaya iniutos ni Jehova na ang kaniyang anak na si Solomon, sa panahon ng mapayapang paghahari, ang magtatayo ng templo na paglalagyan ng kaban ng tipan. (1 Cronica 22:7-10) Gayunman, hindi nito pinigil ang mapagbigay na espiritu ni David. Pagkatapos mag-organisa ng isang napakalaking grupo ng mga manggagawa, naglaan siya ng mga materyales na gagamitin sa pagtatayo ng templo. Sinabi niya nang dakong huli kay Solomon: “Naghanda ako para sa bahay ni Jehova ng isang daang libong talento na ginto at isang milyong talento na pilak, at walang paraan upang timbangin ang tanso at ang bakal dahil sa karamihan niyaon; at mga troso at mga bato ay inihanda ko.” (1 Cronica 22:14) Hindi pa nakontento rito, mula sa kaniyang personal na kayamanan, si David ay nag-abuloy ng ginto at pilak na may halaga sa ngayon na mahigit sa $1,200,000,000. Karagdagan pa, sagana ring nag-abuloy ang mga prinsipe. (1 Cronica 29:3-9) Tunay ngang nagpakita ng bukas-palad at mapagbigay na espiritu si David!
Ano ang gumanyak kay David para bukas-palad na magbigay? Natanto niya na ang lahat ng kaniyang natamo at naisagawa ay bunga ng pagpapala ni Jehova. Kinilala niya sa panalangin: “O Jehova na aming Diyos, ang lahat ng kasaganaang ito na inihanda namin upang ipagtayo ka ng isang bahay para sa iyong banal na pangalan, mula ito sa iyong kamay, at sa iyo ang lahat ng ito. At nalalaman kong lubos, O Diyos ko, na ikaw ay tagasuri ng puso, at nalulugod ka sa pagkamatuwid. Ako, sa ganang akin, sa katapatan ng aking puso ay kusang-loob akong naghandog ng lahat ng bagay na ito, at ngayon ay nasisiyahan akong makita 1 Cronica 29:16,17) Iningatan ni David ang kaniyang kaugnayan kay Jehova. Kinilala niya ang pangangailangang maglingkod sa Diyos “nang may sakdal na puso at may nakalulugod na kaluluwa,” at nakasumpong siya ng kagalakan sa paggawa nito. (1 Cronica 28:9) Ang mga katangian ding ito ang nagpakilos sa sinaunang mga Kristiyano upang magpakita ng mapagbigay na espiritu.
ang iyong bayan na narito at naghahandog nang kusang-loob sa iyo.” (Si Jehova—Ang Pinakadakilang Tagapagbigay
Kay Jehova tayo makasusumpong ng pinakamainam na halimbawa ng pagbibigay. Napakamaibigin at napakamapagmalasakit niya anupat “pinasisikat niya ang kaniyang araw sa mga taong balakyot at sa mabubuti at nagpapaulan sa mga taong matuwid at sa mga di-matuwid.” (Mateo 5:45) Nagbibigay siya sa lahat ng tao “ng buhay at ng hininga at ng lahat ng mga bagay.” (Gawa 17:25) Gaya nga ng binanggit ng alagad na si Santiago, “ang bawat mabuting kaloob at ang bawat sakdal na regalo ay mula sa itaas, sapagkat bumababa ito mula sa Ama ng makalangit na mga liwanag.”—Santiago 1:17.
Ang pinakadakilang kaloob ni Jehova sa atin ay ang pagbibigay ng kaniyang “bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa Juan 3:16) Walang sinumang makapag-aangkin na karapat-dapat siya sa gayong kaloob, “sapagkat ang lahat ay nagkasala at nagkukulang sa kaluwalhatian ng Diyos.” (Roma 3:23, 24; 1 Juan 4:9, 10) Ang pantubos ni Kristo ang saligan at alulod ng “di-mailarawang kaloob na walang bayad” ng Diyos, samakatuwid nga, ang “nakahihigit na di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos.” (2 Corinto 9:14, 15) Dahil nagpapahalaga siya sa kaloob ng Diyos, naging pangunahin sa buhay ni Pablo ang “lubusang magpatotoo sa mabuting balita tungkol sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos.” (Gawa 20:24) Kinilala niyang kalooban ng Diyos na “ang lahat ng uri ng mga tao ay maligtas at sumapit sa tumpak na kaalaman sa katotohanan.”—1 Timoteo 2:4.
kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Sa ngayon, isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng malaking gawaing pangangaral at pagtuturo na umabot na sa 234 na lupain sa buong lupa. Inihula ni Jesus ang paglawak na ito nang sabihin niya: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.” (Mateo 24:14) Oo, “sa lahat ng mga bansa ay kailangang ipangaral muna ang mabuting balita.” (Marcos 13:10) Mahigit sa anim na milyong tagapaghayag ng mabuting balita ang gumugol noong nakaraang taon ng 1,202,381,302 oras sa gawaing ito at nagdaos ng mahigit sa 5,300,000 pag-aaral sa Bibliya. Dahil mga buhay ang nakataya, napakahalaga ng pagtuturong ito.—Roma 10:13-15; 1 Corinto 1:21.
Milyun-milyong publikasyon—pati na mga Bibliya, aklat, at brosyur—ang inililimbag taun-taon upang tulungan ang mga nagugutom sa katotohanan sa Bibliya. Bukod dito, mahigit sa isang bilyong kopya ng mga magasing Bantayan at Gumising! ang iniimprenta. Habang tumutugon ang mga tao sa mabuting balita, parami nang parami ang itinatayong mga Kingdom Hall at Assembly Hall ng mga Saksi ni Jehova, na nagsisilbing mga sentro ng pagtuturo sa Bibliya. Nagsasaayos sa bawat taon ng mga pansirkitong asamblea at mga pantanging araw ng asamblea, pati na mga pandistritong asamblea. Nagpapatuloy hanggang ngayon ang pagsasanay sa mga misyonero, mga naglalakbay na tagapangasiwa, mga matatanda, at mga ministeryal na lingkod. Nagpapasalamat tayo kay Jehova sa paglalaan ng lahat ng ito sa pamamagitan ng “tapat at maingat na alipin.” (Mateo 24:45-47) Tunay ngang nalulugod tayong ipahayag ang ating pasasalamat sa Kaniya!
Pagpapakita ng Pasasalamat kay Jehova
Gaya sa pagtatayo ng templo at pagtustos sa pangangailangan ng sinaunang Kristiyanong mga kongregasyon, ang pagtustos sa lahat ng bagay na ito ay pawang mula sa kusang-loob na mga abuloy. Gayunman, dapat tandaan na walang taong makapagpapayaman kay Jehova, ang May-ari ng lahat ng bagay. (1 Cronica 29:14; Hagai 2:8) Kung gayon, ang mga abuloy ay katibayan ng ating pag-ibig kay Jehova at ng ating pagnanais na pasulungin ang tunay na pagsamba. Ang mga kapahayagang ito ng pagkabukas-palad, ayon kay Pablo, ay gumagawa “ng kapahayagan ng pasasalamat sa Diyos.” (2 Corinto 9:8-13) Pinasisigla ni Jehova ang gayong pagbibigay sapagkat ipinakikita nito na tayo ay may tamang espiritu at mabuting puso sa kaniya. Pagpapalain ni Jehova at lalago sa espirituwal yaong mga bukas-palad at umaasa sa kaniya. (Deuteronomio 11:13-15; Kawikaan 3:9, 10; 11:25) Tiniyak sa atin ni Jesus na kaligayahan ang magiging bunga nang sabihin niya: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.”—Gawa 20:35.
Hindi lamang basta naghihintay ng mga kagipitan ang mga Kristiyanong may mapagbigay na espiritu. Sa halip, naghahanap sila ng mga pagkakataon upang “gumawa . . . ng mabuti sa lahat, ngunit lalo na roon sa mga may kaugnayan sa [kanila] sa pananampalataya.” (Galacia 6:10) Yamang pinasisigla ang makadiyos na pagkabukas-palad, sumulat si Pablo: “Huwag ninyong kalilimutan ang paggawa ng mabuti at ang pagbabahagi ng mga bagay-bagay sa iba, sapagkat sa gayong mga hain ay lubos na nalulugod ang Diyos.” (Hebreo 13:16) Lubhang kalugud-lugod sa Diyos na Jehova ang paggamit natin ng ating mga tinatangkilik—panahon, lakas, salapi—upang tulungan ang iba at itaguyod ang tunay na pagsamba. Tunay ngang pinahahalagahan niya ang mapagbigay na espiritu.
[Kahon/Larawan sa pahina 28, 29]
Mga Paraan na Ginagamit ng Ilan sa Pagbibigay
MGA KONTRIBUSYON SA PAMBUONG-DAIGDIG NA GAWAIN
Marami ang nagbubukod, o nagtatabi, ng isang halaga na inilalagay nila sa mga kahon ng kontribusyon na may markang “Contributions for the Worldwide Work—Matthew 24:14.”
Bawat buwan, ipinadadala ng mga kongregasyon ang mga halagang ito sa tanggapan ng mga Saksi ni Jehova na naglilingkod sa kani-kanilang mga bansa. Ang kusang-loob na mga donasyong salapi ay maaari ring tuwirang ipadala sa Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, Inc., P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa tanggapang pansangay na naglilingkod sa inyong bansa. Dapat ipangalan ang tseke sa “Watch Tower.” Ang mga alahas o iba pang mahahalagang bagay ay maaari ring iabuloy. Dapat ilakip sa mga abuloy na ito ang isang maikling liham na nagsasabing iyon ay isang tuwirang kaloob.
KAAYUSAN SA KONDISYONAL NA DONASYON
Maaaring mag-abuloy ng salapi sa ilalim ng pantanging kaayusan na sakaling hilingin ng nagkaloob, ang donasyon ay maibabalik sa kaniya. Para sa higit pang impormasyon, pakisuyong makipag-ugnayan sa Office of the Secretary and Treasurer sa nabanggit na adres sa itaas.
PAGPAPLANO SA PAGKAKAWANGGAWA
Bukod pa sa tuwirang mga kaloob na salapi at kondisyonal na mga donasyong salapi, may iba pang paraan ng pagbibigay para sa kapakinabangan ng paglilingkod sa Kaharian sa buong daigdig. Kasali sa mga ito ang:
Seguro: Ang Samahang Watch Tower ay maaaring gawing benepisyaryo ng isang polisa sa seguro sa buhay o ng isang plano sa pagreretiro/pensiyon.
Deposito sa Bangko: Ang mga deposito sa bangko, sertipiko ng deposito, o indibiduwal na mga deposito sa pagreretiro ay maaaring ipagkatiwala o ibayad kapag namatay sa Samahang Watch Tower, ayon sa mga kahilingan ng bangko sa inyong lugar.
Mga Aksiyon at Bono: Ang mga aksiyon at bono ay maaaring ibigay na donasyon sa Samahang Watch Tower bilang tuwirang kaloob.
Lupa’t Bahay: Ang maipagbibiling lupa’t bahay ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng alinman sa tuwirang pagkakaloob o, kapag bahay, pagrereserba niyaon bilang tirahan ng nagkaloob, na makapagpapatuloy manirahan doon habang buhay. Makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay sa inyong bansa bago ilipat ang titulo ng anumang lupa’t bahay.
Gift Annuity: Ang gift annuity ay isang kaayusan kung saan ang isa ay maaaring maglipat ng salapi o mga seguridad sa Samahang Watch Tower. Kapalit nito, ang nagkaloob, o isa na itinalaga ng nagkaloob, ay tatanggap ng espesipikong kabayarang annuity bawat taon habang buhay. Ang nagkaloob ay tatanggap ng bawas sa buwis na ipinapataw sa kita sa taóng isinaayos ang gift annuity.
Testamento at Pagkakatiwala: Ang mga ari-arian o salapi ay maaaring ipamana sa Samahang Watch Tower sa pamamagitan ng isang testamentong isinulat ayon sa legal na paraan, o ang Samahang Watch Tower ay maaaring gawing benepisyaryo ng isang kasunduan sa pagkakatiwala. Ang isang pagkakatiwala para sa pakinabang ng organisasyong relihiyoso ay maaaring magbigay ng ilang bentaha sa pagbubuwis.
Gaya ng ipinahihiwatig ng pananalitang “pagpaplano sa pagkakawanggawa,” ang ganitong uri ng mga donasyon ay karaniwan nang nangangailangan ng pagpaplano sa bahagi ng nagkaloob. Upang matulungan ang mga indibiduwal na nagnanais magbigay ng kaloob sa pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng isang anyo ng pagpaplano sa pagkakawanggawa, isang brosyur ang inihanda sa wikang Ingles at Kastila na pinamagatang Charitable Planning to Benefit Kingdom Service Worldwide. Ang brosyur ay isinulat bilang tugon sa maraming tanong na natanggap hinggil sa mga kaloob, testamento, at pagkakatiwala. Naglalaman din ito ng karagdagang impormasyon na makatutulong hinggil sa pagpaplano sa ari-arian, pananalapi, at pagbubuwis. Nagbibigay ito ng impormasyon sa mga indibiduwal hinggil sa iba’t ibang paraan na maaaring magbigay ng kaloob sa ngayon o pagkamatay sa pamamagitan ng pag-iiwan ng pamana. Matapos mabasa ang brosyur at sumangguni sa kani-kanilang sariling mga tagapayo sa batas o buwis at sa Charitable Planning Office, marami ang nakatulong sa mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig at kasabay nito, nakakuha ng malaking kapakinabangan sa buwis nila sa paggawa nito. Maaaring makuha ang brosyur na ito sa pamamagitan ng tuwirang paghiling mula sa Charitable Planning Office.
Para sa higit pang impormasyon, maaari kang makipag-ugnayan sa Charitable Planning Office, sa pamamagitan ng sulat o tawag sa telepono, sa adres na nakatala sa ibaba o sa tanggapan ng mga Saksi ni Jehova na naglilingkod sa inyong bansa.
Charitable Planning Office
Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, Inc.
186 Roosevelt Avenue
San Francisco del Monte
1105 Quezon City
Telepono: (02) 411-6090
[Larawan sa pahina 26]
Ano ang nag-udyok sa sinaunang mga Kristiyano na maging bukas-palad?