Paano Ka Matutulungan ng Tunay na mga Santo?
Paano Ka Matutulungan ng Tunay na mga Santo?
SA Kasulatan, ang Griegong salita na isinaling “santo” sa ilang bersiyon ay maaaring isalin na “isa na banal.” Kanino ikinakapit ang terminong iyon? “Sa pangmaramihan, kapag ikinakapit sa mga mananampalataya,” ang sabi ng An Expository Dictionary of New Testament Words, “tumutukoy ito sa lahat ng mananampalataya at hindi lamang ito kumakapit sa mga taong nagpamalas ng bukod-tanging kabanalan, o sa mga namatay na kinakitaan ng bukod-tanging mga gawa ng kabayanihan.”
Kaya tinukoy ni apostol Pablo ang lahat ng sinaunang Kristiyano bilang tunay na mga santo, o mga banal. Halimbawa, noong unang siglo C.E., sumulat siya ng isang liham para sa “kongregasyon ng Diyos na nasa Corinto, kasama ang lahat ng mga banal na nasa buong Acaya [na probinsiya sa Roma].” (2 Corinto 1:1) Nang maglaon, sumulat si Pablo ng isang liham “sa lahat ng mga nasa Roma bilang mga minamahal ng Diyos, tinawag upang maging mga santo.” (Roma 1:7, talababa *) Ang mga banal na ito ay maliwanag na hindi pa namatay, ni nabigyan man ng pantanging pagkilala dahil sa kanilang bukod-tanging kagalingan, na nakahihigit sa iba pang mga mananampalataya. Saan nakasalig ang pagkilala sa kanila bilang mga santo?
]Pinabanal ng Diyos
Ipinakikita ng Salita ng Diyos na hindi mga tao o isang organisasyon ang nagdedeklara na ang isa ay santo. Sinasabi ng Kasulatan: “Iniligtas [tayo ng Diyos] at tinawag tayo sa isang banal na pagtawag, hindi dahilan sa ating mga gawa, kundi dahilan sa kaniyang sariling layunin at di-sana-nararapat na kabaitan.” (2 Timoteo 1:9) Ang isa ay nagiging banal dahil sa pagtawag ni Jehova, ayon sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos at kasuwato ng Kaniyang layunin.
Ang mga banal ng kongregasyong Kristiyano ay kabilang sa “isang bagong tipan.” Ang itinigis na dugo ni Jesu-Kristo ang nagpapatibay sa tipang ito at nagpapabanal sa mga kabilang dito. (Hebreo 9:15; 10:29; 13:20, 24) Palibhasa’y malinis na sa paningin ng Diyos, sila ay ‘isang banal na pagkasaserdote at naghahandog ng espirituwal na mga haing kaayaaya sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo.’—1 Pedro 2:5, 9.
Pamamanhik at Pamamagitan ng mga Santo
Sa paniniwalang makapagbibigay ang mga “santo” ng pantanging kapangyarihan sa mga mananampalataya, pinagpipitaganan sila ng milyun-milyong tao sa pamamagitan ng paggamit ng mga relikya o ng pamamanhik sa kanila bilang mga tagapamagitan. Ito ba ay turo ng Bibliya? Sa Sermon sa Bundok, itinuro ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod kung paano lalapit sa Diyos, na sinasabi: “Manalangin kayo, kung gayon, sa Mateo 6:9) Sa Diyos na Jehova lamang angkop na iukol ang mga panalangin.
ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan.’ ” (Sa pagsisikap na suhayan na namamagitan talaga ang mga “santo,” sinisipi ng ilang teologo ang Roma 15:30, kung saan mababasa natin: “Pinapayuhan ko kayo, mga kapatid, sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo at sa pamamagitan ng pag-ibig ng espiritu, na magpunyagi kayong kasama ko sa pananalangin sa Diyos para sa akin.” Pinasisigla ba ni Pablo ang mga mananampalatayang iyon na manalangin sa kaniya o mamanhik sa kaniyang pangalan sa paglapit sa Diyos? Hindi. Bagaman pinasisigla sa Bibliya ang pananalangin alang-alang sa tunay na mga santo, o sa mga banal, walang masusumpungan doon na tayo’y inuutusan ng Diyos na manalangin sa mga banal na iyon o sa pamamagitan nila.—Filipos 1:1, 3, 4.
Gayunman, may inatasan ang Diyos na isang Tagapamagitan para sa ating mga panalangin. “Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay,” ang sabi ni Jesu-Kristo. “Walang sinumang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Sinabi rin ni Jesus: “Anuman ang inyong hingin sa pangalan ko, gagawin ko ito, upang ang Ama ay maluwalhati may kaugnayan sa Anak. Kung hihingi kayo ng anumang bagay sa pangalan ko, gagawin ko iyon.” (Juan 14:6, 13, 14) Makapagtitiwala tayo na si Jehova ay handang makinig sa mga panalanging sinasambit sa pangalan ni Jesus. Ganito ang sinasabi ng Bibliya hinggil kay Jesus: “Nagagawa rin niyang iligtas nang lubusan yaong mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya ay laging buháy upang makiusap [“mamagitan,” talababa ng Ref. Bi.] para sa kanila.”—Hebreo 7:25.
Kung si Jesus ay handang mamagitan alang-alang sa atin, bakit ang mga mananamba ng Sangkakristiyanuhan ay madalas na namamanhik sa mga “santo” sa panalangin? Sa kaniyang aklat na The Age of Faith, tinalunton ng istoryador na si Will Durant ang pinagmulan ng kaugaliang ito. Bagaman binabanggit na kinatatakutan ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat at waring si Jesus ang mas madaling lapitan, sinabi ni Durant: “Bibihira ang mangangahas na tuwirang makipag-usap kay [Jesus] matapos ipagwalang-bahala nang lubusan ang Kaniyang mga Kapahayagan [sa Sermon sa Bundok]. Waring mas matalino na manalangin sa isang santo na napunta sa langit dahil sa kanonisasyon, at mamanhik sa santo na mamagitan kasama ni Kristo.” Makatuwiran kaya ang ganitong mga pagkabahala?
Itinuturo sa atin ng Bibliya na sa pamamagitan ni Jesus ay maaari tayong magkaroon ng “kalayaan sa pagsasalita at paglapit taglay ang pagtitiwala” sa Efeso 3:11, 12) Ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ay hindi naman napakalayo sa sangkatauhan upang dinggin ang ating mga panalangin. May pagtitiwalang nanalangin ang salmistang si David: “O Dumirinig ng panalangin, sa iyo nga ay paroroon ang mga tao mula sa lahat ng laman.” (Awit 65:2) Sa halip na idaan ang kapangyarihan sa mga relikya ng namatay na mga “santo,” ibinubuhos ni Jehova ang kaniyang banal na espiritu sa mga humihiling nito salig sa pananampalataya. Nangatuwiran si Jesus: “Kung kayo, bagaman balakyot, ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, lalo pa ngang higit na ang Ama sa langit ay magbibigay ng banal na espiritu doon sa mga humihingi sa kaniya!”—Lucas 11:13.
pananalangin sa Diyos. (Ang Papel ng mga Banal
Ang mga banal na sinulatan ni Pablo ay matagal nang namatay at nang maglaon ay tumanggap ng “korona ng buhay,” isang pagkabuhay-muli sa langit. (Apocalipsis 2:10) Natatanto ng mga mananamba ng Diyos na Jehova na ang pagpipitagan sa tunay na mga santong ito ay di-makakasulatan at hindi makapagdudulot ng proteksiyon sa sakit, mga likas na sakuna, kawalang-katatagan sa kabuhayan, pagtanda, o kamatayan. Kung gayon, baka maitanong mo, ‘Talaga bang nagmamalasakit sa atin ang mga banal ng Diyos? Dapat ba tayong umasa na kikilos sila alang-alang sa atin?’
May malaking bahagi ang mga banal sa isang hula na iniulat ni Daniel. Noong ikaanim na siglo B.C.E., nakita niya ang isang nakaaantig na pangitain, na ang katuparan ay umaabot sa ating panahon. Mula sa dagat ay may lumitaw na apat na nakatatakot na mga hayop na sumasagisag sa mga pamahalaan ng tao, na hindi makatugon sa mga tunay na pangangailangan ng sangkatauhan. Pagkatapos ay inihula ni Daniel: “Ngunit tatanggapin ng mga banal ng Kadaki-dakilaan ang kaharian, at aariin nila ang kaharian sa panahong walang takda, maging sa panahong walang takda hanggang sa mga panahong walang takda.”—Daniel 7:17, 18.
Pinatotohanan ni Pablo ang “mana[ng ito] para sa mga banal,” iyon ay ang pagiging mga kasamang tagapagmana ni Kristo sa langit. (Efeso 1:18-21) Ang dugo ni Jesus ang nagbukas ng daan para buhaying-muli ang 144,000 banal tungo sa makalangit na kaluwalhatian. Ipinahayag ni apostol Juan: “Maligaya at banal ang sinumang may bahagi sa unang pagkabuhay-muli; sa mga ito ay walang awtoridad ang ikalawang kamatayan, kundi sila ay magiging mga saserdote ng Diyos at ng Kristo, at mamamahala sila bilang mga hari na kasama niya sa loob ng isang libong taon.” (Apocalipsis 20:4, 6; 14:1, 3) Sa pangitain, narinig ni Juan ang isang hukbo ng makalangit na mga nilalang na umaawit sa harapan ng niluwalhating si Jesus: “Sa pamamagitan ng iyong dugo ay bumili ka ng mga tao para sa Diyos mula sa bawat tribo at wika at bayan at bansa, at ginawa mo silang isang kaharian at mga saserdote sa ating Diyos, at mamamahala sila bilang mga hari sa ibabaw ng lupa.” (Apocalipsis 5:9, 10) Tunay ngang nakapagpapatibay-loob! Ang Diyos na Jehova mismo ang maingat na pumili sa mga lalaki at mga babaing ito. Karagdagan pa, nakapaglingkod sila sa lupa nang may katapatan, na hinarap ang halos lahat ng problemang naranasan ng mga tao. (1 Corinto 10:13) Samakatuwid, makapagtitiwala tayo na ang binuhay-muling mga banal, o mga santong ito, ay magiging maawain at maunawaing mga tagapamahala, na magsasaalang-alang ng ating mga kahinaan at limitasyon.
Mga Pagpapala sa Ilalim ng Pamamahala ng Kaharian
Malapit nang kumilos ang pamahalaan ng Kaharian upang alisin sa lupa ang lahat ng kabalakyutan at pagdurusa. Sa panahong iyon, mapapalapit ang mga tao sa Diyos nang higit kailanman. Sumulat si Juan: “Nang magkagayon ay narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono na nagsasabi: ‘Narito! Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at tatahan siyang kasama nila, at sila ay magiging kaniyang mga bayan. At ang Diyos mismo ay sasakanila.’ ” Magdudulot ito ng napakaraming pagpapala sa sangkatauhan, sapagkat nagpapatuloy ang hula: “Papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa Apocalipsis 21:3, 4.
man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.”—Tunay na magiging isang nakagagalak na panahon iyon! Ang mga resulta ng sakdal na pamamahala ni Kristo Jesus at ng 144,000 banal ay higit pang inilarawan sa mga pananalitang ito na nakaulat sa Mikas 4:3, 4: “[Si Jehova] ay maggagawad ng kahatulan sa gitna ng maraming bayan, at magtutuwid ng mga bagay-bagay may kinalaman sa makapangyarihang mga bansa sa malayo. At pupukpukin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit na pampungos. Sila ay hindi magtataas ng tabak, bansa laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma. At uupo sila, ang bawat isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos, at walang sinumang magpapanginig sa kanila; sapagkat ang mismong bibig ni Jehova ng mga hukbo ang nagsalita nito.”
Ang paanyayang makibahagi sa gayong mga pagpapala ay ipinaaabot ng mga banal. Ang tunay na mga santo, na isinasagisag ng kasintahang babae, ay patuloy na nagsasabi: “Halika!” Ganito pa ang sinabi ng teksto: “At ang sinumang nakikinig ay magsabi: ‘Halika!’ At ang sinumang nauuhaw ay pumarito; ang sinumang nagnanais ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.” (Apocalipsis 22:17) Ano ang kasama sa “tubig ng buhay”? Kasama rito ang tumpak na kaalaman sa mga layunin ng Diyos. Sa pananalangin sa Diyos, sinabi ni Jesus: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Ang kaalamang ito ay makakamit sa pamamagitan ng regular na pag-aaral ng Bibliya. Kaylaking kagalakan nga natin na sa pamamagitan ng Salita ng Diyos ay mauunawaan natin ang tunay na pagkakakilanlan ng mga banal at malalaman kung paano sila gagamitin ng Diyos para sa walang-hanggang kapakinabangan ng sangkatauhan!
[Talababa]
^ par. 3 New World Translation of the Holy Scriptures—With References
[Larawan sa pahina 4]
Sumulat si Pablo ng kinasihang mga liham sa tunay na mga santo
[Larawan sa pahina 4, 5]
Ang mga tapat na apostol ni Jesus ay naging tunay na mga santo, o mga banal
[Larawan sa pahina 6]
May pagtitiwala tayong makapananalangin sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo
[Larawan sa pahina 7]
Ang binuhay-muling mga santo, o mga banal, ay magiging mga mahabaging tagapamahala sa buong lupa