Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang commitment ay gaya ng angkla na magpapatatag sa pagsasama ninyo kahit mabagyo ang sitwasyon

PARA SA MGA MAG-ASAWA

1: Commitment

1: Commitment

ANG IBIG SABIHIN NITO

Kapag ang mag-asawa ay may commitment sa isa’t isa, itinuturing nilang panghabambuhay ang kanilang pagsasama. Dahil dito, magiging panatag sila. Nagtitiwala sila na ang bawat isa ay mananatiling tapat sa kanilang sumpaan kahit mahirap ang sitwasyon.

May ilang mag-asawa na pinagtitiisan na lang ang isa’t isa dahil takót sila sa sasabihin ng iba kapag naghiwalay sila. Pero mas maganda kung ang commitment ay dahil sa pag-ibig at paggalang.

SIMULAIN SA BIBLIYA: “Hindi dapat iwan ng asawang lalaki ang asawa niya.”​—1 Corinto 7:11.

“Kung committed ka sa pagsasama ninyo, magpaparaya ka. Magiging madali sa ’yo ang magpatawad at humingi ng tawad. At kahit may mga problema, hindi mo hahayaang mauwi ito sa paghihiwalay.”​—Micah.

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA

Kapag nagkaproblema, baka isipin ng mga mag-asawang walang commitment, ‘Hindi talaga kami para sa isa’t isa’ at maghahanap sila ng butas para makalaya sa kanilang pagsasama.

“Marami ang nag-aasawa dahil iniisip nila na may ‘back-up plan’ naman sila—divorce. Kung nasa isip na ng isa ang pakikipag-divorce bago pa siya mag-asawa, sa simula pa lang ay wala na siyang commitment.”​—Jean.

ANG PUWEDE MONG GAWIN

SURIIN ANG SARILI MO

Kapag nagkakaproblema . . .

  • Pinagsisisihan mo ba na siya ang pinakasalan mo?

  • Nangangarap ka bang makasama ang iba?

  • Nasasabi mo ba ang gaya ng, “Iiwan na kita” o “Maghahanap ako ng ibang magmamahal sa akin”?

Kung sumagot ka ng oo sa isa o higit pang tanong, panahon na para patibayin mo ang commitment mo sa pagsasama ninyo.

PAG-USAPAN NINYONG MAG-ASAWA

  • Humihina na ba ang commitment natin sa isa’t isa? Kung oo, bakit?

  • Ano ang puwede nating gawin para tumibay ang commitment natin sa isa’t isa?

MGA TIP

  • Paminsan-minsan, magsulat ng maikling love letter sa asawa mo

  • Ipakitang committed ka sa asawa mo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga picture niya sa desk mo sa trabaho

  • Tawagan siya araw-araw kapag nasa trabaho ka o kapag magkalayo kayo

SIMULAIN SA BIBLIYA: “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao.”​—Mateo 19:6.